Prologue
NANGINGINIG na nag-angat ako ng tingin kay Tyson, ang aking Master.
Nasa harapan ako nito upang sabihin ang bumabagabag sa akin nitong mga nakaraang araw.
"B-bu..b-buntis ako..." Mahina kong sabi rito at halos mautal pa.
"WHAT THE HELL DID YOU SAY?!" Dumagundong ang sigaw ni Tyson sa loob ng kuwarto kung nasaan kaming dalawa dahil sa sinabi ko.
Napayuko ako at napaiwas nang tingin ng makita ang masamang tingin niya sa akin.
Hindi dapat at lalong hindi pwede, alam ko. Pero nangyari na at anong magagawa ko diba. Kaya nasa harapan ako nito.
"T*ngna, buntis ka? Tama ba ako ng pagkakarinig?" tanong pa nito na kinatango ko at sunod sunod na pumatak ang luha.
Inangat niya ang baba ko upang magpantay ang tingin namin. Gustuhin ko mang umiwas ngunit hindi ko na rin ginawa.
"Binili kita hindi para magbuntis ka, akala ko ba alam mo na ang rason ko. That is to fulfil the needs that I didn't get from my wife! F*ck and so, paano ring nabuntis ka, huh? Catherine kung ilang beses kong sinabi at pinasok sa kokote mo na magtake ka ng pills!" Mahinahon ang sinabi nito na naging sigaw kalaunan. Kitang kita ko sa harapan ko ang matanding galit niya dahil sa magkalapit kami. Nag-igting ang panga at nanlilisik pa ang mata.
Sa takot na baka may gawin ito sa akin. Tinulak ko ito upang lumayo na lalo lamang nitong kinagalit.
Napailing pa ito nang sunod sunod at sinuntok ang pader.
"P*tang*na naman oh." Malutong na mura niya na kinayuko nang ulo ko.
"Dapat pala hindi na kita binili sa letcheng club na 'yon kung ganto lang na puro kunsomisyon at problema ang bibigay mo sa akin na t*ng*nang babae ka!"
"H-hindi ko naman alam..." Sabi ko na nauutal. Humakbang siya at lumapit ulit sa akin. Mariin na hinawakan ang braso ko dahilan para mapangiwi ako sa sakit non.
"Nasasaktan ako."
"Wala 'kong pake." Galit nitong sabi.
Hindi ako sanay na makita itong nahihirapan o nasasaktan. Kaya hahaplusin ko na sana ang mukha niya katulad ng ginagawa ko noon para mawala ang galit nito, nang tinabig niya ang palad ko sa akmang paghaplos.
Tumawa siya ng pagak. "Hindi naman ako b*b*, Catherine alam kong gusto mo na mas higit ang ibigay ko sa'yo. Pero kung akala mo gagawin ko 'yon dahil lang sa nalaman ko pwes nagkakamali ka. Ngayon, gawin mo ang sasabihin ko, abort that f*cking child or you'll die if you won't do it."
"Ano?" Nagimbal ako sa sinabi nito at napaawang ang labi.
Napahawak pa 'ko sa hindi ko pa kalakihang tiyan.
Huh?
Natulala nang tignan ito.
"T*ngna, hindi ka bingi at lalong hindi naman siguro b*b*! Hindi ba?! Don't make me repeat it again and again. Marami pa akong gagawin kaya aalis muna ako. Gusto ko pagbalik ko magawa mo na 'yung pinagagawa ko. Kung hindi ako mismo ang papatay sa batang dinadala mo at pati na sa'yo." Mariin at galit niyang saad.
"Anak mo 'to!!!" Hindi ko na mapigilan ang sarili na isigaw.
Nababaliw na ba talaga siya? Wala na ba talaga siyang konsensiya? Akala ko pa naman pag sinabi ko rito ay magbabago na siya.
Sabi niya. Sabi ni Tyson mahal niya ang mga bata. Kaya nga sinabi ko dahil akala ko ay may maganda siyang ideya kung ano ang gagawin at magbabago na siya.
Sa lahat ng masasakit na salita na sinabi nito ang sunod na sinabi niya ang mas tumatak sa akin na paniguradong hindi ko makakalimutan. Hindi ko rin inaasahan na mas lalong ikinadurog ng puso ko. Kung durog na ang puso ko noon mas lalo na ngayon.
"Hindi ko 'yan anak. Wala 'kong anak sa maruming babae na katulad mo. Kung magkaka-anak man ako sa asawa ko lang, Catherine at wala ng iba." Sambit nito bago ako talikuran at hayaan na lumuluha.
Bakit ko ba nakalimutan?
Hindi ako ang tinutukoy nito habang nakatingin sa pamilya na nasa park nang magkasama kami. He's talking about his girlfriend and soon to be wife, that time. Naging ambisosya lang ako.
Hindi ko na napigilan ang sarili na humikbi. Sandali lamang, nag decide ako na i-empake ang mga gamit. Mabilis ang ginawa ko.
Kailangan kong makaalis agad, aalis ako rito bago pa nito ako maabutan Pag sinabi nitong gagawin at hindi ko sinunod. Baka parusahan ako nito.
Napabuntong hininga akk at pinunasan ang luha. Hinawakan ang payat ko pang tiyan.
'Wag kang mag-alala anak, hindi natin kailangan ng tulad niya. Papalakihin kita ng wala ang tulong niya. Lalayo tayo at hinding hindi na magpapakita pa rito.' Kausap ko sa baby ko na alam kong imposible pa nitong marinig.
Dala dala ang maleta ko na sumakay na ako sa taxi.
Nilingon ko sa huling sandali ang mansyon.
TYSON HAMMOND, sisiguraduhin ko na pagsisisihan mo ang binitawan na salita at ginawa mo sa akin. Dahil sa oras na mag-krus ang landas natin. Hinding hindi ka agad makakalapit sa amin.
Pinapangako ko 'to.