Prologue
Prologue
"Tara Zoila lunch na." aya sa'kin ni Cerene.
Tumayo naman ako para sumama sa kanya. Sa labas ng school kami kumakain since two hours ang break.
"Gutom na gutom na talaga ako." daing ni Cerene samantalang ako naman ay hindi nagugutom.
Parang gusto ko lang ng fried chicken.
Nakarating na kami sa carinderia na malapit sa school. Masyadong siksikan. Punong-puno ang loob.
"Ano ba 'yan! Puno na." reklamo na naman ng katabi ko.
"Gusto kong fried chicken. Tara Jollibee?" aya ko sa kanya.
Nasa tapat lang kasi namin at bigla akong nag-crave.
Nagliwanag naman ang mga mata niya. Parehas naming paborito ang fried chicken sa Jollibee.
Parang mga bata lang. Well bata pa naman talaga kami. I just turned fifteen last September as well as Cerene last August.
"Tara!" energetic pang aya niya.
Halos kaladkarin na niya ako para makatawid sa kabilang kalsada.
"Ako na ang mag-oorder. Akin na pambayad." excited na sabi niya.
Binigyan ko naman siya ng perang pambayad at humanap na ako ng table para sa amin.
Nakahanap ako sa may tabi ng glass wall na two seater table. Hindi naman nagtagal dumating na si Cerene dala-dala ang tray ng inorder namin.
Nagtubig agad ang mga bagang ko ng makita ang fried chicken. Sobrang nagke-crave talaga ako dito kanina pa.
Pagkalapag pa lang niya ng tray kinuha ko na agad ang akin.
"Gutom much?" natatawang tanong ni Cerene.
"Oo, kanina ko pa gusto ng chicken." pag-amin ko.
Spaghetti with chicken. Inamoy ko pa ito pero ng maamoy ko ang sauce ng spaghetti parang bumaliktad bigla ang sikmura ko.
"Panis yata spaghetti nila. Bakit ang baho?" tanong ko kay Cerene.
Napakunot noo naman siya dahil sa sinabi ko. Inamoy niya din ang spaghetti.
"Hindi naman, a." aniya ng nakakunot noo at pagkatapos ay tinikman niya din niya.
"Ang sarap nga, e." aniya habang ngumunguya. May kalat pa ng kaunting sauce ang bibig niya.
Huminga ako ng malalim. Kinuha ko ang tinidor ko. Binalewala ang mabahong amoy ng spaghetti. Akmang isusubo ko na ito pero feeling ko maduduwal talaga ako.
Hindi ko kaya ang amoy. Sobrang baho. Nakakasuka.
Dali-dali akong pumunta ng CR. Pumunta ako sa sink para doon sumuka pero wala naman lumalabas sa bibig ko.
Maya-maya bumukas ang pinto ng banyo. Nag-aalalang mukha ni Cerene ang bumungad sa akin.
"Anong nangyari?" nag-aalalang tanong niya.
"Hindi ko alam. Bumabaliktad 'yung sikmura ko kapag naamoy ko 'yung spaghetti."
"Namumutla ka." puna niya. Napatingin naman ako sa salamin na kaharap ko.
Ang putla ko nga. Halos kasing kulay na ng mukha ko ang labi ko.
Naghilamos nalang ako at inayos ang sarili ko bago lumabas. Paglabas ko hindi naman mapakali si Cerene.
Mukhang hindi nga niya napansin na nasa harapan na niya ako.
"Cerene." sa pangatlong tawag ko sa kanya tsaka pa lang siya natauhan.
"Hoy, bakit? Anong nangyari sayo?" natatawang tanong ko. Mukha siyang natatae na hindi maintindihan.
"Kailan ka huling nagkaron?" napakunot noo naman ako sa tanong niya.
Irregular ang menstruation ko kaya last last month pa. Dapat ay ngayong week na 'to siguro pero baka na-delay lang ng kaunti.
"Last last month, bakit?"
Lalo siyang namutla.
"Ano bang nangyayari sayo?" hindi siya sumagot at hinila niya ako bigla. Dinaanan lang niya ang bag namin sa table pagkatapos ay hila-hila niya ako.
Ang weird niya sa totoo lang.
"Hoy Cerene, ano bang problema mo?" taka ko na namang tanong ng pumasok kami sa isang drug store.
Mas lalo akong nagulat sa itinanong niya.
"Mayroon po ba kayong Pregnancy Test Kit?" pati ang tindera ay nagulat. Pati na rin ang babaeng may binibiling gamot sa kabilang counter.
"Meron po, para sa inyo po ba?" gulat na tanong ng tindera. Umiling lang si Cerene.
Binigyan na siya ng binibili niya at hinila na naman niya ako palabas.
Malapit ng magsimula ang klase kaya taka ko na naman siyang tiningnan. She's acting weird.
Tumigil kami sa isang park. Kanlong naman at hindi mainit dahil natatakpan ng mga puno.
Umupo naman ako sa bench samantalang siya ay nagte-text sa cellphone niya. Pagkatapos niya ay ako naman ang hinarap niya.
Binigay niya sa akin ang binili niya kanina sa Drug Store.
"Anong gagawin ko diyan?" natatawa kong tanong kahit may kaunting ideya ng pumapasok sa isip ko.
It can't be.
"Natural gagamitin mo." pabalang na sagot niya.
"I mean bakit ako? Hindi ako buntis Cerene." naiiling na sabi ko.
"Kaya nga magtetest ka diba?"
"Ayaw ko nga. Alam mo namang irregular ang menstruation ko so natural na ma-delay." pagpapaliwanag ko.
Hindi ako buntis.
"Alam mo, i-try mo nalang ng mapatunayan natin." she said again. Mukhang naiirita na.
Inirapan ko nalang siya at pumasok sa public comfort room ng park.
Ginawa ko ang procedures.
Nagtry ako ng isang PT hindi ko muna tiningnan ang result.
Nagtry pa ulit ako ng isa tsaka ko tiningnan ang result.
Nanlaki ang mga mata ko. This can't be happening. Nanginginig na ang mga kamay ko. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon.
No Zoila. Baka sira lang. You should try the last PT.
Pagkumbinsi ko sa sarili ko.
Nanginig ako pagkakita ko ng resulta. Nag-unahang tumulo ang mga luha ko. Parang gumuho ang mundo ko.
Pagbukas ko ng pinto napabangga ako sa isang bulto.
Binalot niya ako ng yakap.
"Baby, why are you crying?" masuyong tanong ni Donovan. Kung paano siya nakapunta dito hindi ko alam.
Kinalas niya ang yakap sakin at pinunasan ng hinlalaki niya ang mga luhang patuloy na umaagos.
Hindi naman niya ako pababayaan diba? Mahal na mahal naman niya ako diba?
Nang kumalma na ako napadako ang tingin niya sa hawak ko.
"Baby, what's that?" curious na tanong niya at kinuha ang Pregnancy Test na nasa magkabila kong kamay.
Nang makita niya kung ano ang hawak niya ay taka niya akong tiningnan. Alam kong may nabubuo ng konklusiyon sa utak niya kaya para makumpirma ito tiningnan niya ang resulta.
"W-Wh-- I-Is t-this?" wala siyang ma-form na sentence. Hindi makapaniwala sa nakikita.
Kahit ako naman, e. Hindi ako makapaniwala.
"Baby, you love me right?" sa kabila ng panginginig ko ay nasabi ko pa 'yon ng diretso.
Hahawakan ko na sana siya sa braso pero bigla siyang umataras.
"I-I'm sorry." aniya at nabitawan ang mga hawak na pregnancy test.
Tumakbo siya palayo.
Hindi niya ako pananagutan.
Nakatungo lang ako habang nakatingin sa pregnancy test na nasa lupa na.
I'm just staring at the two red lines.
Positive
But the man I love just run away from his responsibilities.
----