“Ku...kuya, tao po.” Katok niya na lamang sa higanteng bakal na gate. Naroon man ang matindi niyang takot ay lakas loob pa rin siyang nagtungo sa bahay ng ama. Naroon man ang matinding panliliit niya ay walang pakundangan niya ng nilunok ang natitira niyang dignidad para na rin sa ikabubuti ng kanyang ina. Panaka-naka ang kanyang silip sa may bakod ng naturang bahay, nagbabakasakali na makita siya ng mga kapatid roon. Natigil lamang siya sa walang patid na pagsilip-silip nang mayroon siyang naaninag na pamilyar na mukha sa naglalakas sa may veranda. “Daddy?” kunot noong tawag na lang niya rito, tila nabuhayan siya muli ng loob nang tuluyan ng mamukhaan ang naturang tao roon. “Daddy, daddy nandito po ako!” tuwang-tuwag niyang sigaw habang nagtatatalon upang magpapansin rito. Ganoon na l

