bc

stary writing camp | Behind the Beautiful Script

book_age16+
14
FOLLOW
1K
READ
age gap
opposites attract
goodgirl
sweet
bxg
lighthearted
city
realistic earth
childhood crush
actor
like
intro-logo
Blurb

I'm a new writer and I joined this camp. I really wanna learn more about writing and I want to publish a finished book, my goal is to have a finished book even for once.

chap-preview
Free preview
Week 1: How to Create an Initial Outline
STEP 1: Write down your Ideas 1. Sumali sa isang raffle game promo ang normal na fangirl, ito'y isang proyekto ng management ng sikat na aktor na kanyang iniidolo. 2. Nasa tabi ng babae ang swerte at nanalo sya sa sinalihang raffle game kaya naman may tyansa syang makasama ang matagal ng iniidolo na aktor. STEP 2: Draw the plot using the Ideas Si Maria Eliziana ay isang normal na fangirl ng isang sikat na aktor na si Joseph Iñigo Nikkolas Marquez o mas kilala sa screen name nitong, “Jin Marquez.” Sumali si Eliziana sa isang rafle game promo ng nasabing aktor at matapos magdasal sa mga Santo at nagtirik ng kandila sa simbahan ay maswerteng nanalo. MGA TANONG: 1. Paano nakilala ni Eliziana ang aktor at naging idolo? — Noong elementary (labing-isang taong gulang) si Eliziana ay may napanood syang isang teleserye na pinagbibidahan ng noo'y teen star pa lamang na si Jin Marquez. Namangha sya sa galing into sa pag-arte, kalauna'y naging idolo at sinubaybayan na ang mga palabas nito. 2. Saan nakita ni Eliziana ang tungkol sa Raffle? — Dahil die hard fan sya ng aktor ay halos nakasubaybay sya sa mga pangyayari at future events ng kanyang idolo. Isang araw habang nag-sscroll sa cellphone, nagsusurf sa internet ay nakita nya sa official page ng management ng kanyang idolo ang pa-raffle game, noong una'y binasa nya lang ang tungkol dito, ngunit napanood nya sa telebisyon ang commercial patungkol dito at ang aktor na si Jin Marquez mismo ang nag-hihimok sa kanyang mga fans na sumali. Kaya naman binalikan nya ang post, at sinagutan ang form sa pag-sali. 3. Tungkol saan ang Raffle Game Promo? — Ginawa ito ng management ng aktor para maranasan nyang mamuhay kasama ang isang fan. Para bang ito ang magiging practice nya sa nalalapit na ‘Big Project.’ Ang Raffle Game Promo ay pinamagatang, “Emergency Couple,” na kung saan ang maswerteng mabubunot ay may tyansang makasama ang aktor buong summer vacation at maging instant boyfriend, habang dinodocumentary ng media ang experience nila sa piling ng isa't-isa. STEP 3: Add scenes, supporting characters, and logic. (add details, determine characters, organize outline by time.) SCENE 1: Sa bahay ng mga Mangubat — Buong summer vacation ay tambay at puro pag-fafangirl lang si Eliziana, at naengganyo pa itong sumali sa pa-raffle game ng idolo nyang sikat na aktor. Nagulat ang nanay ni Eliziana nang may kumatok na mga media sa pinto ng bahay nila at hinahanap ang panganay na anak na si Maria Eliziana. Sinabi nya sa media na maghintay saglit at tatawagin lang ang anak, tinawag nya ang anak at tinanong kung bakit may media sa labas at hinahanap sya, tinanong pa ang anak kung may na-bash ba itong sikat na artista at iinterviewhin sya ngayon. Hindi rin makapaniwala si Eliziana sa nangyayari, kaya naman ay chineck nya ang email at naroong nakita at binasa ang email sakanya ng management na sinasabing nanalo sya sa raffle game, at darating para interviewhin ngayong araw. Humingi sya ng paumanhin sa mga media dahil sa kawalan ng paghahanda at humingi ng kaunting oras para makapagprepera. Habang naghihintay kay Eliziana sa salad ay sinet na ng media ang mga kailangan, at nang matapos sa pagprepera si Eliziana'y ininterview na ito. Isa sa mga tanong ay kung ano ang nararamdaman ng dalaga sa pagkapanalo sa raffle at kung ano ang inaasahan nito. Matapos ang ilan pang tanong ay binigyan sya ng management ng aktor ng dalawang araw para makapagprepera at makapag-impake ng gamit na dadalhin bago sya sunduin. SCENE 2: Ang pag-alis — Natapos ang dalawang araw na pagprepera at paghahanda sa sarili, sa kung anong mangyayari. Magkahalong kaba at excitement ang nararamdaman ni Eliziana. Kaba dahil hindi nya alam kung ano ang iaakto nya kapag nakita at naka-face to face ng idolong aktor, at excitement syempre dahil sa wakas ay mamemeet nya na ang long time favorite actor nya. Nagulat si Eliziana sa ring ng kanyang cellphone, tumatawag ang best friend nyang si Ava na excited din sa pagkapanalo ni Eliziana, sinagot nya ang tawag at nagkamustahan sila. Naghabilin pa ang kaibigan na ipa-autograph sya dito. Natapos ang tawag at sinabi ni Ava na mag-iingat ito at mamimiss sya nito. Pagkatapos magpaalam ng magkaibigan ay nagpaalam naman si Eliziana sa nanay nitong si Mrs. Maria Theresa Mangubat at sa bunsong kapatid na si Matteo Elrhys. Maya-maya pa'y dumating ang dalawang sasakyan lulan ang staff ng management at ilang cameraman na mag-fifilm sa pag-alis sa bahay at pagdating sa set. SCENE 3: Arrival Sa buong byahe ay inorient na sya ng staff tungkol sa mga mangyayari. Ang napanalunan nyang raffle ay pinamagatang, “Emergency Couple,” kung saan makakasama nya ang idolong aktor na si Jin Marquez at magiging instant couple sila sa loob ng buong summer. Idodocumentary ang experience nila sa isa't-isa buong duration ng summer. Namangha si Eliziana nang makarating sa set, inorient na sya na bahay ito ng aktor. Pumasok sya sa loob ng bahay— mansion dahil malaki ito para sakanya— at napansin nya ang ilan ding cameraman sa living room, at nakita nya ang aktor na prenteng nakaupo sa sofa na nagbabasa ng magazine at may kape sa coffee table. Nang maramdaman ng aktor ang presensya nito at ng mga cameraman sa likod ng dalaga ay propesyunal nya itong winelcome. Sa loob-loob ni Eliziana ay kinikilig sya ngunit kinalma ang sarili at nag-go with the flow, sabi pa sa sarili na dapat ay maganda ang impresyon sakanya ng idolo.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

One Night Stand (R18-Tagalog)

read
2.0M
bc

MY STRICT TEACHER IS MY HUSBAND

read
1.9M
bc

MAGDALENA (SPG)

read
29.9K
bc

Rewrite The Stars

read
101.4K
bc

The Runaway Bride (Womanizer Series 3)

read
124.0K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
164.0K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook