"Cassady, congrats sa award mo," bati kaagad ng kasalubong niya habang papasok pa lamang siya sa loob ng gusali. "Thank you." Masaya niyang kaway dito. Sobra-sobrang galak ang nadarama niya ng mga oras na iyon habang naglalakad sa pasilyo ng studio, nagbunga na rin ang ilang taon niyang pagtitiyaga bilang isang talent sa naturang lugar. Sa matiyaga niyang pagkuha ng halos lahat ng mga ibinibigay na proyekto dito ay nagawa niya na rin na kahit papaano’y makilala sa naturang industriya, nagsimula sa pa extra-extra hanggang sa maging regular na empleyado at ngayon ay may humahawak na sa kanyang tao. Mag-iilang buwan na rin ang naturang palabas kung saan siya ay kasama, kaya marami na ang nakakabatid at nakakapansin sa kanyang talento at galing kaya naman ganoon na lamang ang tuwa niya nan

