Jordy

2834 Words

Hindi pa rin siya matigil sa kakahagulgol hanggang makarating sila ni Jordan sa tinutuluyan nitong condo. Maayos naman at malinis ang naturang lugar, medyo nakakarelax ang kulay cream na pintura noon at ang ilang mga tila laruang kagamitan nito. "Pasensya ka na kung maliit ah, ito lang kasi ang kaya kong bilhin." Tarantang ayos na lamang ng binata sa ilang mga gamit na nakaharang sa daraanan. Halo-halo kasi roon ang ilang mga gamit na kakaiba at kakatuwa na tila mga collectible sa isang shop. Pero parang dadalawang tao lang ang kasya dahil sa liit nito. Halos isang dipa lang ang layo ng sala at kusina kaharap rin lang ng kadikit lang rin ng kusina ang kainan nito at sa gilid noon ay ang pintuan papunta sa banyo at may isang pader lang ang naghihiwalay sa kuwarto nito na walang pintuan.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD