Kabanata 6
PAGKALIPAS NG LIMANG TAON
"Daddy!" Dali daling tumakbo ang anak kong si Tianne kay Fergus at agad na nagpabuhat. Nang binuhat niya ito, sinubsob nang anak ko ang ulo sa leeg ni Fergus at ngumuso bago tumingin, "Miss ko na po agad kayo." Sabi niya at ngumiti.
Bumalatay naman sa mukha ni Fergus ang gulat dahil sa sinabi nito.
"You already miss me, baby? Eh isang oras ka lang naman kanina ah?" Sabi ni Fergus at natawa pa.
"Hmp!" Tinarayan ito ni Tianna at sumimangot.
"Don't you miss me, Daddy?" Tanong pa niya at hinintay ang sagot ni Fergus.
"I miss you, baby."
"Ganoon po pala eh! Then baket parang hindi po." Natawa 'ko sa mag-ama na nag-uusap at napailing.
"Nagulat lang ako," Sagot pa ni Fergus.
"Kainis ka po, Daddy. It's like your turning na po tulad ni Cohen at Colt." Hinaplos ni Fergus ang buhok ni Tianne at pinigilan ang ngumiti.
"Miss ka rin nabg mga kuya mo, Tianne. Hindi lang sila ganoon ka showy." Saad ni Fergus.
"Ano po ang showy?" Nagtatakang tanong ng anak ko.
"Hindi masyadong napapakita sa'yo na mahal ka." Sagot naman ni Fergus at ngumiti nang tumango si Tianne.
"Mama!" Tawag naman ng anak ko sa akin kaya lumapit na ko sa dalawa.
Hindi na ko nag-abala pa na buhatin si Tianne baka hindi ko kayanin dahil sa bigat nito.
"Kumusta, Tianne?" Tanong ko at ngumiti.
"Okay lang po, Mommy."
Sagot niya sa akin. Kinuwento nito kung gaano kalawak, kalinis at kaganda ang school. Kung paano rin kabait at kagaling ang mga guro na nagpangiti sa akin.
Umalis narin kaming tatlo at pumasok sa BMW na kotse ni Fergus.
Habang nakatingin sa mga gusali na nadadaanan nang kotse. Hindi ko maiwasan na isipin o balikan ang nangyari. Limang taon taon na ang nakalipas. Nang iwan ako nang lalaking minamahal ko.
--
FLASHBACK
KAAGAD akong nagbihis at hinabol si Tyson upang magpaliwanag sa nangyari. Kahit na wala man akong matandaan o maalala. Ngunit nang hinabol ko ito, nahuli na ako. Dahil hindi ko na ito nakita pa sa loob ng condominium.
Bumalik ako sa condo ni Tyron. Kinuha ko na lamang ang bag ko. Tinignan kung kumpleto 'yon. Hinintay ko rin na lumabas si Tyron sa bathroom para magpaliwanag.
Naisipan ko na muna umupo sa gilid ng kama at napahilot nang noo.
Parang gusto ko ulit matulog at kalimutan ang nangyari. Pinigilan ko na ang pag-iisip at pagsisi sa sarili ko. Dahil mas lalo lamang akong mastress nito.
Gusto kong sumigaw sa galit at sampalin sa mukha si Tyron nang makita ito kaninang umaga. Ngunit hindi ko na 'yon nagawa kanina nang bigla na lamang bumukas ang pinto, at pumasok si Tyson. Napangiti pa ng makita ang lalaki. Pero nang makita ang ginawa nito kay Tyron ay pinigilan ko siya. Sumagi kase sa isip ko na isa rin pala ko sa may kasalanan. Hindi na 'ko nakaimik at hinayaan siya sa ginawang pagsuntok . Baka masuntok din lang ako. Umiyak na lamang ako habang pinagmamasdan sila. Napakatanga ko. Hindi lang naman si Tyron ang may kasalanan eh. Ako pa, kung sana ay hindi ako pumuntang bar at basta na lamang tumanggap nang kung ano sa estrangherong babae. Hindi ko mamumulatan ang sarili na kasama si Tyron kinabukasan.
"Wala 'kong alam, Catherine. " Agad na sabi sa akin ni Tyron pagkalabas sa bathroom at nag iwas pa ng tingin.
Napasabunot pa ito ng buhok at tinignan ulit ako. Nahimigan ko naman sa boses niya ang sinseridad. Pero inignora ko na lamang 'yon. Dahil imbes na maniwala ay pinaniwalaan ko ang unang haka haka. Kase sa mga sinabi nito noon. Imposible na hindi nito pakana ang lahat. Idagdag pa ang ginawa nito kay Tyson. Sa pakikialam sa buhay nang kambal niya. Pagpasakit at kung ano pa.
"Talaga?" Tanong ko pa at natawa.
Pinigilan ko ang nagbabadyang luha.
"I'm f*cking serious, Catherine. Wala talaga 'kong alam. I-I don't remember myself being here and waking up with you by my side. Madalas sa panaginip ko lamang iyon nangyayari eh. "
Ewan ko kung nagsasabi ito ng totoo dahil sa sinabi niya.
Bumuntong hininga na lamang ako at tinignan ito na seryoso ako tinitigan.
"Hindi ko alam kung maniniwala ba 'ko, Tyron. Pero ito lang ang masasabi ko. Sana masaya ka na sa nangyari. Dahil hindi lang si Tyson ang sinaktan mo. Kasama na ako." Sambit ko.
"Hindi pagmamahal ang manira nang iba para lamang sumaya, Tyron. Ang isang tunay na kahulugan ng pagmamahal para sa akin ay kayang magpalaya."
Nag-igting naman ang panga niya sa sinabi ko. Isinukbit ko na ang bag at tinalikuran ito.
Pero bago ako makalabas sa kuwarto nagsalita muna ito sa akin. "I know you won't believe me. But I'll prove to you, Catherine. Na mali ka ng iniisip sa akin. I maybe bad but not with my brother. "
"Don't worry, I'll explain to Tyson about what happened. That he should hear me out. I'll also make sure to find the person who frame us."
"Hindi na kailangan." Mahina kong sabi.
Dahil alam kong kahit na anong paliwanag pa ang sabihin ko. Pati ni Tyron, ay hindi na rin kailangan, hindi na kase ito maniniwala. Sa lahat ba naman nang nangyari.
Umuwi ako sa bahay namin. In explain ko sa anak ko ang nangyari kung bakit hindi ako nakauwi. Na nag overtime ako sa pagtatrabaho at nakalimutan kong mag text ang mga ito. Nagtampo ang mga ito dahil ba't hindi ko raw sinabi agad nang hinatid ko sila sa bahay nina Dylan. Ginawan ko na lamang sila o pinagluto ng paboritong pagkain bilang paghingi ng sorry sa mga ito.
Hindi ko maiwasan na pumatak ang luha ko habang nagluluto. Napapabayaan ko na ang mga anak ko dahil sa pagmamahal ko kay Tyson at sa paghahangad na mabigyan ang anak ko ng buong pamilya. Kahit na noong una, ang tanging hiling ko lang naman magkaroon nang tahimik na buhay na kasama sila. Kahit na wala na si Tyson dahil sa nangyari noon. Pero ba't kase naghangad pa ako ng sobra? Ito tuloy ang nangyari. Nasaktan ako at masasaktan ko pa yata ang anak ko.
Hindi na ko tumawag o nag text pa kay Tyson upang mag explain dahil para saan pa? Kung sarado na ang utak o isip nito.
"Mama," Tawag sa akin ni Colt at hinawakan ang kamay ko. Dahilan upang mahinto ako sa paglagay ng rekado sa niluluto.
Hindi ko ito nilingon at pinagpatuloy na ang ginagawa.
"Mama, please....Don't cry." Natigilan ako sa sinabi nito.
"Huh, hindi ako umiiyak, anak." Sabi ko rito at pekeng tumawa.
"Hindi ko alam, Mama. Pero nang isang araw lagi nalang po kita nakikita o naririnig na umiiyak. Kung dati naman po ay hindi ganto. Ma, sinabi ko na dati diba? Na kapag may problema ka pwede niyo pong sabihin sa akin. Hindi lang po sa akin,kundi kasama na po si Cohen. We can't promise to help you dahil marami pa kaming hindi alam sa edad namin. Ngunit sa abot po nang aming makakaya. Susubukan po namin, Ma."
Nang matapos ako sa pagluluto. Humarap ako rito at ngumiti. Pumantay pa ako.
"Salamat, anak. Pero okay lang ako."
Nagulat ako ng niyakap ako nito.
"Ilang beses ka mang magkaila, Mama. Hindi magbabago na alam ko na may problema kayo. Basta, Ma. Kung hindi mo na po kaya. Sabihin niyo lang sa akin. Titigilan ko po agad ang panonood ng anime o ang ginagawa. Para matulungan po kayo." Natawa ako sa sinabi nito at ngumuso.
"Totoo ba 'yan? Eh nong tinawag kita noon para kumain. Nagalit ka sa akin eh."
Ngumuso rin ito at nagkamot ng ulo. "Iba naman po 'yon. Dahil iyon sa magandang part na ako. Ma, Sorry po. Pero totoo ang sinabi ko!" Nagtaas pa ito ng kanang kamay waring nanunumpa.
"Pangako! Kahit na nasa magandang part pa ako ng anime. Hihinto ko muna matulungan lang kayo! Pangakong hindi mapapako." Saad niya at ngumiti sa akin. Kinurot ko naman ang pisngi nito at hinalikan.
"Maraming Salamat, anak. Mahal ka ni Mama." Sabi ko na lamang rito.
"Where's mine, Ma?" Napalingon naman ako kay Cohen na papasok sa kusina.
"Mahal ka rin ni Mama, Cohen. Kayong dalawa." Sambit ko at niyakap sila.
Iwan man ako ni Tyson. Wag lang ang mga anak ko. Dahil mas hindi ko 'yun kakayanin.
Pinunasan ng dalawa ang luha ko at hinalikan sa pisngi. Napangiti naman ako at inaya na ang mga ito na kumain.
Nang kumakain na kami, nakaramdam ako ng pagduduwal ng maamoy ang
cheese na binuksan ni Colt.
"Colt," Tawag ko.
"Baket po?" Tanong naman niya sa akin.
"Iabot mo sa akin 'yan. Mukhang panis na." Wika ko.
"Hindi naman po panis, Mama." Sabi pa niya. Inabot pa nito kay Cohen at pinaamoy rin.
Napatakip ako ng ilong upang hindi lamang maamoy.
Umiling si Cohen. "Hindi pa po panis, Mama."
"Akin na!" Inis ko ng sabi dahil parang hindi ko na kaya ang amoy niyon.
Umiling sa akin si Colt at niyakap lalo na parang pinoprotektahan.
"Colt!" Tawag ko.
"Wag ka ng makulit! Ibigay mo na sa akin 'yan." Mariin kong sabi at nagtagis ang bagang ng hindi nito binigay.
Tumayo ako at napatakbo sa lababo ng hindi ko nakayanan ang amoy. Bumalik din ako at sapilitan pang kinuha ang garapon ng cheese kay Colt at tinapon sa labas ng trash can namin.
Nasa gilid ko si Colt at suminghot dahil sa ginawa ko.
"Hindi pa nga 'yon panis!" Pagdadahilan pa niya.
"Then expired!" Sabi ko naman.
Umikot ang mata nito.
"Hindi pa 'yon expired or panis, Mama. Nakalimutan niyo po bang kabibili niyo lang 'yan sa grocery nong isang araw?" Napaawang ang labi ko.
"Oo nga po, Mama." Saad naman ni Cohen sa akin.
Pumasok ulit ang mga ito sa loob ng bahay. Nakabusangot pa nga sa akin si Colt at mukhang nagtatampo na naman.
"Bibilhan ulit kita," Pampalubag loob na sabi ko. Bago din pumasok sa loob ng bahay. Tinignan ko ang garapon at binasa ang expiration.
Hindi pa nga expired.
Masama lang siguro ang pakiramdam ko.
Napahilot ako ng sentido.
--
"Nagtatampo ka pa rin ba sa akin, Colt?" Marahan kong tanong sa anak ko.
Umiling ito pero mas lalo lamang sumuksok sa gilid ng kama at isinuklob sa katawan ang kumot.
"Hindi po," Sagot pa niya sa akin.
Napabuntong hininga ako.
"Alam kong nagtatampo ka parin. Gusto ko lang sabihin na sorry, anak. Hayaan mo ay bibili ako bukas pagkauwi ko sa trabaho." Sabi ko.
"Hindi na po kailangan, Mama."
Hinawan ko ang ulo nito at hinaplos.
"Hindi kase maganda ang pakiramdam ko kanina ng maamoy ang cheese." Sambit ko.
Bumangon ito at inalis ang kumot. Nakakunot na ang noo nang tignan ako.
"May sakit po kayo? Kaya ba kayo umiyak dahil don?" Tumango na lamang ako. Kahit na umiyak ako sa ibang dahilan.
"Sige po, Mama. Hindi na 'ko magtatampo. Basta dapat may bread na rin huh?" Paalala niya pa.
"Bread, Cheese and cd po ng anime. "
Tumango ako.
Masaya itong ngumiti sa akin.
"Mahal kita, Mama. Sige na po tulog na ko." Natawa ako ng pinagtulakan pa ako nito at hinalikan ko muna sya sa noo bago umalis. Pinunatahan ko rin sa kwarto si Cohen na nakatingin sa kisame at parang malalim ang iniisip.
"Cohen, hindi ka pa ba matutulog?" Tanong ko rito.
Umiling naman ito sa akin.
"Nagdasal ka na ba?" Tanong ko pa. Tumango naman ito sa akin.
"Kung ganon matulog ka na. Pero kung may problema ka sabihin mo sa akin." Saad ko.
Ngumiti naman ito. "Hindi ko lang ito problema, Mama."
Magtatanong pa sana 'ko nang humikab ito.
"Okay, Mama. You can also sleep. Matutulog na po ako."
Tumango ako at hinaplos ang buhok nito at hinalikan sa noo.
Nang matutulog pa lang sana ako. Narinig ko ang katok ng kung sino sa pinto.
Binuksan ko ito at nagulat pa nang makita si Tyron sa labas. "Anong ginagawa mo rito?" Tanong ko.
Nakita kong lumunok ito nang makita ang galit sa mata ko.
"Wala na dapat tayong pag-usapan." Wika ko pa.
"Alam ko pero naiwan mo kase ito." at pinakita nito sa akin ang cellphone ko.
Kinuha ko ito kaagad sa kamay niya at nagpasalamat bago isarado ang pinto.
Napaupo ako sa sahig at napahikbi.
Kase ewan ko kung kakayanin ko ba talaga.
--
PAPASOK pa lang sana 'ko sa loob nang building ng harangan ako ng mga security guard kaya napakunot ang noo ko at nahinto ang pagpasok.
"Manong?" Patanong na sambit ko.
"Si Catherine po ito." Sabi ko pa. Hindi siguro ako nakilala ng mga ito dahil sa shade na suot ko. Tinanggal ko nalang kahit na makikita pa ang namumugto kong mata. Pero wala rin naman palang saysay.
Tumango si Manong sa akin. "Kilala ka na namin, Ma'am. Pero hindi na po kayo pwedeng pumasok sa loob." paliwanag pa nito sa akin.
"Po? Pero Secretary po ako ni Mr. Hammond." Wika ko. Para akong maiiyak ulit.
Tinanggal ba 'ko ni Tyson sa trabaho?
Ba't ganon basta na lamang ako nito papatanggalin sa trabaho? Dahil ba sa nangyari? Alam kong kasalan ko 'yon. Pero sana man lang inisip nito na mahalaga ang trabaho sa akin ngayon dahil doon ko nakukuha ang pambayad ng kuryente, tubig, pati na sa pag-aaral ng mga anak ko.
"Hindi na po si Mr. Hammond ang CEO, Ma'am." Napaawang ang labi ko sa sinabi ng mga ito.
"Si Mr. Richard na po ulit ang bagong CEO." Pag imporma nito sa akin. Hindi ko tuloy maiwasan na manlumo.
Paano kase ay hindi ko rin alam kung tatanggapin ako ni John sa kumpanya gayong magkaibigan ang dalawa. Kaya sakaling malaman nito ang ginawa ko. Hindi ako nito tatanggapin kahit na nag-alok pa ito sa akin noon na tutulungan.
"Nasaan si Tyson?" Tanong ko sa mga ito
"Wala na po si Sir, Ma'am. Umalis na po siya." Saad pa ng isa na si Manong Nicor.
Saka ko lamang naisip na tawagan si Tyson.
"Tyson, Panimula ko ng sagutin nito 'yon. Tumahimik ang kabilang linya.
/"What do you want, Catherine?"/
/"If you're not going to talk. I'll hang up and don't you ever call again. Dahil ngayon pa lang gusto ko nang sabihin sa'yo na pinapalaya na kita. You are no longer my slave. You can do whatever you want. Wag ka ng magsasalita dahil naririndi lang ako. Dahil naalala ko ang boses mo. Nakakadiri."/ Naramdaman ko ang kirot sa puso dahil sa sinabi nito.
"Tyson," Nanginig pa ang boses ko ng sabihin.
"Tyson, sana maniwala ka sa sasabihin ko sa'yo."
Kinagat ko ang labi at lumayo sa mga security guards. Pumunta ko sa hindi karamihang tao at kinausap roon si Tyson.
/"Sinabi ko na diba? Wag kang magsasalita?!"/
"Makinig ka Tyson at sana maniwala ka. Patapusin mo na muna 'ko please... Hindi ako pwedeng mapa DNA test ang mga anak ko. Dahil wala akong pera. Kaya hindi ko sila mapapatunayan sa'yo. Pero ikaw meron ka non. Pwede mo ulit silang ipa DNA test dahil baka mali ang resulta sa una."
/"Napa DNA test ko na sila. I told you before, right?! Not only once, twice, and thrice but f*ck.... many times. Sa ibang mga hospital din."/
/"So it only useless. Dahil kahit na ulitin ko pa ngayon. Wala ring silbi. It will only show negative. Kaya wag mo ng pilitin ang sinasabi mo. Dahil una sa lahat, paano ko sila magiging anak huh? Kung naalala kong last s*x natin nang iwan mo ko ay matagal tagal na rin. Gumamit pa nga 'ko ng condom to make sure kahit na naka pills ka eh. I also calculated months, Catherine. Kaya wag mo ng ipilit ang imposible. Just accept the fact that we f*cked each other pero walang nabuo. I forgive you, Catherine. Ilang beses, but now hindi ko na gagawin The second time you f*ck each other. I mean you and Tyron, that's a cue for me para tigilan na ang kahibangan na patawarin ka. I sold you to help me, and ilang beses mo na rin akong natulungan. Kaya nagpapasalamat ako. But Uulitin ko. I won't f*cking forgive you now. You're not even deserving for my forgiveness. You are worthless and useless. Kailangan ka lang sa s*x. Nga pala, tungkol sa sinabi ko na 'Mahal kita' it just a slip of the tongue. But you know what funny? I considered you to be a woman who could replace my ex wife. Right, you replaced her. By being one of a wh*re too. This is the last time I'll talk to you. Sana hindi na kita makita at makausap pa."/
Nawala na ito sa kabilang linya pagkatapos nang mahabang sinabi niya. Kahit hindi ko ito nakikita. Alam kong lasing ito.
Tinatagan ko ang sarili. Hindi ko na natuloy ang pagpasok dahil wala na rin naman. Kase natanggal na 'ko sa aking trabaho.
Kaya umuwi na lamang ako sa bahay. Nasa paaralan pa ang mga anak ko kaya wala ang mga ito ng pumasok ako sa bahay namin. Kinuha ko na lamang sa loob ng bahay ang resume.
Nagpalit ulit ng formal attire para sa pag-apply. Nagsearch muna ko ng place ng available o naghahanap pa ng employee.
Kailangan kong makahanap ulit ng trabaho. This time ako naman ang magpapa DNA test sa dalawa kong anak.
Sinarado ko na ang pinto ng bahay at aalis na ng napahawak ako sa dibdib nang makita sa harapan si Tyron.
"Nandito ka na naman," Puna ko.
"Hindi ba't dapat nasa trabaho ka?" Tanong niya binalewala ang sinabi ko.
"Sinabi ko na diba na wala na dapat tayong pag-usapan."
"But I want you to talk to me." Saad niya sa akin at matiim akong tinitigan. Iniwas ko ang tingin nang makita sa mata niya ang emosyon na bihira ko lamang makita kay Tyson.
"Mahal kita, Catherine. Gusto kong panagutan ka sa nangyari sa atin nong isang araw."
Nakuyom ko ang kamao at tinitigan ito sa mata. "Hindi na kailangan, Tyron. Kalimutan mo na lang ang nangyari."
Aalis na sana 'ko ng hawakan nito ang braso ko
"Okay hindi na kita pipilitin na panagutan sa nangyari. Pero gusto talaga kitang makausap."
Hindi ako sumagot at inalis ang hawak nito. Pero hahakbang na sana 'ko ng may sinabi ito dahilan para huminto ako at lumingon.
"Anong sabi mo?" Tanong ko pa upang makasigurado.
"You want to know the real father of your twin. Then magpapa DNA test ako."
Hindi ako nakaimik.
"Para malinawan ka talaga." Sabi pa niya at ang mata ay hinihikayat ako. Napakurap naman ako roon.
"Okay." Sambit ko na lamang.
--
NAGHANAP ulit ako nang trabaho at katulad noon bigo pa rin ako. Pinagtuonan ko na lang ng pansin ang pina DNA test na nga anak ko. Ilang buwan din ang lumipas bago namin ni Tyron nakita ang resulta. Iba't ibang Hospital ang aming pinuntahan para makasigurado lang.
Ngayon nga ay nasa sala ako at nakaupo. Nakaharap sa kaniya.
"It's negative."
Tinignan ko 'yun at binasa ng ilang beses. Iisa lang ang resulta.
"Totoo ba 'to?" Nauutal kong tanong.
Namasa ng luha ang mata ko.
"Ibig sabihin si Tyson nga ang ama ng anak ko. Pero...sabi niya ilang beses na siyang nakapag DNA test at negative ang result. " Humina ang boses ko.
Nagkibilit balikat ito, "Ewan ko. Pero baka kaya ganoon ang result dahil may nag-iiba non. Sa business may kalaban si Tyson. Kahit na ano pang paraan gagawin nila. Masiraan lang nila si Tyson.
Katulad din ng sabi ko, hindi ko sasaktan ang kapatid ko. I love you, yeah. But not to the extent that I would hurt him and do stupid. That day when I wake up with you. It's a f*cking frame up. I'm sure of that. Para masiraan ako.. To make my name clear. 'Yung sa dating asawa niya. It's my way to know if she will fall to my trap. Then napatunayan kong oo. She's the one who f*cking insist me to have s*x with her. Sino ba 'ko para tumanggi? I'm just a man. If Sophia really love her. Hindi siya maakit sa ginawa ko. Lalo na ang pagpilit na gawin 'yon. Then she'll blame me? Stupid of her. You're different from the start." Tinitigan ako nito.
"Ano?" Hindi ko ito maintindihan.
"Nothing." Umiling pa ito.
"Kung hindi talaga ikaw ang ama nang mga anak ko. Ba't mo sinasabi o pinipilit na sila ay anak mo?" Tanong ko naguguluhan.
"I love Tyson reaction."
Hindi ko pa rin ito maintindihan. Pero inalis ko rin iyon sa isip at napayuko.
"Nga pala..." Pinaglaruan ko ang daliri sa kamay.
"Totoo bang may nangyari sa atin?" Tanong ko pa ng tumingin sa mata nito.
"No." Sagot niya agad.
"P-paano mo nalaman?" Tanong ko ulit.
Umalis na ito at pagkabalik dala na ang laptop. Pinakita pa nga nito sa akin ang video. Katulad ng sagot niya wala ngang nangyari sa amin. Muntik muntikan lamang. Nakahinga ako ng maluwag.
"Pero bakit mo gustong panagutan ako kahit wala naman pala?" Tanong ko.
"Tsk..Catherine.. Mahal kita. Sinabi ko na diba?
Kaya pala masakit ang katawan ko. Dahil ilang beses akong nauntog sa kung saan ng pilitin ako ng ibang lalaking sumama sa kanila. Pinakita pa kase nito ang isang video sa bar nung nangyari. Kung paano niya rin ako natulungan.
Nasagot na ang mga katanungan ko at kung bakit ganon si Tyron sa akin.
Napabuntong hininga ako.
"Salamat, Uuwi na ako."
"Okay, ingat." Ngumiti ito ng tipid.
Hindi na ko nito hinatid dahil hindi naman kailangan. Kase aalis pa ako para pumunta sa isang kumpanya na pag applyan ko ng trabaho.
--
"Your turn.." Sabi nong secretary sa akin.
Ngumiti ako at tumango.
"Pasok na po kayo!" Sabi nito.
Huminga muna 'ko ng malalim at nagdasal bago muna pumasok sa loob ng CEO office.
"Introduce yourself." Saad nang lalaki. Nasa resume ko ang tingin.
"Catherine Perez, Sir." Sabi ko at napakagat ng labi.
"You may sit." Sabi niya at iminuwestra ang upuan sa harap.
"Salamat, Sir." Wika ko pagkaupo.
"Yes, you should say thank you." Sabi nito at inangat ang tingin sa akin.
Nanlaki ang mata ko at napaawang ang labi ng makita ang mukha ng lalaki.
"Thank you because I paid the books that you bought in the National Book Store."
"Wa-wala 'kong pera." Nakayuko ng sabi ko.
Oo nga pala, sinabi nito noon pag nagkita kami na saka na 'ko magbayad. Pero ba't ngayon pa?
"No need just be my girlfriend."
"Huh?" Nagbukas sara ang bibig ko. Hindi alam ang sasabihin sa sinabi niya.
"I know wala kang pera. Kaya tanggapin mo nalang ang alok ko na maging girlfriend ka."
"Pero..." Pagtutol ko sana.
"No buts." Kinuha nito ang kamay ko at nagulat ako ng hilahin niya 'ko palapit sa kaniya.
"My name is Fergus Franskeinhad, love." Magsasalita pa lang sana 'ko nang halikan na ko nito sa labi.
Bumukas ang pintuan at sunod ko na lamang naramdaman ang yakap sa akin ng kung sino.
"So you're my son girlfriend?" Sabi ng magandang ginang sa harapan ko.
"Po?" Nasabi ko na lamang. Dahil sa sobrang gulat at bilis ng pangyayari. Tinignan ko ang boss ko
"Si--" Tinakpan nito ang labi ko at bumulong. "It's love."
Tumango ako "Love," Ngumiti naman siya.
PAGKAALIS ko sa bagong trabaho. Nanlalata na napahiga ako sa kama.
Kanina lamang ay nag dinner kami ng magulang ni Fergus (Dahil sinabi nito 'yon ang tawagin ko sa kaniya.) Gusto niyang magpanggap akong girlfriend niya upang hindi siya ipilit ng kaniyang magulang na ipakasal sa kasosyo raw nito. Para 'kong mahihimatay nang makita ang salad na may halong cheese sa dinner namin. Buti na lamang at nakiusapan ko sila na kung pwedeng ialis 'yon.
Tumayo ako at pumasok sa banyo.
Nang naglilinis na ako ng katawan. Napatingin ako sa sanitary napkin.
Ba't hindi ko narealized?
Kaya pala 'ko nahihilo at nasusuka tuwing umaga. Mapili sa pagkain ay buntis na 'ko. Sa sobrang busy ko sa paghahanap ng trabaho at pagpatunay ng anak ko si Tyson. Pagpanggap na maging nobya si Mr. Franskeinhad. Nawala sa isip ko ang sarili.
Nahilamos ko ang mukha.
Nagmadali na ko sa pagbibihis at bumili pa ng pregnancy test para makasigurado.
Dalawang linya.
Buntis nga talaga 'ko.
Tinawagan ko ang numero ni Tyson. Hindi ako tumigil na tawagan siya sa pagbabakasaling makausap ulit ito. Kung wala 'kong ebidensya noon para magpatunay na anak niya ang dalawa at ang isa pa. Ngayon ay meron na. Pero wala hindi ito sumasagot.
Nag-iwan ako nang note sa refrigerator kung sakali na magising ang isa sa anak ko.
Nagpunta ko sa condo unit ni Tyson.
Nang pindutin ko ang pulang button, na alam kong pag imporma sa bisita. May nagsalita sa gilid ko.
"Wala nang nakatira diyan, Miss. Nasa ibang bansa na."
Sa kabila ng sinabi nito. Hindi ako naniniwala. Panay ang pagpindot ko ron. Pero ng mapagod umupo ko sa labas ng condo niya.
Nang mismong may-ari ng condo ang nagsabi ng wala na nga si Tyson ay umalis na rin ako.
Sabi ko iwan na 'ko ni Tyson kaya ko basta wag lang ang anak ko. Pero ba't ang sakit?
Nasa elevator na 'ko at humihikbi.
Nakaramdam ako ng takot nang makita ang dalawang lalaki sa loob din ng elevator kung nasaan ako. Kaming tatlo lamang ang narito. Nagsumiksik ako sa gilid. Sa tingin ng mga ito na para 'kong huhubaran. Nakikita ko sa mata nila ang mata ni John noon. Nang pagtangkain ako nitong gah*sain.
"Shhh," Usal ng lalaki. Pumunta ito sa harapan ko habang s likod naman ang isa.
"Wag..." Pagmamakaawa ko at umiling.
Nang bumukas ang pinto. Hinila ko ng mga ito sa kotse. Pero hindi pa man ako nakakapasok sa loob. May humila na sa akin palayo sa kanila.
Sa harapan ko ay akita ko ang pagsuntok ng lalaki sa dalawang lalaki. Nang matapos ito sa dalawa at nagmamadaling tumakbo ang mga lalaki paalis. Lumapit naman ang tumulong sa akin. Pero sa takot na baka may gawin rin itong masama.
"Layuan mo 'ko!" Sigaw ko. Takot na baka gawin nito ang ginawa ng dalawa
"Tyson.... Tulong...." Tawag ko sa pangalan niya. Sa pag-aakalang tutulungan ako nito sa mga lalaki dahil ito ang taga pagligtas ko noon. Sa lahat lahat.
Sinipa ko ito ng hawakan ako. Tatakbo na sana 'ko ng hilahin ako nito at yakapin ako sa likod.
"Don't run..niligtas kita. Wag ka sanang matakot." Kumalma 'ko pero napaiyak.
"Remember my name. I'm Fergus, love. Don't be afraid. I'm here to protect you and your baby."
END OF FLASHBACK
PRESENT
Simula ng araw na 'yon. Hindi ako iniwan ni Fergus. Bumalik ang trauma ko sa mga nangyari sa akin. Nagkaroon ulit ako nang takot sa mga lalaki at umasang nariyan siya. Ang ama ng anak ko para tulungan ako. Pero wala siya. Kung kailan kailangan na kailangan ko siya. Wala ito.
Si Fergus ang nariyan sa lahat. Kaya ang pagpapanggap ko na nobya ito noon naging totoo kalaunan. Minahal ako nito at tinanggap ang anak ko. Nalaman pala nitong buntis ako noong nag dinner kami, doctor din kase ito. Ob gyne doctor pala noon pero dahil walang magmamanage ng kumpanya nila. Nagretired siya sa trabaho bilang doctor.
Sino ako para tanggihan ang pag-ibig nito?
Hindi ko na kailangan ang ama na itatanggi sila. Hindi ein paniniwalaan ang Mama ng anak niya.
Ngumiti ako kay Fergus at hinawakan ang kamay nito.
"Mahal kita," Sabi ko.
"Mahal din kita, love." Sabi niya sa akin at hinalikan ang kamay ko.
"Sobra," Dagdag pa niya.
'Yung sinabi ko noon bago ulit kami nagkita. Paninindigan ko na. Huli man na. Pero kahit paano magagawa ko. Namulat na 'ko sa katotohanan na Hindi na dapat ako umasa sa kaniya. Edi Sana tahimik at masaya 'ko.
Ngunit ngayon masaya ako. Sana lang kung magkita kami.
Handa ako.