Chapter 22 "Tahan na, hindi magandang umiiyak ng umiyak ang buntis" pagpapatahan niya sa'kin. Nandito kami sa likod ng Senior High Building kung saan ako pumunta noon nung nag-away kami ni Cerene. Ito lang kasi ang alam kong pinakamalapit na puntahan, naglalabasan na ang mga estudyante dahil lunch na kaya dito ko naisipang pumunta. "P-Paano na ko Cerene? H-Hindi ko alam k-kung paano s-sabihin sa parents ko" patuloy pa rin ako sa paghikbi. Dala na rin siguro ng hormones kaya mas nagiging madamdamin ako ngayon. Hindi ko na alam. Bakit hindi siya pumasok kung pasahan na nila ng Clearance at requirements para maka-graduate? Hindi naman ako tanga para isiping hindi niya 'yon sinasadya. Tinataguan niya ba ako? "Shhhh, tahan na" pag-alo pa rin niya. Bigla namang kumalam ang sikmura ko

