Napatigil na lang siya sa mga naiisip nang biglang magring ang kanyang telepono. Kunot noo niya na lang iyong kinuha nang makitang si Jordan ang tumatawag. "What is it?" inis niya na lang na sagot. "Mommy, I'm hungry!" nangingiyak na lang na sambulat ni Asher mula sa kabilang linya. "Baby! Sorry, mommy just finished changing. Bababa na ako." dali-dali niya na lang na tayo sabay labas kaagad sa kuwarto. Nadatnan niyang nakanguso ng malapad si Asher habang nakatingin sa hagdan, habang si Jordan naman ay abalang nagtetext sa telepono nito. Agad na lang siyang tumabi sa anak sabay haplos sa pisngi nito. "Sorry baby ko. Tara, kain na tayo." Agad niya na lang sandok ng kanin sa plato ng bata. Napasinghotsinghot na lang ito sa pagpipigil ng iyak, doon na tumigil si Jordan sa pagkaliko

