Chapter 10
"Ma, alis na po ako." paalam ko sa kanya.
Kay Mama lang ako nagpapaalam dahil wala dito ngayon si Papa. He's in a business trip. Hindi ngayon kasama si Mama dahil ewan ko. Hindi naman ako nagtatanong.
"Sige basta umuwi ka on time. You promised me na before six nandito ka na." Mama said.
Tumango lang ako at lumabas na. I have Mama's permission to use my Mio kaya naka-motor ako.
Paalam ko may group study kami which is partly true. Sa bahay ni Donovan ang punta ko. Totoong mag-aaral naman talaga ako dahil tutulungan niya akong mag-review. Tomorrow is our exam.
Mas nauna ang mga senior high. Last week tapos na sila at ngayon pa lang kaming mga Junior High.
Ilang minutong biyahe narating ko na rin agad ang subdivision na tinitirhan ni Donovan.
Nang malapit na ko sa bahay niya binagalan ko na ang pagpapatakbo. Saktong huminto ako sa up and down niyang bahay.
That house is his parents gift on his seventeenth birthday. Ewan ko kung ano bang trip ng magulang niya. Ngayon pa lang naman siya nageighteen pero noong seventeenth birthday siya niregaluhan ng bahay.
Inalis ko muna ang helmet ko at dumiretso na sa gate. Nakaawang ng kaunti ang hindi kataasang gate niya kaya tinulak ko nalang 'yon. Alam niya kasing parating ako kaya iniwan niyang bukas. Ganoon siya palagi tuwing pupunta ako dito.
Pinihit ko ang pinto. Hindi rin naka-lock. Talaga naman! Paano kung hindi pala ako 'yung pumasok? 'Yon ang isa sa mga hindi ko gustong habit ni Donovan. Dapat sinasara niya ang gate tsaka nila-lock ang pinto kahit ako pa 'yung dadating. What if magnanakaw pala? Nag-iisa pa naman siya dito. Mahirap na!
"Dono-" naputol ang malakas kong pagtawag sa kanya.
"Baby." malambing niyang tawag sa'kin habang niyayakap ako mula sa likuran. Medyo nagulat pa ako
Bumilis agad ang t***k ng puso ko sa simpleng galaw niya lang. Dumagdag pa na nagitla ako kaya mas dumoble ang t***k.
"Hindi ba sinabi kong i-lock mo 'yung gate tapos yung pinto. Bakit bukas?" I said.
"Dadating ka, e." he reasoned out.
Here we go again.
"Kahit na pwede naman akong magdoorbell." katwiran ko rin.
"Paano kung may biglang pumasok na ibang tao dahil hindi nakalock yung gate? I'm worried. Nag-iisa ka dito." paliwanag ko pa.
Binaon niya lang ang mukha niya sa leeg ko.
"Hmmm." tugon niya. Inaamoy niya ang leeg ko at nakikiliti ako dahil sa ginagawa niya.
"Seryoso ako." pilit kong pinaseryoso ang boses ko kahit nakikiliti ako.
Napasinghap naman ako ng bigyan niya ako ng maliliit na halik sa leeg ko. Hindi ako makakapagreview kapag ganito. Baka magmake out lang kami at mas malala pa doon ang magawa namin.
Baka ang maisagot ko bukas sa exam ay...
Sex is delicious.
Sex is wonderful.
Donovan is great in bed.
I love kissing Donovan.
Donovan is good at french kissing.
And many more.
I don't want that to happen. Hindi talaga magandang ideya na dito kami sa bahay niya magreview.
"S-Stop." nauutal kong pigil.
Ang kamay niya kasi ay nasa loob na ng suot kong t-shirt. Hindi ko man lang namalayan. Nawawala talaga ako sa katinuan kapag nag-uumpisa na siyang romansahin ako.
"Why?" nakakaakit na bulong niya sa tainga ko. Bahagya niya pang kinagat ang taas na bahagi nito pagkatapos bumulong.
No Zoila. You need to review. May exam ka bukas. Bawal bumagsak. Lagot ka sa Papa mo.
Pagpapaalala ko sa sarili ko. I'm not here to make love with Donovan. I'm here kasi tutulungan niya akong magreview. So if he's not going to do that aalis na lang ako. Hindi dapat ako magpadala sa pang-aakit niya sa akin ngayon.
"No." I said firmly.
Kumalas ako sa pagkakayakap niya sa akin. Tinaggal ko rin ang kamay niyang nasa dibdib ko na.
Hinarap ko siya at sinamaan ng tingin.
"Sabi ko nga hindi na." aniya na parang sumusuko.
"I was just teasing you. Titingnan ko kung maaakit ka sa ginagawa ko." he added.
"Hindi mo ako maakit." mataray ko sabi sa kaniya. Tinaasan ko rin siya ng kilay.
Ngumisi naman siya ng nakakaloko.
"Really? Kaya pala yung kamay ko nas-" hindi na niya natapos ang sasabihin niya ng hinampas ko na siya sa braso.
Tumawa naman siya dahil sa reaksyon ko. Halatang masyado akong guilty. Totoo. Naaakit na ako sa ginagawa niya. Nadadala ako na ako sensasyon pero biglang kong naalala ang galit ni Papa last time. Sembreak pa naman pagkatapos ng exam. Baka isang linggo akong hindi makalabas ng bahay.
"Stop teasing me." kunwaring inis na sabi ko.
"Let's review somewhere. Not here." I added.
"Sige. I'll just take a bath. Do you want to come with me upstairs?" he asked while smirking.
"No." mabilis kong sagot.
"Alright." aniya at tuluyan ng umakyat sa kuwarto niya.
Mas mabuting dito na lang ako maghintay kaysa sumama pa doon. Baka kung ano pang mangyari kapag doon ako sa kuwarto niya naghintay. Wala pa naman akong tiwala sa sarili ko lalo na kapag nag-umpisa ng halikan ako ni Donovan.
Baka talagang hindi na ako makapagreview so dito na lang ako sa sofa para safe.
Para hindi ako mainip nagcellphone muna ako pero nakakaboring, wala naman akong kachat kasi nandito na ako sa bahay ni Donovan.
Napatingin naman ako sa table at nakapatong doon ang cellphone ni Donovan. Kinuha ko 'yon. May password pero syempre alam ko. His password is the date of our anniversary.
Napasin ko rin na kami ang wallpaper niya pero wala kaming mukha. 'Yung uso ngayon. Hindi ko alam kung anong tawag doon, e.
Una kong binuksan ang messenges syempre, pero napakaboring. Puro group chats related sa school at group chat nilang magkakaibigan tapos ako lang ang kachat niya. May ibang unread messages pa.
Ang dami rin niyang message request pero hindi na ako nag-abala pang tingnan 'yon. Kaya nga message request, e. Hindi niya rin binabasa kaya sino ako para basahin 'yon? Kung mga babae man 'yon wala akong pakialam as long as hindi siya nagrereply.
Napadako naman ako sa games niya. Nakita ko yung Mobile Legends. Meron pala siya nito. Ngayon ko lang napansin. Tuwing gagamitin ko o hihiramin ko ang cellphone niya camera lang ginagamit ko at sinisilip din ang message minsan.
Curious ako kung paano ba laruin 'to. Nag-try ako dati pero hindi ko talaga magustuhan. Hindi ko alam kung bakita naadik ang mga lalaki dito. Pati rin pala boyfriend ko.
Pinindot ko yung app tapos nagloading na. Mabilis lang ang pagloading dahil nakaconnect lang naman sa wifi.
Pinindot ko yung 'x' para mawala 'yung ads. Ewan ko di ako sigurado kung ads ba 'yon.
Rank. Mythical Glory.
Yon agad ang bumungad sa akin.
Pinindot ko naman ang 'rank' at naiba na. Biglang may lumabas na 'start game' pinindot ko naman 'yun at nagloading na tapos biglang nagvibrate yung cellphone.
Bigla ko tuloy napindot yung 'enter'.
Bigla namang may nagsalita.
"Please ban a hero."
Hindi ko alam ang gagawin kaya pumindot na lang ako ng character. Mukha siyang bakla at blonde yung buhok.
Pinindot ko yon at ni-confirm na 'yon ang iba-ban ko. Tama ba 'tong ginagawa ko?
Hindi naman siguro magagalit si Donovan diba? Ang tagal niya naman kasi. Nabobored na ako. Daig pa ang babae kung kumilos.
Maya-maya may nagsalita na naman.
"Please pick a hero."
Hindi ko alam kung sinong pipiliin ko. Wala naman akong alam dito. Gusto kong lang naman subukan.
Madalas kong nakikita sa f*******: 'yung Layla ba 'yon? Paborito daw ng mga babaeng gamitin sa rank game. Hindi ba rank game 'to?
Wow kapangalan din ni Mama. Iba nga lang spelling. Iba lang spelling ng pangalan ni Mama walang 'a'.
Hinanap ko ang itsura ni Layla. Tanda ko naman ang mukha ng hero na 'yon dahil lagi kong nakikita sa f*******:.
Pinindot ko yun at ni-okay na.
Bigla naman may lumitaw na mga message.
Ang bobo.
Ba't Layla?
Paano ka nakarating ng Mythic?
GG na agad.
Napakunot-noo ako dahil sa mga nabasa ko. Paano ba magreply dito? Pinindot ko yung nasa may maliit na box. Biglang may lumabas na keyboard.
Makabobo ka.
'Yon lang ang nireply ko. Hindi ko na dapat patulan 'yung mga ganyan.
Biglang nawala yung kanina. Nagloading na naman yata. Ano ba to? Ang daming kaemehan bago ka makapaglaro tapos may magsasabi pa sa'yong bobo.
"Welcome to Mobile Legends. Five seconds 'til the enemy reaches the battlefield. Smash them. All troups deployed."
Paano ba 'to? Baka matalo ako. Nakikita ko nga rin pala sa mga memes sa f*******: na maraming nagbebreak dahil pinakialaman ng girlfriend nila yung Mobile Legends at naubos yung Star ba 'yon? Nagagalit yung mga boyfriend nila.
Baka magalit rin sa'kin si Donovan.
Kailangan kong manalo dito para naman kahit papaano hindi siya magalit dahil pinakialaman ko ML niya.
Pinindot yung yung parang bilog na blue sa kaliwa ko tapos gumalaw na 'yung hero. Saan ba ako pupunta? Siguro dire-diretso muna. Ni-control ko lang hanggang sa dire-diretso na yung hero pero may kalaban. Tatakbo na sana ako ulit pabalik pero yung kalaban may hinagis sa'kin kaya hindi na ako makagalaw.
"Hala mamamatay na ako." mahina kong sabi.
Nakakagalaw na ako at tatakbo paatras pero bigla akong namatay.
"First Blood."
"What are you doing?" Donovan asked. Nakacross arms siya habang nakatingin sa cellphone niya at biglang titingin sa akin. Kinabahan tuloy ako bigla.
"A-Ano...kasi...n-nag." wala man lang akong matapos na salita.
Seryoso siyang nakatingin sa akin. Hinihintay ang sagot ko.
Kinuha niya ang cellphone niyang nasa kamay ko. Pinatay niya na rin ito. Narinig naman siguro niya na naglalaro ako dahil ang lakas ng sounds.
"You're playing?" malambing na ang tanong niya.
"O-Oo." nauutal kong sagot.
Hindi ba siya magagalit? Hindi na ba niya lalaruin 'yon?
Napangiti naman siya dahil sa sinabi ko.
"H-Hindi ka magagalit?" takang tanong. Umiling naman siya.
Nagkanda utal-utal ako tapos hindi naman pala siya magagalit? Sayang lang pala yung kaba ko.
"Why would I get mad? Hmm?" he asked too. Parang wala lang naman sa kanya.
"K-Kasi ang dami kong nakikita sa f*******: na ganoon. Magagalit 'yung boyfriend nila kasi nilaro yung ML kahit hindi marunong." nakanguso kong sabi.
Hinalikan naman niya ako sa labi dahil sa pagpout. He smiled widely.
"It's just a game. You are my girlfriend. Kahit ubusin mo pa ang points ko hinding-hindi ako magagalit sa'yo. Maubos na lahat ng points ko huwag ka lang mawala." he smiled again. Giving me an assurance that he's not mad.
"I love you and you're more than important than everything else." he added that makes my heart beats faster.
----
8:50 PM. May 25, 2020