Tatlong linggo na ang lumipas pero hindi pa rin nahahanap si Cassady. Ganoon din katagal na nananatiling puyat at balisa si Jordan. Nangingitim na ang ilalim ng mga mata nito. Mula kasi nang mabalitaan ang tungkol sa pagkawala ng kasintahan ay walang tigil na ito sa paghahanap. Mula sa pagtatanong sa mga kaibigan ng nobya, sa mga taong nakakita kung saan ito huling namataan, pag-iikot-ikot sa lugar na pwede nitong puntahan, hanggang sa pagpapalathala ng mukha at pangalan nito sa dyaryo, radyo at telebisyon. Halos yata lahat ng oras niya ay nakatuon na sa paglabas at paghagilap sa nawawalang kasintahan. Ganoon pa rin ang pagmamadali ni Jordan nang umagang iyon kahit pa halos dalawang oras lamang ang kanyang tulog. Napatigil lamang siya nang bumungad ang mga kaibigan sa harap ng kanyan

