Intrusion

1504 Words

Nagmamadaling inilabas ni Cassady ang pinamili niyang groceries nang makarating sa bahay ng mga magulang niya upang maiayos kaagad at makauwi na rin sa kanila, pero laking gulat niya na lamang nang makitang papasok roon ang bunsong kapatid. "Martin, nandito ka, nasaan si Asher?" agad niyang sita sa kapatid nang hindi makita ang anak sa loob ng bahay. Napatigil naman ito sa pagkain ng meryendang bananacue dahil sa gulat ng pagsigaw niya. "Nasa kabila." agad na lang sagot ni Martin. Parang sumikip na lang ang dibdib niya sa mga sinabi nito, wala siyang ibang maisip na pwedeng maiwan kasama ng anak niya maliban sa mga kapatid. At sa ngayon, si Martin lamang ang walang pasok kaya ito ang napaki-usapan niya na magbantay. "Sinong kasama niya roon!" singhal niya na lang rito. Napataas

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD