Kawalan iyon ang nadarama ni Jordan ng mga sandaling iyon. Kawalan ng gana, kawalan ng direkson sa kung ano na nga ba ang dapat niyang gawin sa kanyang buhay at higit sa lahat, kawalan ng inspirasyon sa buhay. Naroon ang ang parte kung saan ang pag-aaral niya ay iniuukol niya upang kahit papaano ay muli silang mapansin na mag-ina ng kanyang ama at maipagmalaki siya nito, subalit sa mga sandaling iyon ay parang wala na iyong kwenta, pati ang natitirang dahilan ng kanyang pagsusumikap ngayon ay naglaho na dahil na rin sa katotohanan na wala siyang kalaban-laban sa katunggali rito. Matapos niya kasing makilala ang kasintahan ni Cassady ay agad niya itong kinilala at ganoon na lamang ang lalo niyang panlulumo nang makitang nagmula ito sa isang sikat at magandang pamilya. Paulit-ulit na lang

