Walang gustong bumitiw sa mapusok na paghahalikan habang papalabas ang dalawa ng banyo. Walang habas ang pag-eespadahan ng dila kasabay ng nagpapalipat-lipat na mga kamay sa mga parte ng kapareha sa pagnanais na mapanatili ang pagkakadikit at pakikiramdam sa isa’t isa. Napayakap na lamang si Cassady nang buhatin na ng kasintahan, wala itong kahirap-hirap sa pagdadala sa kanya patungo sa kama, doon ay marahan siya nitong inihiga bago paghiwalayin ang kanilang mga labi upang paglakbayin ang dila't bibig sa katawan niya. "Uhn, mine!" hangos na ungol na lamang niya habang napapahawak sa buhok ng lalake. Unti-unti na kasing naglalakbay ang mapupusok na labi ni Jordan sa kanyang katawan, bawat latak at dampi noon ay nagdudulot ng kakaibang kiliti at init. Ganoon na lamang ang pagsinghap

