Sa loob ng ilang araw na pananatili ni Jordan sa hospital ay walang tigil ang pag-iyak at pagwawala niya, pero hindi siya hinayaan ng mga kaibigan dahil napag-alaman ng mga ito na overworked siya kaya biglaang bumigay ang kanyang katawan. Tanging ang pagturok lang ng pangpakalma ang nagawawa ng mga naroon para patulugin siya. At noon makalabas naman siya ay bantay sarado pa rin siya ng mga kaibigan, dulot na rin ng matinding depresyon. 'I am more than willing to take responsibility for my actions, I think if miss Cassady will only let me make amends we can come to an understanding, may pinagsamahan rin naman po kami so I just wish she would talk to us.' malungkot at puno ng sinseridad na saad na lang ni Alex habang kinukuhanan ng ilang mga reporter. Naroon ang malalim na paghinga ni Jo

