Kabanata 9
"If that's really what you want. Then f*ck fine. I'll give it to you." Nahihirapan pang saad ni Tyson sa akin.
"But before I can do that. Gusto ko muna ng pabaon."
Kumunot ang noo ko at namula ang magkabilang pisngi dahil sa sinabi nito.
Papalayain na nga lang ako nito. Gusto pang maka isa sa akin kung hindi ba naman bastos!
Magsasalita na sana 'ko upang humindi 'rito ng hawakan nito ang baba ko at hinalikan ng mabilis sa labi.
"Now, you can go to your husband." Malungkot niyang sabi at tinakuran na ako. Hinabol ko ito at hinawakan ang palad upang pigilan.
"Salamat," Sabi ko at ngumiti. Nawala ang saya sa mukha niya at lumaylay ang balikat bago ako tinignan ng walang emosyon.
"Umalis ka na, Catherine. Hindi mo na kailangan na sundan pa 'ko. Para lang magpasalamat sa akin. Dahil baka iba pa ang isipin ko."
"Tyson..." Hindi ko alam pero naawa ko itong tinignan.
Sa mukha kase nito parang hindi nito gusto na palayain talaga ako.
"Don't mention my name." Mahina niyang winika 'yon.
"I really thought your still haven't move on and can give me a chance. I set you free Cath to be my slave. But I didn't tell you that I set you free to be mine. Kaso kita naman sa leeg mo, na ayaw mo na talaga. Hindi pa man tuluyan natatanggal ang pangalan ko. Dahil as I can see 'di pa tapos ang session mo sa pagpapatanggal. Malinaw na sa'kin na... ayaw mo na talaga."
Mahaba at sarkastiko niyang sambit sa akin.
"Umasa ko sa wala."
"Take care, Maybe it's really too late. But what I told you before is not a slip of the tounge. I really love you. But I can't fight for you that time because I'm still looking for the person who are manipulating us, making sure who he is... Para maging maayos na ang lahat. Walang gulo... Kaso t*ngina nahihirapan ako. Hindi ko alam kung bakit hindi ko malalaman laman kung sino talaga siya hanggang ngayon. Not until you told me something. Kung kailan nalaman ko na rin at naghihintay ng confirmation. Sumuko ka na..." Malalim itong napabuntong hininga.
Hindi ako makapagsalita at parang napipi sa inamin nito.
Dapat ko bang paniwalaan ito? Totoo bang mahal talaga ako nito? Ano ba 'tong pinagsasabi niya na may nag mamanipulate sa amin? Baket ang gulo?!
Napailing ito. Dumaloy pa sa mata nito ang luha na kaagad nitong pinunasan.
Umigting ang panga nito at napahilamos ng mukha.
"H-hindi.... hindi ko pala kaya... I love you, Cath. I change my f*cking mind. I can't give you the freedom that you want. Ngayon lang ulit ako nagmahal. Hindi pwedeng maging luhaan ulit ako. Sorry, please..."
Mabigat sa sariling sinabi ko rito ang salitang pinagpraktisan ko na kanina pa.
"Hindi porque may nangyari sa atin, Tyson. Mananatili na ulit ako sa'yo katulad noon. Iba na ngayon. Hindi na pwedeng ganoon. Una pa lang mali na ang may mangyari sa atin pero pinagbigyan ko ang sarili ko. Para na rin closure sa ating dalawa. Hindi mo ba talaga alam o nagbubulag bulagan ka lang? Kasal na 'ko, Tyson. Siguradon akong alam mo na 'yon pagtuntong mo pa lang sa Pilipinas."
Malamig ko itong tinignan at tumalikod na ako. Hindi ko na gusto marinig ang mga sunod pa nitong sasabihin at umalis na sa condo niya.
Nakita ko pa sa peripheral vision ko na susundan pa ko nito. Pero tumakbo na 'ko papalabas.
Napakabigat ng pakiramdam ko at nakatulala nalang nang makapasok sa loob ng taxi. Gulong gulo ang utak ko.
Simula pa naman magulo na ang buhay ko. Nang makidnap ako at bilhin ni Tyson. Mas lalo nga lang gumulo nang mahalin ko ito.
Habang tinitigan ko ang labas. Kumikirot ang puso ko. Para na naman akong maiiyak.
Hiniling ko ang magkaroon ng tahimik na buhay at maging masaya. Baket ganto ang binigay sa akin? Ba't pa kase dumating ulit si Tyson 'eh.
Tumigil ka na sa pagtibok, puso. Tama na ang sakit noon. Mali na hanggang ngayon sa kaniya ka pa rin tumitibok.
Siguro hanggang dito lang kami ni Tyson. Master ko lamang ito at ama ng anak ko. Mali na umasam ulit ako. May asawa na ko. Hindi pwedeng gayahin ko ang ginawa ni Tyson noon. Mali sa paningin ng iba, mali sa paningin ng Diyos. Mali sa lahat.
Kung noon paulit ulit kong pinagbibigyan ang sarili ko. Ngayon isip na ang papairalin ko. Dahil hindi laging ang puso dapat ang sundin ko. Hindi rin lahat ng pagkatataon dapat si Tyson ang piliin ko.
Pinaling ko ang tingin sa mansyon ng ibaba na ko ng taxi sa tapat mismo ng gate.
"Salamat," Walang gana kong sabi. Binigay ko ang bayad rito na kaagad nitong tinanggap.
Sumalubong sa akin ang mga anak ko na nag-aalala.
"Ma, saan ka po ba pumunta?" Tanong sakin ni Colt.
Napakurap ako at parang nagising.
Humugot ako ng malalim na hininga at magsasalita na ng sunod sunod pumatak ang aking luha na kanina ko pa pinipigilan sa taxi.
Niyakap agad ako ni Colt. Hindi ito nagsalita.
Si Cohen naman ay akma pa lamang bubuka ang bibig ng tinikom nito.
"Ikaw muna ang bahala kay Mama." sabi nito at iniwas ang tingin sa akin.
"Don't meddle, Cohen. That's what you told me."
"He's such an ass."
"Anong pinag-uusapan niyo?" Tanong ko ng mag-angat ng tingin.
"Si Tianne pala?"
"Tulog na po siya, Mama. Baket po ba ngayon lang kayo? Nag-aalala na si Pa- whatever. Si Tito Fergus sa inyo."
Gusto ko man sabihin ang totoo. Pero pinaghinaan ako ng loob.
"Kung hindi niyo pa rin sasabihin ang problema niyo sa amin. Katulad noong bata pa lang kami, Mama. Hindi ko na po alam ang gagawin ko para lang makatulong sa inyo."
"Ma... Malaki na ako. Maiintindihan ko na ang sasabihin mo sa akin hindi tulad noon."
"Colt..." Tawag ko rito.
"Napakatalino niyong bata at nang nag binata kayo." Sabi ko nalang at ngumiti ng mapait.
'Makakalimutan ko si Tyson.' Pagkumbinsi ko sa sarili. Kahit na magkamukha pa ang mga ito.
"Kahit sinabi ko sa inyo na ang tunay niyong ama ay si Fergus. Hindi kayo naniwala sa'kin."
Basag ko.
"Ma.. paano naman namin kayo paniniwalaan ni Cohen? Kung kahit ilang feature or ugali man lang ni Tito Fergus. Wala naman kaming nakuha? Doon pa lang alam na namin na hindi siya. There are possibility that it's Tyron... because he's Dad twin. But him? What the f*ck right? That's impossible!"
"Oh f*ck!" Nanlaki ang mata nito ng may ma realize.
"What did I say... forget it Mama."
Pinigilan ko agad ito. "Anong sinabi mo?"
"Let him go, Mama." Nang-uutos na sabi ni Cohen ng bumalik.
"Cohen..." Kinakabahan naman na sabi ni Colt at nag peace sign rito. "Sorry nakalimutan ko na hindi pa dapat natin pina alam."
Umikot ang mata ni Cohen at binalingan ako. "Ma,"
Biitawan ko naman si Colt. Hindi dahil takot ako sa anak kong si Cohen. Kundi upang marinig ng malinaw ang paliwanag nito.
"Matagal na naming alam." That's only one thing he confessed but it make me wanna burse in tears.
Matagal kong gustong sabihin sa mga ito kung sino ang totoo nilang ama. Pero dahil hindi ako pinaniniwalaan ng kanilang ama at sa takot ko. Hindi ko na lamang sinabi.
"Sorry," Tangi kong sabi at humikbi.
"Mama..." Sabay nilang sabi at nanginginig pa ang boses. Tulad ko umiiyak na rin ang mga ito.
"Masakit na pinaniwala niyo kami na babalik si Papa sa amin, Ma. Pero wala nang sasakit sa sinabi mong si Tito Fergus ang ama namin. Gayong alam namin ang totoo." Nakabalatay sa mukha ni Colt ang pangungulila sa ama. Galit rin sa pagsinungaling ko.
"Taon..... Taon rin ang hinintay namin na umamin ka Mama. Taon rin ang hinintay namin para bumalik si Papa. Ngayon taon rin ang hinintay namin para maniwala siya. Taon rin ang hinintay namin na maging buo ang ating pamilya. Na impossible na sigurong mangyari ngayon. Dahil kasal ka na kay Tito Fergus." Pagdagdag pa ni Colt.
"Si Papa..."
"Colt. " Garalgal na wika ni Cohen sa kapatid. Sinaway pa nito 'yon.
"Ngayon lang ako nagsama ng loob, Cohen. So let me tell this to Mama. Matagal ko na itong kinikimkim."
"I know, Mama. You still love Dad. Si Papa Tyson at hindi si Fergus. But... why did you have to marry him, Ma? Umiyak ako noon! Nagmakaawa na wag mo siyang pakasalan! Okay lang sa akin na boyfriend mo siya! Pero yung pinakasalan mo siya, Ma? Isa lang ang ibig sabihin non. Wala ng pag-asa. Sumuko ka na sa pangarap na matagal mo ng gusto na matutupad rin naman in the right time, Ma. If you just believe to Dad."
Natameme ako sa sinabi nito.
"Wala kang karapatan pagsalitaan ako ng ganyan, Colt! I don't know what happened to the two of you! Kung noon pinapayagan ko kayong pagsalitaan ako ng masasama. Ngayon hindi na. Hindi ko kayo tinuruan ng masamang asal." Galit kong sabi at handang sampalin ito kung may masabi sa akin na hindi maganda.
"Diyan ka magaling, Mama. Alam niyo ba kung baket ako ganto? Si Cohen?! It's because of you! If hindi ka sana nagkamali ng akala noon na si Kuya Tyron si Papa Tyson. Then this mess? Hindi magiging masyadong magulo. You started this, Ma. You act like a strong mother and a woman when the truth you are a damsel in distress."
Hindi ko na napigilan ang sariling sampalin ito.
"Ama niyo nga si Tyson. Dahil kahit hindi ko kayo tinuruan ng gantong asal. Nakuha niyo pa rin. Hindi...
Hindi niyo alam ang pinagdaanan ko, Colt. Hindi dahil alam niyo ang totoo at nagsisinungaling ako. Babastusin niyo na ako."
Ngumisi ito at malungkot na ngumiti kalaunan. "Hiniling ko na magkaroon ng pamilya noong bata pa lang, Ma. Binigay mo naman yon sa akin. Pero hindi ko hiniling na sa iba. Iba ang ama. I want my real Dad. Tito Fergus is a sick man! Handa ko naman siyang tanggapin maging ama eh. But what make myself change my mind? Because he want me to forget my real Dad."
Kaagad itong umalis ng matapos sabihin sa akin. Sumunod si Cohen at iniwan ako nang mga ito sa sala.
Habang nakatayo naramdaman ko ang sakit na kanina ko pa iniinda. Bumuhos ulit ang luha sa aking mata.
Kasalanan ko pala ang lahat na nangyayari sa akin. Ibig sabihin non kasalan ko rin ba na pin*tay ang Ina ko sa harapan ko para maranasan ko ang hirap sa buhay?
Umupo ako sa sofa at tumawa.
"Edi sana pala. Sinabi na lang ni Tyson na hindi ako sumusunod sa kaniya nang mamatay na ko. Dahil kasalanan ko rin ang lahat."
Pinilig ko ang ulo.
Hindi ako dapat manghina. Sisihin ang sarili. Lahat naman ng pangyayari may dahilan. Kung kasalanan ko man ang lahat. Ang tangi ko na lang kailangan gawin ay gumawa ng paraan ngayong kasalukuyan para maitama ang pagkakamali ko.
--
Naramdaman ko ang pagbuhat sa akin ni Fergus. Hindi man ako nagbukas ng aking mata. Sigurado akong si Fergus ito.
Nang makarating kami sa silid namin. Binaba ako nito sa kama at kinumutan.
"Kung kailangan kalabanin ko siya ngayon, gagawin ko. Hindi dahil siya ang lalaking mahal mo parin at tunay na ama ng mga anak mo. Kailangan nang agawin ka na niya sa akin."
"Sleep, Catherine. Alam kong nasa kaniya ka kagabi. Hindi mo man sa akin sabihin. I know it... Pero tanggap ko. Now, you're here. Hindi kita papakawalan."
Iniwan na ako nito pagkatapos halikan sa pisngi.
NAGISING ako nang makaramdam na parang hindi ako makahinga.
Nang tignan ko ang silid namin ni Fergus. Nababalutan na iyon ng usok.
Mabilis akong bumangon sa pagkakahiga. Wala nang oras na nagtanggal pa 'ko ng muta sa mata kung meron man. Hindi narin ako nag-abala pang mag slippers sa mansyon.
Kinuha ko ang kumot at binasa sa banyo. Nang matapos binalot ko ang sarili non. Binilisan ko ang pagkilos at binuksan ang pinto. Katulad sa silid nababalutan rin ang labas. Mas marami pang usok.
Napaubo ako.
"Colton! Cohen!" Sigaw ko sa pangalan nang mga anak ko.
"Tianne!" Sigaw ko pa.
"Nasaan kayo?!"
Pupuntahan ko pa lang sana ang mga kwarto ng mga ito. Nang sumalubong na sa akin si Cohen. Katulad ko nababalutan rin ito ng kumot.
"Ma!"
Tinignan ko ang mukha nito kung may sugat. Nakahinga ako ng maluwag ng wala naman.
"Ba't nandito ka pa? Nasaan ang mga kapatid mo?" Tanong ko nag-aalala ang tinig.
"Nasa labas na sila, Ma." Sagot nito sa akin. "Bumalik lang ako sa loob kase kinuha ko 'yung mga importanteng gamit natin."
Sabay pakita nito nang bag sa aking likod.
Sabay kaming bumaba. Hindi pa malakas ang apoy. May pag-iingat at pagmamadali kami habang bumababa ng staircase.
Saka lang ako nakalanghap ng hangin ng makalabas sa mansyon.
May mga tao rin sa labas ng kanilang mga mansyon ng aking tignan.
Pinuntahan ni Cohen si Colt. Napukaw ang atensyon ko nang marinig ang sigaw ni Cohen na nagpalingon rin sa ibang naroon. "Anong sabi mo?!"
"Sh*t! Sh*t! Sabi mo babalikan mo siya?!"
"I was afraid, Cohen."
"D*mn you!"
"Ma." Sabi nito sa akin nang pigilan ko sa pagpasok ulit sa loob.
"Don't you dare to go inside. Gusto mo bang matupok ng apoy?" Sabi ko.
"Kung may naiwan ka ulit na gamit. Hayaan mo na 'yon don."
"Nasaan na pala si Fergus pati si Tianne?" Tanong ko.
Natigilan ito at namumutla akong tinignan. Bago umiwas ng tingin. "Si Tito Fergus hindi ko alam kung nasaan. Pero si...Tianne." Naging seryoso ang mukha nito para kabahan ako.
Inalis nito ang hawak ko. "Si Tianne nasa loob pa siya." pagkasabi nito ng pangalan ni Tianne saktong narinig namin ang pagsabog sa loob ng mansyon. Napatakip pa ako ng tenga dahil may pagsabog roon.
Kumalabog ang puso ko sa kaba at takot. Naghalo halo ang aking nararamdaman sa sandaling ito.
"Hindi.." anas ko at tinignan ang mansyon.
"Kailangan ko ng pumasok sa loob, Ma. Baka kung ano ng mangyari kay Tianne!" Sambit nito.
"Hindi. Dito ka lang. Ako ang papasok sa loob." Sabi ko.
"No!" Sagot niya kaagad.
Bago pa ito ang makapasok. Sinadya kong itulak ito at patakbong pumasok sa loob.
Nang may humaklit sa braso ko at ng tignan ko kung sino ang salarin. Nagulat pa ako at muntikan ng mawala sa isip ang gagawin.
"Tyson, a-anong ginagawa mo 'rito? Paano mo nalaman- " hindi ko na natuloy ang sasabihin ng ilayo ako nito sa mansyon. Napatingin ako roon at naglandas ang luha.
"Kailangan kong pumasok."
"No." Pinal nitong sabi.
"Ano ba, Tyson! Nasa loob lang naman si Tianne! Ang bunsong anak natin!"
"I like it 'anak natin' "
"Wala kong time sa kadramahan mo, Tyson." Nanggigil kong saad. Sa sinabi kase nito at akto ay parang wala itong pake.
"Kung wala kang pake sa anak natin. Pwes ako may pake."
"Baket ka pa ba papasok sa loob eh wala ng tao dyan."
Tumigil yata ang pagtibok ng puso ko dahil sa sinabi niya.
"Wala ng tao sa loob. Nasa labas na silang lahat." Paglilinaw niya.
"Hindi-- "
Inilagay nito ang daliri sa labi ko. "I save our daughter."
"Mama!" Napatingin ako kay Tianne na hinihila ang suot ko.
"Tianne," Gulat kong sambit at hinaplos ang mukha nito.
"Tianne, thank God!" Pinantay ko ang sarili rito at niyakap ito.
"Sorry po, " Lumabi ito at tumingin sa tabi ko.
"I made you worry."
Umiling ako at pinunasan ang luha ko.
"Thank you nga pala po, Mr. Knight Shining Armor." Wika ni Tianne.
Binigay ni Tyson kay Tianne ang ngiting totoo.
"Welcome, baby."
"Sige, Ma. Balik na po ko kina Kuya. Say thank you for me again kay Mr. Knight Shining Armor ko."
Nang umalis na si Tianne at bumalik sa pwesto kung nasaan ang mga kapatid. Binaling ko ang tingin kay Tyson.
"Thank you for saving our daughter." Tipid kong sabi.
Tumango lang ito. "No worry. I oath to protect her too from now on."
"Bago ka nga pala umalis. Gusto kong ipakilala ka kina Cohen and Colt. They know na ikaw ang tunay nilang ama. Hindi ko alam kung paano at kailan. Talk to them."
"We already talk." Mahinang sabi niya.
"I know this is our last conversation.
Hindi ba?"
Tumango ako.
"Take care of yourself."
"Ta-- "
"Bye." Hindi nito ako pinatapos sa pagsasalita at umalis na. Hindi na nga rin ako nito tinignan pa.
Malungkot akong ngumiti habang tinitingan itong papalayo. Papalayo sa akin...
--
MABILIS NA NAGDAAN ANG BUWAN.
Isang buwan na magmula ng nangyari ang trahedya pati na ang pagtatapos ko sa ugnayan namin ni Tyson. Ngayon nga ay lumipat na kami ng tirahan ni Fergus. Sa ibang subdivision naman kami upang mas maprotektahan daw. Hindi tulad doon na kamuntikan nang may mangyaring masama sa amin.
Humingi na rin ng kapatawaran ang magkambal sa akin. Sa mga masasakit na salita na sinabi ng mga ito. Na pinatawad ko naman. Para mas maintindihan din ako ng mga ito at hindi sila maging one sided lamang. Ikunuwento ko ang mga masasalimot na nangyari sa akin. Kahit na hindi na dapat. Hindi sila makaimik ng matapos akong mag kuwento. Para ngang hindi ako nag kuwento dahil hindi na ang mga ito nagtanong.
Masaya na ako at mahihiling ko na lamang na sana pati ang mga anak ko. Sana tanggapin ng mga ito na hindi pwedeng mabuo ang pamilya na inaasam nila. Dahil kung ipipilit namin yon. Makakasakit lamang kami.
Saka nangako ko kay Fergus. Ngayon ang kailangan ko na lamang gawin ay panindigan yon.
Papasok na sana ko sa silid namin ni Fergus ng matigilan ako.
"Who?"
"Sino ang may pakana ng sunog?"
"Are you sure?"
Pinakinggan ko ang pakikipag usap ni Fergus sa kung sino sa phone. Sunod sunod ang pagtatanong nito at sinisigurado kung totoo ba ang sinabi ng sa kaniya ng kabilang linya.
"Tyson Jefferson Hammond."
"That man really did it? Paano niyong nasabi siya?"
"He's my sister's boyfriend at magiging asawa niya. What his motive to do that thing? Ano trip niya lang?" Galit na sabi nito.
Pagkuwan ay,
"I wanna see the CCTV."
"Okay. Pupunta na ko riyan."
Nang humarap ito sa akin nagulat pa ito ng makita ako. "Catherine, kanina ka pa ba?"
"Oo.. " Sagot ko at nagtuloy sa pagpasok.
"Okay, love. May pupuntahan lang ako. Babalik rin ako mamaya."
"Gusto kong sumama."
"Tungkol 'yan sa taong may pakana diba? Nang pagsunog sa..."
"Yes." Sagot agad nito sa akin.
"Sure kang sasama ka?" Paninigurado pa nito.
"Oo."
"Okay, let's go."
Hindi ko inaasahan ang malalaman ng makarating kami. Sa CCTV at sa sinabi ng police. Hindi daw nagkamali. Si Tyson Jefferson Hammond ang may pakana.
Playing knight in shining armor and hero to your daughter?
Ikaw rin pala ang dahilan ng ikapapahamak niya.
Napakuyom ang kamao ko.