Kabanata 7

4209 Words
Kabanata 7 TINULAK ko si Fergus ng tumaas ang haplos niya sa akin at napunta sa dibdib ko. Kaagad itong napakurap at nahimasmasan kaya lumayo ito. "Sorry," Sabi niya. Tumango naman ako at napakagat ng labi. "Okay lang, Fergus. Hindi ka dapat magsorry. Isa pa asawa mo ako. Ako nga dapat ang mag sorry sa'yo kase hindi ko kayang gampanan ang pagiging asawa ko eh." Saad ko pa. Umiling ito sa akin at lumapit ulit kung nasaan ako. Hinaplos niya ang buhok ko at ngumiti. Pumikit ako sa ginawa nito. "Hindi ka dapat mag sorry. Naiintindihan ko na hindi ka pa handa sa ganto." Sabi nito ng malambing. Napaiwas naman ako ng tingin at unti unting pumatak ang luha ko na kaagad niyang pinunasan. "Don't be sorry. Kahit na wala pang s*x na mamagitan sa atin, love. I still love you. Ako talaga ang dapat mag sorry not you. Dahil dapat kontrolado ko na ang ganito. Nakalimutan ko lang kanina." "Sigurado ka bang-" Hindi ko na natapos ang tanong ng putulin nito 'yon. "Oo, sure ako. Noong pinakasalan mo 'ko. Masaya na ko non. Hindi ko na kailangan magmalabis, love. Maghihintay nalang ako kung kailan ka handa, hmm?" Tinitigan ako nito at hinawakan ang kamay ko. Inangat pa nito ang kamay ko at hinalikan. "I love you, Catherine. Always remember that." Ngumiti ako at tumango. Alam ko 'yon. Sumiksik ako sa dibdib niya at hindi mapigilan na umiyak. "Mahal din kita, Fergus." Sabi ko. Bumaba ang tingin niya sa akin at nagtaas ng kilay. Parang hindi ito makapaniwala sa sinabi ko. "Tama ba ang narinig ko?" Tanong nito. "Oo," Sagot ko naman. Sa hindi makapaniwalang mukha niya. Hinawakan ko ang magkabilaang pisngi nito at may pagmamahal na tinitigan. "Mahal kita, Fergus." Buong pusong sabi ko. Niyakap ako nito at hinalikan ang noo. "I love you more, Catherine. More than you could ever imagine." Ngumiti ako at niyakap siya pabalik. Ngunit kaagad nawala ang ngiti ko nang maalala ang isang lalaki. Na guniguni ko ang sarili na kayakap ito. Kaya lumayo rin ako kay Fergus. Pero nang makita ang malungkot nitong mukha. Kaagad akong nagbalik sa bisig nito. Ilang beses kong inisip na sana 'yung ama nalang ng tatlo ang kasama ko at hindi si Fergus. Ngunit imposible 'yon. Dahil sa taong lumipas si Fergus lang ang nandiyan sa akin. Sa amin ng mga anak ko. Wala ang ama ng anak ko dahil hindi man lang nito pinaniwalaan ang totoo. Hindi man lamang ako binigyan ng pagkakataon magpaliwanag at kaagad na umalis ng Pilipinas. Sarili lamang ang iniisip. Tama si Fergus sa sinabi nito sa akin magmula ng una sarili lamang nito ang iniisip at hindi ang mga taong nasa paligid niya. Umiling ako. Hindi ko na dapat 'to isipin at hilingin na sana ito nalang ang nasa kinatatayuan ni Fergus. Dahil sa kanilang dalawa. Si Fergus ang nanatili sa akin. Nagpakita at nagparamdam din kung paano dapat mahalin ang isang babae. 'Yon ang hindi alam ng ama nila Tianne. Hinalikan ko sa labi si Fergus. Nagtagal ang paglapat ng labi namin. Naramdaman ko na dahan dahan akong napahiga ng unti unting bumaba ang halik niya sa leeg ko. "Fergus," Banggit ko sa pangalan niya at napaungol. Napahinto naman ito at tinignan ako. Hinalikan nito ang labi ko ng mabilis bago ngumiti at kinamutan ako at tumalikod. "Goodnight, Catherine." Ilang sandali akong natunganga at napatingin pa rito. Hindi ako nakaramdam ng disappointed dahil hindi natuloy ang dapat mangyari. Sa totoo lang para pa akong nakahinga ng maluwag. Dahil ang totoo, hindi ko parin kayang handang ibigay ang sarili. Hindi pa ako handa sa ganoon. Ibigay ulit ang katawan o sa maikling salita makipag s*x. Kaya masaya ako na huminto si Fergus at hindi na ako pinilit pa. Mahal talaga ako nito. Kung sakali man na dumating ang araw at magkita ulit kaming dalawa ng ama ng mga anak ko. Na kinakalimutan ko na ang pangalan. Hindi ko hahayaan ang sarili na tanggapin pa ito. Baket ko ito tatanggapin? Anong dahilan? Wala, dahil hindi ako nito pinaniwalaan at pinanindigan. "Fergus, maraming salamat sa lahat." Mahina kong sambit habang tinitigan ito na mahimbing na natutulog. Sana lang talaga panindigan ko ang mga sinabi ko at pinangako sa altar sa'yo. Dahil hindi ko gustong saktan ang lalaking walang ibang ginawa kundi mahalin ako. Kinabukasan, maaga akong nagising para paghandaan nang makakain si Fergus. Kahit na may taga pagluto o katulong sa bahay. Mas gusto ko pa na ako mismo ang gumagawa non. Hindi porque asawa ako ni Fergus at mayaman ito. Tunganga nalang ako at hindi tutulong. Isa pa, nahihiya na ako. "Ma'am!" Gulat na sabi ng dalagang kusinera ng makita ako nito. "Gising ka na pala, Kate." Sabi ko. Napatingin ito sa ginagawa ko. Hinahanda ko kase ang mga lulutuin ko ngayong umaga. "Ako na rito." Ngumiti ako. "Trabaho ko po 'yan, Ma'am. Nakakahiya naman po at kayo ang gumagawa." "Okay lang, Kate. Kaya ko na 'to..saka bihira ko na nga lang 'tong gawin. Kase madalas kayo." Paliwanag ko pa. Tumango ito pero sumimangot din. "Baka po pagalitan ako ni Sir, Ma'am. Hindi pa naman gusto ni Sir na magkilos po kayo o tumulong sa gawaing bahay. Isa pa binabayaran kami, Ma'am." "Kate... bumalik ka nalang sa loob ng silid niyo. Inaantok ka pa oh." Umiling ito sa akin at desido na patigilin ako. "Ma'am..." Pagmamakaawa niya pa. Napangiwi naman ako. "Tulungan mo na lang ako rito." Sabi ko. Tumango ito kahit labag sa kaniya. Napabuntong hininga ako. Pinapagaan ko na nga lang ang trabaho. Sa sobrang mahal talaga ako ni Fergus hindi nito gusto na gumagalaw ako sa bahay at tumutulong. Nariyan raw kase ang mga katulong para gawin. Hindi naman ako sanay doon. Nang matapos ako sa pagluluto. Inilagay ko na sa lamesa. Katulong ko pa si Kate sa paglagay non. Kaso nabitawan nito ang paglagay ng pagkain nang marinig ang boses ng mayordoma. "Aba't hindi ba sinabi na ni Sir Fergus sa'yo na hindi dapat magluto si Ma'am o kumilos man lang?! Ikaw Kate huh. Ganyan ba talaga ang kabataan mga tamad. Makakalimutin na rin tulad ng matanda. Binabayaran ka rito. Wag mong kalimutan." Galit pa na sabi ni Manang Linda at akmang susugurin si Kate para batukin ito. Katulad ng ginagawa lagi dahil nakikita ko 'yon ng humarang na ako. "Manang Linda. Ako po ang may gustong magluto." Mahinahong sabi ko. "Ma'am, kahit pa kayo ang gustong magluto. Hindi pa rin po pwede. Pagagalitan kami ni Sir Fergus nito. Hindi lang po at baka tanggalin kami o bayaran ng maliit na sweldo. May sakit ang asawa ko. Baka mas lalong lumaki ang babayaran ko." "Ako ng bahalang magpaliwanag kay Fergus nito, Manang. Hindi niyo na po dapat isipin pa ang mga ganong bagay." Nakahinga ito ng maluwag sa sinabi ko at napatango para pa itong maiiyak. "Salamat Ma'am." Sabi niya at pinasunod si Kate. Narinig ko pa ang mga usapan ng mga ito habang papalayo. "Susunod maaga ka ng gumising. Hindi pwedeng ganto. Pakiusapan man ni Ma'am si Sir. Hindi magbabago na pwedeng mawalan tayo ng trabaho o gawing maliit ang sweldo natin." "Sorry, Manang Linda. Opo! Hindi na po. Tinapos ko pa kase kagabi ang pinagagawa ng professor namin sa school. Bawal po kase malate ng submission." "Alam ko, hija. Pero kung matatangal ka sa trabaho o liliit ang sweldo mo. Babalik kang probinsya at hihinto sa pag-aaral. Hindi mo naman yun gustong mangyari diba?" "Opo." Sagot naman niya. "Edi sundin mo o gawin ang sinasabi ko sa'yo. Para rin sa kinabukasan mo 'to. Matulungan ang magulang mo. Hirap na ng buhay ngayon. Kaya dapat tapusin mo ang pag-aaral." "Alam ko po." Napangiti ako ng marinig ang usapan nila. Ramdam ko ang hirap nga naranasan ni Kate. Dahil katulad niy y orking student rin ako. Nagtrabaho ako upang mabayaran ang ginastos ng ama ng anak ko. Dahil hindi ko gustong sabihin nito 'yun sa akin pag galit ito. Kaya nga hindi nito binabanggit. Tangi lamang ay ang pagbili nito sa akin ng milyon. Ngunit bayad na ko, hindi na dapat ako nito pinahirapan. Umiling nalang ako at napatingin sa taas ng staircase ng marinig ang yabag. Nakita kong pababa si Fergus at mukhang nagmamadali pa. Kaagad itong lumapit sa akin at niyakap ako. "May napaginipan ako." Parang batang sumbong nito. Niyakap ko ito at naramdaman sa leeg ang paghinga niya. "Ano naman 'yon?" Malambing kong tanong. "Iiwan mo daw ako, love." Nanginginig ang boses nito ng sabihin. Tinignan ako nito. Maluluha luha pa ito. "Hindi kita iiwan. Ilang beses ko ng sinabi sa'yo diba?" "Not enough." Sagot niya pa. "Fergus, magtiwala at maniwala ka naman sa akin." "Iniwan na ako noon, love. Kaya nga hindi na 'ko aasang mananatili ka. Hindi man lahat ng iba tulad ng una ko. Pero nararamdaman ko ikaw rin magiging ganoon. Kaya please, love. Wag kang magsalita ng tapos sa akin. Kung hindi mo kayang tuparin 'yon someday." Basta na lamang ako nitong tinalikuran. Ito pa rin ba ang issue namin hanggang ngayon? Tumawa ako. Pero alam kong sinasabi lang nito 'yon dahil nasasaktan ito sa nangyari. Kaya kung hindi ito maniniwala at magtitiwala sa akin. Gagawa na lamang ako ng paraan para mangyari. Sa hapagkainan nagtanong si Fergus sa mga anak ko nang madalas nitong itanong. Kung kamusta ang school. Iyong grades nila hindi naman ba daw bumaba. Si Fergus 'yung tipo ng lalaki na pag seryosong bagay dapat seryoso lang. Hindi ito dapat biruin nalang basta. Dahil katakot takot ang pwede nitong gawin sa'yo. Naranasan ko na kase 'yun. Hindi naman talaga ako mapagbiro pero dahil siguro sa buntis ako noon ay iba ang pananalita at kilos ko. Nariyan na binebelatan ko siya na parang bata. Kapag iniinis ako nito. Nagtatantrumps pa nga ako. Halos magulat ako ng sigawan nalang ako ni Fergus. Tapos 'yon, naisip ko. Hindi ko dapat ito galitin. Dahil baka pag ginalit ako nito madamay ang anak ko at sigawan din. Siguro kaya ayaw na ko nitong magkilos dahil don sa nangyari. Hindi ako nito sinisigawan ngayon na mag-asawa na kami. Pero nag-iingat nalang ako dahil baka mangyari ulit 'yon. Natatakot ako. Napatingin ako sa kamay ko sa ilalim ng lamesa ng manginig 'yon. Pinakuyom ko ang kamao. Hindi dapat ako maging mahina. Minsan natatanong ko ang sarili ng hindi ko namamalayan. Tama ba ang desisyon kong pakasalan ito o hindi? Hindi lang aman dahil tanggap nito ang mga anak ko kaya ko ito pinakasalan. Isa sa dahilan ay para maprotektahan ako sa tunay na ama ng mga anak ko. -- SUMAMA ako kay Fergus sa trabaho nito. Hindi ako secretary o employee an lang. Pero lagi akong naroon. Inspiration kuno sabi ng secretary niya sa akin nang makita ako nito ron at sumunod na lagi. Umiling nalang ako. Lahat din pala ng nagtatrabaho sa kompanya ni Fergus. Alam na hindi nito gusto ang nag jo-joke. Kaya pala hindi joke ang sinabi nito noon na maging girlfriend ako. Dahil niligawan din ako nito ng totoo. "Love," "Hmm," Sabi ko kay Fergus ng yakapin ako nito sa likod. Nakatingin kase 'ko sa mga building sa labas kaya hinawakan nito ang baba ko at pinatingin sa kaniya. "Baket, Fergus?" Tanong ko. "Can you accompany me in my sister's welcome party?" Patanong pa na sabi niya sa akin at tinitimbang ako kung papayag ba sa sinabi nito "Oo naman." Sagot ko at ngumiti. Ngiting totoo at hindi peke. "You sure, love?" Paninigurado pa niya. "Oo naman..kahit na hindi pa ako non gusto. Sasama parin ako sa'yo." Hindi kase ako gusto ng kapatid ni Fergus. Noong naging girlfriend ako nito. Kahit nga nang maging asawa na kami. Hindi ko naman inisip na siguro dahil may anak ako sa ibang lalaki. Ngumiti ito sa sinabi ko at kinintilan ako ng mabilis na halik sa labi. "Salamat. Pero sa tingin ko matatanggap ka na rin non." "Talaga? Paano mo naman nasabi?" "Nabalitaan ko kase kina Mama na may boyfriend na raw siya. Hindi pa umaamin. But we're sure she has." "Sa tingin mo ba dahil may boyfriend na si Sam magugustuhan niya na ako?" "Yes, love. Siguro naman napabago na siya ng pagmamahal niya sa lalaki." "Kailan ba babalik si Sam?" Tanong ko pa "Sunday, love." "Malapit na pala. Wala yata 'kong masusuot." Mahinang sabi ko. Napakunot ang noo nito, "Hey, you don't have to think what you will wear. I got you, love. Binilhan na kita ng isang araw pa." Nanlaki naman ang mata ko. Kanina lamang iniisip ko ang susuotin. Ngayon ay meron na agad itong nabili sa akin. Para akong maiiyak. "Okay ka lang ba? Hindi ka na nagsalita? Alam kong hindi mo gusto na binibilhan kita gamit ang pera ko. Pero, love. I want you to be more beautiful when you will meet my sister again." Tumaas ang kilay ko. "Hindi ba 'ko maganda nang nagkita kami noon?" Natawa ito sa sinabi ko at napailing. "No, love. You're beautiful, okay? I mean gusto ko lang maganda ang suot mo." "Uhmmm para rin pala hindi ka na husgahan ng mga taong nandoon." Napailing ako at tinalikuran ito. Napabuntong hininga ako. Kanina lamang masaya 'ako sa sinabi nito. Pero ng malaman ang dahilan kung bakit ako nito binilhan. Parang nawala ang saya. Minamaliit din pala ako nito. "Wag kang mag-alala. Susuotin ko ang binili mo." Sabi ko at pumasok sa loob ng bathroom nito sa loob ng office. Pinunasan ko ang luhang tumulo sa pisngi ko. Hindi ko alam na hindi lang pala si Fergus ang kailangan tanggapin ako. Kaakibat din pala non ang ibang tao. -- HINALIKAN ni Fergus ang kamay ko na palagi nitong ginagawa. Yon ang isa sa paraan nito para maiparating na mahal ako kahit hindi magsalita. "I'm sorry, love. Ayokong mangyari yung noon. Nong inanunsyo kong tayo at suot mo ang dress na binili mo mismo. Tapos napagkamalan ka ng iba na katulong ko. Wag ka ng magtampo, love. Gusto ko lang na hindi ka na masabihan ng ganon. Gusto ko rin mag adjust sila pero hindi natin hawak ang isip nila. Magsasalita pa ein sila ng saloobin nila sa'yo. Kaya tayo na lang mag a-adjust." Pagpapaintindi pa nito sa akin. Naiintindihan ko naman pero hindi dapat ganoon. Hindi naman masama na mapagkamalan akong katulong. Pero sa tingin ng mga ito sa akin. Para bang pinahihiwatig nila na mababa ang lipad ko. "Mahal kita, love. I don't want you to be mad. Please forgive me. I just want the best for you. Hindi lang sa'yo. Pati na sa anak natin." "Alam ko, Fergus. Sorry." Sabi ko. "Okay lang basta wag ka ng magagalit." Hinaplos nito ang buhok ko at hinalikan ako sa labi. Napapikit ako at tumugon sa halik niya. Hindi pa man lumalalim ang halikan namin ng tumigil siya. "D*mn, love. Don't kiss me back..baka hindi ko mapigilan ang sarili." Hinihingal na sabi nito at napasuklay ng buhok gamit ang kamay. Siguro naman kaya ko na. Pero ng tignan ko ang mukha nito. Hindi ko pa pala kaya. Dahil sinasabi man ng isip ko na gawin ang bagay na 'yon. Sinasabi naman ng puso ko na hindi pa pwede. -- "Mommy! Daddy!" Sigaw ni Tianne. "Hindi po ba talaga ako pwedeng isama?" Tanong nito at sumimangot sa akin. "Tianne, huwag ka ng makulit. Sinabi na nga ni Mama na hindi pwede eh. Kailangan bang paulit ulit 'yon?" Sabi naman ni Colt. Napahalukipkip si Tianne ng sabihin yon ni Colt. "I'm not makulit!" Protesta ni Tianne at napasimangot. Umiling si Cohen sa dalawa. "Mag-iingat kayo, Ma. Don't worry kami na pong bahala ni Colt na mag-alaga kay Tianne. Pwede na po kayong umalis ni-" Huminto ito sa pagsasalita. "Papa." Dugtong pa nito. "Salamat, Cohen." Tumango ito sa akin. "Sige... aalis na 'ko. Mag message kayo sa amin ni Fergus kung may problema huh?" "Ikaw bunso wag ka nang umatungal ng iyak. Hindi ka na bata." "I'm still a kid 'no!" Depense pa nito. "Well nong ganyan age namin ni Cohen. Hindi ko gustong masabihan ng kid. HAHA." "But maybe you still a kid. You don't have a brain like us." "Are you degrading me, Kuya Colt?" Tanong nito at tinaasan siya ng kilay. Sa tono ni Tianne parang handa itong makipag sagutan kay Colt. "Tumigil na ka na Colt. Then you Tianne, wipe your own tears. Hindi ka pwedeng sumama dahil hindi pwedeng magsama ng mga bata. Buti sana kung pwede." Sa taon na lumipas, nakikita ko sa itsura ng dalawa kong anak, ang mukha ng ama nila. Mas lalo 'yon nadedepina. Kaya kahit sinasabi ko man ang tatlong salita kay Fergus. Hindi naman ganon na kasigurado ako. Pero masasabi kong mahal ko pa rin ito. Hindi ko lang maitatanggi na mas mahal ko parin ang ama ng mga anak ko. Pero hindi na dapat. Kalimutan ko na dapat ang nararamdaman sa kaniya. Hindi lang ang pangalan. Kung noon umiikot ang mundo ko sa anak ko pati na ito. Ngayon kay Fergus naman pati sa anak namin. "Sige, aalis na 'ko. Mga paalala ko sa inyo. 'Wag niyong kalimutan." Wika ko pa. Tumango ang dalawa sa akin. Si Tianne naman ay bumusangot lang at pumasok sa loob ng bahay. Napabuntong hininga ako. Palibhasa nasanay na ito na laging sinusunod. Nag-alala tuloy ako roon. Baka kung ano gawin. Kapag naiinis o nagagalit kase ito. Binubunton nito ang galit at inis sa laruan. Nang natapos na 'kong magpaalam. Sumunod na ko sa loob ng kotse ni Fergus. Nakita ko pa sa mukha nito ang inip. Napakagat naman ako ng labi. Seryosong bagay kase rito ang mga ganto. Hindi dapat nahuhuli. Kaagad din nawala sa mukha nito ang inip. Na iniisip ko tuloy paano nito nagagawa. Sinumulan na nito ang pagmamaneho. Tahimik ang byahe namin. Kahit na nang nakarating na kami sa hotel kung saan darausin ang Welcome Back Party ni Samantha. Marami sa mga bisita ang nakikipag-usap sa iba. Sa mga suot nitong mamahalin. Masasabi kong dapat talagang suotin ko ang dress na binili ni Fergus sa akin. Nakita ko pa ang mag-asawang Rina at Edward. Nakilala ko noon na kasosyo ni Fergus sa kumpanya. Kaagad kaming sinalubong nito. Naglayo naman si Fergus at Edward para mag-usap. "Akala ko talaga hindi na kayo darating." Sabi ni Rina sa akin. "Baket mo naman 'yon nasabi?" Tanong ko. "Alam mo naman diba kase sinasabi ko sa'yo na pag mga ganto. Pupunta at pupunta talaga kami ni Fergus." "Late kaya kayo ng 30 minutes. Hindi ba't hindi pa kayo na lalate?" Natatawang sabi nito sa akin. "Uhm... nag dalawang isip pa kase ako kung susuotin ko ba 'tong pulang dress." Pag amin ko Gulat ang tingin na binigay nito at tinignan ang suot ko "Baket naman eh kung ako magsusuot niyan. Hindi ako magdadalawang isip. You know girl that red dress was so expensive. As far as I know huh." "Hindi lang naman dahil mahal 'tong pulang dress na damit. Dahil din para na kong makikitaan." Saad ko. Sumimangot ito sa akin. "Hindi naman. Fashion nga 'yan. No need a bra talaga. Tignan mo naman ang ibang babae rito, Catherine. Wala yung ibang bra at mas exposed pa 'yung mga suot." Tumingin ako sa mga babae at tama nga ito. Parang hindi pa ito siguradong kung magsasalita "Nga pala, totoo ba talaga ang balita na may boyfriend na si Samantha? That's new. Good news too para tigilan na ang pagsusungit sa atin. For sure inggit sa atin kase walang love life. Haha just kidding!" "Sinabi nga sa akin ni Fergus pero hinihintay pa nilang umamin si Sam " Paliwanag ko. "Grabe pa showbiz si Samantha huh, puro flex at posted lang ng pictures nila ng boyfriend niya. Nakaka curious tuloy." Natawa ako. "Honey, Mommy was calling you." Bumalik sina Edward ng ilang sandali. "Sige, Catherine. Tinatawag na 'ko ng Mommy ng Honey ko." Tumango naman ako. "Love," Napalingon ako kay Fergus. "Sorry kung tahimik ako kanina. Ayoko kase talagang na la-late." "Natagalan kase ako sa pagsusuot nong dress. Saka kinausap ko pa sina Cohen." Paliwanag ko naman. "I know, love. Sorry. Am...I stressing you out?" Tanong nito. "Hindi naman." Sagot ko. "Ayokong istress ka, love. Kaya sabihin mo sa akin. Kung ayaw mo na tahimik ako or what. Ayokong maulit 'yung nangyari noon na sinagawan kita kahit na you're bearing Tianne. I don't want that thing to happen again." Naalala pa pala nito 'yon. "Wag kang matakot sa akin, love. Hindi kita sasaktan. Pangako 'yan." Akmang bubuka pa lang ang bibig ko upang magsalita ng dumating ang Ina ni Fergus kasama pa nito ang asawa niya. "Nandito lang pala kayo, Fergus. Kanina pa namin kayo hinahanap." Ngumiti naman si Fergus sa mga ito. "Nalate po kami kanina, My." "Oh...that explain why hindi namin kayo makita kanina." "Son, sumabay na kayo ng asawa niyo sa lamesa kung saan kami ng Mama mo kanina." Saaad naman ng ama ni Fergus na si Michael. "Yes, Dad." Sumunod kami sa mga ito. Nang makaupo kami. Kaagad nag-usap ang mag-ama ng tungkol sa trabaho. Nakakaintindi naman ako 'ron. Ngunit hindi lahat. Tumatango tango na nga lang ako sa mga ito pag sinasali ako sa mga usapan. Nag excuse na muna ko sa mga ito na magpapahangin. Pero hindi pa man ako nakakatayo sa upuan para umalis ng kaagad nagtinginan ang mga bisita sa pinto. Napatayo kaagad si Fergus kasama ang Ina at Ama nito. Si Samantha na siguro ito. Dahil hindi pa man nakakapasok ang paparating. Narinig ko na ang mga bulungan. "Is that Samantha? Wow she's different now. She looks more beautiful." "I agree girl." Hindi na 'ko umalis pa para magpahangin dahil doon. Mga ibang lalaki naman nagbubulungan. Nagbubulungan ng paghanga ng mga ito sa babae. Nang makapasok sa loob si Samantha mas lalong rumami ang bulungan. Nakipag-usap muna ito sa mga kaibigan pati na sa mga kakilala. Bago kami ang lapitan. Hinalikan nito sa pisngi ang Ina, Ama pati na ang kapatid nito. "How are you, Mom?" Tanong nito. Parang wala ang presensiya ko. Dahil hindi man lamang ito nag-abalang tinignan ako at kausapin. "Sam.." Suway ng Ina nito. Umikot ang mata nito. Bago bumaling sa akin. Hinalikan din ako sa pisngi. Kinausap ulit ang mga magulang. Malalim akong napabuntong hininga. "Sorry, love." Usal ni Fergus sa akin ng dumikit. Napalunok ako. Sanay naman na ako. "Sam, Where's your boyfriend or friend? Hindi mo ba siya sinama rito para maipakilala samin at kahit mag vacation man lamang dito?" Maya mayang tanong ng Mama ni Fergus. "Don't worry, Mom. Malapit na raw po siya. Nauna lang ako sa amin dalawa. Dahil tinapos lang po niya ang trabaho sa France." "Good. Dahil matagal ko na siyang gustong makilala." "I think he's here na. Okay Mom gotta go. I'm going to announce to everyone and to you my family. Who's him in my life." Mabilis itong pumuntang stage at kinuha ang mic. "OMG! My boyfriend and soon to be husband is now here!" Pag-anunsyo niya. Tumili pa ito ng mapatingin sa pinto. Napatingin ako sa bandang tinitignan niya Hindi ko makita ang mukha ng lalaki. Dahil marami sa mga babae na nagsitakbuhan don. "Hey girls he's mine! Back off!" Sabi ni Samantha nang makita ang mga babae na pinagkaguluhan ang lalaki. Ganon ba kaguwapo ang lalaki para pagkaguluhan nang mga ito kahit na may mga guwapo rin sa mga bisitang dumalo. Umalis din ang mga ito na pulang pula ang mga mukha. Nang mawala na ang mga taong humaharang. Nakita ko ang isang lalaki na payat at may salamin sa mata. Ito na ba ang lalaking tinutukoy nito? Kaso ng bumaba sa stage si Samantha at sinigaw ang pangalan ng isang lalaki habang tumatakbo at nagmamadaling lumapit. Para 'kong pinagsakluban ng langit. "Ty!" Niyakap ito ni Samantha na niyakap niya rin pabalik. Pero kahit na magkayap ang dalawa nasa akin ang tingin ng lalaki. Napalunok ako at iniwasan ang tingin. Doon ko nakita ng malinaw ang mukha ng lalaki. Lumipast ako ng pwesto at nagtago sa likod ng ibang tao. Pero gumala ulit ang tingin nito sa mga taong naroon at nagtama ang tingin namin. Nakapanindig balahibo na ngumisi ito sa akin. Pero nawala rin ang ngisi at napalitan ng ngiti. Hindi ko makakalimutan ang mukha ng lalaki. Dahil kahit kalimutan ko man ang pangalan nito. Nagpapa-alala ang dalawa kong anak sa kaniya. Sa mahabang pilik mata, matangos na ilong, makapal na kilay. Maputing kulay ng balat. Maskuladong katawan. Walang iba. Ang lalaking ito ay ang tunay na ama ng mga anak ko. Umalis ako ng hindi nagpapaalam kay Fergus. Hindi ko kayang makita ulit ang lalaki pagkatapos ng taon. Pumunta 'akong restroom. Doon para akong nakahinga ng maluwag. Pero kaagad nawala 'yon ng pumasok sa loob ang hindi ko inaasahan lalaki at saraduhin ang pinto. 'Anong ginagawa nito dito?' Tanong ko sa isip. Umatras ako ng humakbang ito papalapit at papasok sana sa isang cubicle. Pero hinaklit nito ang braso ko. Nagpumiglas pa ako at sisigaw na sana ng takpan nito ang bunganga ko ng palad. "F*ck. You're not giving me other choice but to do this." Natigil ko ang pagpupumiglas ng maramdaman ang pagturok nito sa akin sa braso. Bago pa magdilim ang tingin ko. Sinambit ko pa ang pangalan nito. "Tyson... " Mahinang sabi ko. Kahit nanghihina tinulak ko ito. Pero dahil sa epekto ng pagturok. Tuluyan nang nagdilim ang aking paningin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD