Isang impit na daing na lang ang kumawala kay Cassady nang magbalik ang diwa mula sa malalim na pagkakahimbing. Damang-dama niya ang matinding sakit ng kanyang katawan. Mula sa kanyang hita, likod, lalong-lalo na sa kanyang kaselanan ay tila sumisigaw sa kirot. Pupungay-pungay pa siya sa pagdilat at doon niya lang nabatid na nakahiga pala siya sa ibabaw ng kasintahan. Napakunot na lamang siya ng noo nang makitang himbing na himbing ito habang nakahiga sa malamig na sahig. Doon na siya nabalisa nang mabatid pa na parehas silang hubo't hubad ng mga sandaling iyon. "Mine, gising! Baka magkasakit ka riyan." Agaran niyang tapik sa dibdib ng binata. "Uhm." Naalimpungatan na lamang si Jordan sa ginawa ng babae. Bahagyang napabangon ang lalake dahilan para malaglag si Cassady sa pagkakahig

