"So what is it that you need with me?" agad niyang saad pakaupong-pakaupo pa lamang. "Alex. He's unwell," nanghihinang sambit ng matandang lalake sa kanya. Naroon na lamang ang unti-unting pagkulo ng kanyang dugo nang muling madinig ang pangalan ng lalake. "And so? he's not my problem anymore is he," mataray niyang saad sa mga ito. Napataas na lamang ng kilay ang sekretarya ng matanda. "On the contrary miss Cassady, he is. Since you are one of the reasons for his depression," singit ng sekretarya na tila ba may tono ng isang abogado. Nadama na lamang ni Cassady ang tila ba mabilis na pag-agos ng kanyang dugo sa ulo, hindi niya napigilan ang mapasalubong ng kilay sa naturang babae. "Excuse me." Napahampas na lamang si Cassady sa lamesa na siyang dahilan para mapatahimik ito "Ba

