Malapad ang ngiti ni Jordan habang tulalang iniisip ang ipinayo ni Cassady sa kanya. Naroon ang paulit-ulit na panghahalumina ng boses nito sa kanya, na tila katabi niya pa rin ito at pinapalakas ang kanyang loob. Mag-iilang oras na rin ang nakakalipas mula nang umalis ito at iwan siya roon para hindi na maabala, dahil na rin sa may trabaho pa pala ito sa may kalapit lang na gusali, kaya naman parang tanga na lamang siyang nakatulala habang inuubos ang natitira pang pagkain. Nandoon na kasi ang walang patid niyang pag-iisip kung paano nga ba maisasakatuparan ang mga ipinapayo ng dalaga. Sa pagkakataon na iyon ay hindi niya na ito nais na mabigo muli sa kanya kaya naman naroon ang pagnanais niyang sundin ng mabuti ang lahat ng sinabi nito. Isinasaalang-alang niya na ngayon ang mga sinabi

