Chapter 8
"Baby, I'm sorry." bungad agad sa akin ni Donovan.
As usual, hinihintay niya ako sa may labas ng subdivision.
"Okay na. I'm sorry rin. Honestly, it's my intention to pissed you off kahapon." pag-amin ko sa kanya.
Napasimangot siya dahil sa sinabi ko. Tinaasan niya rin ako ng kilay. Alam kong alam naman niyang iniinis ko siya.
"I know that, but still I shouldn't have said words that might hurt your feelings." malambing niyang sabi.
Inakbayan niya naman ako at nag-umpisa na kaming maglakad habang nag-uusap sa nangyari kahapon. Baka kasi kapag nag-usap pa kami sa may gilid, ma-late pa kami.
"Okay na nga. I realized that I'm so immature because I get mad in small things." sabi ko habang nakatungo.
Sinusundan ko ng tingin ang paghakbang ko. Sa baba lang ako nakatingin. Hindi naman ako mababangga kahit nakatungo ako habang naglalakad dahil naka-akbay siya sa akin.
He guided my way at sigurado namang hindi pababayaan ni Donovan na mapabangga ako di'ba?
"You're hurt because of what I said right?" he asked.
Tumango lang ako.
"See? That's normal that you get mad at me. We both did something wrong and we're sorry." he stated.
Siguro stress lang siya sa school works kahapon at dumagdag pa ako. I didn't even asked him yesterday if how's his day.
"Kaya nga okay na. Atleast now we know our mistakes at inamin natin 'yon." I said.
Donovan is a bit older than me and he's very understanding when it comes to me. Siguro naiintindihan niya na bata pa ako. He's the one who guided me in our relationship to make it work. I'm so proud of him. Hindi siya katulad ng ibang lalaki na madaling sumusuko. 'Yung tipong kaunting away lang ayaw na agad. Ang idadahilan nakakapagod ang ugali ng mga babae. Away-bati. Tapos hihiwalayan ka at hahanap ng iba.
I'm so lucky to have Donovan because he's not like that kind of man.
Nakarating na kami sa school at gaya ng daily routine namin. Maghihiwalay na kami sa may gate dahil magkaiba kami ng building. Male-late na kasi siya sa klase niya kapag ihahatid niya pa ako. Bihira niya lang din naman akong ihatid at sunduin sa labas ng classroom. Syempre ayaw kong ma-issue pero may mga tao talagang walang magawa sa buhay nila na pilit kang gagawan ng issue.
"Oo. Nakita ko na naman. Nakaakbay pa talaga si boy kay girl." malakas na namang sabi ni Janine sa kausap niya pero sa direksiyon ko nakatingin kahit si Loisa ang kausap.
Halatang ako ang pinaparinggan. Umirap na lang ako sa hangin. Walang balak patulan siya.
"Laki talaga ng galit niyan sa'kin." sabi ko kay Cerene.
"Hayaan mo na." Cerene said. "May mga taong inggit diyan sa paligid dahil ni-ghost!" malakas na sabi ni Cerene. Pinaparinggan din si Janine.
Tumahimik tuloy si Janine at hindi na umimik pa. Sinamaan niya lang kami ng tingin ni Cerene.
"Tingnan mo 'yang babaeng 'yan. Siya 'tong nauna tapos siya 'tong pikon. Dukutin ko mata niya, e." Cerene said. Inirapan lang din niya si Janine.
"Hayaan mo na. Huwag ka ng pumatol baka bitter lang 'yan." sabi ko sa kanya.
"Talagang bitter 'yan sa'yo. Nakikita dito sa school na malapit ka kay Haze alam mo namang pantasiya ng lahat 'yang boyfriend mo at nakita niya pa'ng kinausap ka ni Lean na ghinost siya." mahabang sabi ni Cerene.
Pero isa lang ang tumatak sa akin. Ni-ghost ni Lean si Janine?
"Ang sabi lang ni Janine noong nagkasagutan kami, tumigil manligaw tapos sabi mo naman may gusto siya sa'kin kaya tumigil manligaw and now ni-ghost niya si Janine?" kunot-noong tanong ko.
"Ano ba talagang totoo diyan?" I asked her again.
Naguguluhan tuloy ako bigla.
"Lahat 'yan totoo." she answered.
"Ewan ko. Hindi pa naman sure 'yon diba? Narinig mo lang naman 'yan tsaka 'yong ni-ghost si Janine. Where did you heard that?" curious ko pang tanong.
"Basta. I have my source of information." she said while smirking. Kapag ganyan siyang nakangisi may kalokohan na naman siyang ginawa.
Napailing na lang ako.
"To make my confusion clear I will just asked Lean." I said lazily.
Nakuha ko naman ang atensyon niya dahil sa sinabi ko.
Problema nitong si Cerene? Walang namang kainteres-interes sa sinabi ko.
"Nag-usap na ulit kayo bukod sa nakalubong mo siya dito sa school?" she still asked when obviously she already know the answer.
She just need my confirmation.
Tumango lang ako pero siya napakapit sa braso ko at inalog-alog ako.
"Sabi ko na, e. Tama nga 'yong narinig ko. Lean likes you." she stated.
"Porque nakausap ko ulit may gusto na agad?" pambabara ko sa kanya.
"Hello? Parang hindi mo naman alam na hindi kayo magkikita dito sa school kung hindi sasadyain tapos dalwang beses pa kayong nagkita? Sinadya na 'yon." aniya pa.
Hindi ko pa nga pala nasasabi sa kanya na pumunta si Lean kahapon sa bahay. Wala pa rin naman kasi akong cellphone dahil grounded pa ako.
"Sino naman nagsabi sa'yo na dito kami nagkita sa school?"
OA naman siyang napahawak sa bibig niya.
"So saan kayo nagkita?" she curiously asked.
"Sa bahay, pagdating ko nando-" hindi pa siya ako natapos sa sasabihin ko pero inalog-alog na naman niya ng braso ko.
"Oh di'ba gumagawa siya ng moves sayo. Pinuntahan ka pa sa bahay niyo." Cerene said.
I just mentally rolled my eyes. Mukhang kabaliktaran naman ng sinasabi ni Cerene. Lean misses me kaya siya pumunta sa bahay. Wala rin naman siyang sinabi na sa'kin unless doon sa narinig ko na tinanong niya si Mama kung nag-e-entertain ba ako ng manliligaw.
"Alam mo Cerene, mukhang wala naman siyang gusto sa'kin. Wala rin siyang sinabi o ni-open up na usapan tungkol sa ganyang bagay and I have a boyfriend." sabi ko sa kanya pero mahina lang ang huling salita kong sinabi.
Napapatingin kasi sa kanya ang iba naming kaklase sa kanya. Nagtataka kung bakit para siyang kinikilig.
Hays, ang mga chismosa nga naman.
"Ay, oo nga pala." she said at biglang napaayos ng upo. Parang kanina lang para siyang kiti-kiti diyan.
Mabilis na lumipas ang araw. Today is Saturday at naibalik na sa akin ang gadgets ko.
"Here's your phone and your laptop." Papa said. Iminumwestra niya sa akin 'yon.
Halos mapatalon naman ako sa tuwa pero hindi ko pinahalata kay Papa baka bawiin ulit, e.
"Make sure na hindi mo na uulitin 'yong ginawa mo." he said again.
Mukha namang good mood si Papa kay titiyempo na ako. Napag-usapan kasi namin ni Cerene na magmamall kami ngayon pero papupuntahin ko rin si Donovan.
Ayaw kasi ni Donovan na nagsisinungaling ako sa parents ko just to see him on weekends.
"Pa, pwede po bang mag-gala kami ni Cerene sa Mall?" paalam ko sa kanya. Diretso sa mata niya ang tingin ko.
Ang totoo niyan front lang ang pagmamall namin ni Cerene. Maggagala naman talaga kami pero sandali lang. May date kami ngayon ni Donovan.
Katulad ng sinabi niya sa'kin na kapag hindi na ako grounded ay magde-date kami. Hindi talaga siya bumabali sa mga sinasabi niya.
He's true to his words.
"Okay, but make sure you're here before six." pagpayag ni Papa.
I smile widely because of what he said.
"Thank you Pa, you're the best." I said and hug him.
Ginulo lang niya ang buhok ko.
Lumabas na ako ng office ni Papa na may malaking ngiti sa labi. Dala-dala ko na rin ang laptop ko at cellphone.
Nakasalubong ko pa si Mama na sa hagdan. Pababa siya habang paakyat naman ako sa kuwarto ko.
"What's with the smile?" curious na tanong ni Mama.
"Pinayagan ako ni Papa na mag-mall kami ni Cerene. I'm taking a bath na, Ma." sabi ko sa kanya at tuluyan ng umakyat.
Tiningnan ko ang oras sa cellphone ko. It's already eight o' clock kaya nagmamadali na ako. Ten kasi ang usapan namin ni Cerene. Saktong pagbubukas ng Mall dahil nga by twelve noon ay pupunta na si Donovan. We're having a lunch date.
Ni-charge ko din muna ang cellphone kong malapit ng malowbat dahil dadalhin ko 'yon mamaya.
Naligo na agad ako at nag-ayos. Matino ang suot ko ngayon. Hindi katulad noong pumunta ako sa bahay nina Donovan.
Kaya naman ganoon ang suot ko noong birthday niya ay balak ko talagang akitin siya but not today.
I'm just wearing skinny jeans and simple tee shirt and white rubber shoes. Naglagay lang din ako ng liptint at pulbo and I'm done.
Hindi ko naman kailangan ng maraming kolorete sa mukha. Hindi sa pagmamayabang pero I'm effortlessly beautiful. Kahit walang ilagay sa mukha ay ayos lang.
Nang matapos na ako ay ginamit ko ang cellphone kong nakacharge para i-chat si Cerene. Baka kasi hindi pa siya nakakaligo or something.
Pagbukas ko pa lang ng messenger bumungad na agad sa'kin ang mga message ni Cerene.
Cerene: Zoila sorry di ako makakapunta. May biglaang family gathering kaming pupuntahan. Bawi ako next time
Cerene: I also chatted your boyfriend na pumunta na sa Mall by 10, nakita ko siyang online kanina e.
Cerene: Oh tuwang-tuwa ka naman? Mas mapapaaga kayo ng date ni Haze. Thanks to my family.
Cerene: You should also thank me pag nagkita tayo. Enjoy your date.
Instead na malungkot na hindi makakasama si Cerene. Nagdiriwang ang utak ko at lalong lumaki ang ngiti ko sa labi.
Donovan and I have more quality time together.
---
9:33 PM, May 23, 2020