Week 3: How To Write The Beginning

2158 Words
Chapter One ELIZIANA “AAAHHHH OH MY GOD! Tinanggap nya iyong offer!” Para sakin ito ang medyo magandang bungad sa umaga ko ngayong weekend. Tinanggap kasi ng idol kong actor ang isang offer na umextra sa isang movie na ipapalabas sa summer, kahit extra lang ay nakakaexcite dahil as a fan ay first time naming mapapanood sila Jin and Brix sa isang movie. Parang collaboration nila ito, iyon nga lang ay extra ang idol kong si Jin sa kadahilanang pahinga sya ngayon dahil ang alam ko ay may nalalapit syang big project. Bumaba ako mula sa double deck ng kama namin at binasa kong muli ang article sa internet patungkol sa pag-tanggap ni Jin sa offer. Nakakakilig talaga sya! “Oh my god, talaga! Ang bait nya, kahit extra lang ay ayos sakanya!” patuloy na pag-irit ko at may kasama pang pag-talon-talon, ngunit gano'n na lamang ang gulat ko nang may tumama sa mukha ko na tsinelas. “Ouch, ano ba 'yan!” Hinanap ng paningin ko ang siraulong nag-bato sakin no'n at nakasalubong ko ang masamang tingin ng kapatid kong si Elrhys. “Ang aga mo mangbulabog Ate!” sigaw pa nito sakin, tinignan ko sya ng masama at pinakyuhan na sya namang ikinasimangot nya. “Mama oh si Ate pinakyuhan ako!” nanlaki ang mata ko nang sumigaw sya para magsumbong kay Mama, kaya naman nilapitan ko sya at tinakpan ang bunganga. “Ano ba, sumbungero ka!” His voice is muffled kaya hindi ko masyado naintindihan ang sinasabi nya sa likod ng madiin kong palad sa bibig nya. “Napakasumbungero mo talaga!” gigil na bulong ko pa dito. Ngunit gano'n na lamang din ang gulat ko sa sakit nang kagatin nya ang palad ko! “Aray!” ang sakit ng kagat nya, maliit lang ang pagkakagat nya dito pero pino! Ipinatong ko ang cellphone sa study area ko at muling nilapitan ang kapatid, sinabunutan ko sya at pilit naman nyang inaabot ang leeg ko. Our room's door suddenly opened harshly, that's why a loud bang resonated the room, iniluwa nito ang nanay naming nag-uusok na ang ilong, early in the morning. Napatigil naman kami ni Elrhys at lumayo ng isang dipa sa isa't-isa. “Ang aga-aga nag-sisigawan kayong magkapatid! Tara sa kusina at naando'n ang mga kutsilyo at magpatayan kayo! Hala sige at sundan nyo ang ama nyo!” Salubong ang kilay at nanggagalaiting sigaw ni Mama, habang nakapamaywang pa. Napatungo naman kami ni Elrhys, may kaunting katahimikan ang namutawi sa kwarto dahil na rin sa takot naming magalit lalo si Mama. Baka ma-high blood pa sya ng ganito ka-aga. “Bakit ba nag-sisigawan kayo ng ganito ka-aga?” pagbasag ni Mama sa katahimikan, ngayo'y malumanay na ang boses. Nang walang makuhang sagot saming dalawa ay nakapamaywang na lumapit samin si Mama. Nakayukong napaatras naman ako habang si Elrhys ay mukhang hindi natinag pero nakayuko pa rin. “Walang sasagot sainyo, ha?” muling tanong ni Mama. Nag-angat ng tingin si Elrhys at lakas loob na sumagot bago pa muling masigawan, “Si Ate kasi 'Ma, ang aga-aga nasigaw. Nabulabog tulog ko, may pag-talon-talon pa.” sumbong nito at talagang tinuro pa'ko, napairap naman ako dito. “Eh 'Ma, binato ba naman ako ng tsinelas, sapul sa mukha ko 'Ma!” nanlalaki ang matang katwiran ko dito at inambahan ng suntok ang papansin kong kapatid na si Elrhys. “Pinakyuhan din ako, Mama!” dagdag pa ni Elrhys at inambahan din ako. “Aray 'Ma, tainga ko 'yan!” pagdaing ni Elrhys nang lumapit si Mama sakanya at piningot sa tainga. Ouch, ramdam ko yung sakit. “'Yan para 'yan sa pambabato mo ng tsinelas sa Ate mo!” sabi pa ni mama at binitawan na rin ang tainga ni Elrhys, napaupo naman ito sa kama nya habang hinihimashimas ang namumula nya nang tainga. Natatawa ako sa itsura ng kapatid ko kaya nang magkasalubong ang tingin namin ay binelatan ko sya. “A-Aray naman 'Ma, ang tainga ko! O-Ouch!” hindi ko namalayan ang pag-lapit sakin ni Mama, piningot din ang tainga ko at kinaladkad pa'ko palabas ng kwarto. Nakita ko pa ang pag-belat ng kapatid ko bago isara ni Mama ang pinto ng kwarto namin. “Isa ka pang bata ka! Ilang taon ka na ba, ikaw ba'y apat na taong gulang pa lang ha?” galaiting tanong ni Mama sakin, hindi ako makasagot dahil pingot pa rin ni Mama ang tainga ko at ang tanging lumalabas lang sa bibig ko ay daing sa sakit. Nakarating kami sa baba ng bahay, at dinala ako ni Mama sa kusina nang hawak at halos matapyas ang tainga ko. “Ikaw naman Maria Eliziana, panganay ka, pinapatulan mo pa kapatid mo eh!” napahimas ako sa tainga kong for sure ay namumula na ngayon dahil sa natamo nitong pingot. “Sorry na. Matatapyas na tainga ko sayo 'Ma, eh.” I pouted, hinihamas pa rin ang tainga ko. Siniringan naman ako ni Mama at nakapamaywang na humarap sakin. “Tutal at maaga mong binulabog ang kapatid mo, ay mamalengke ka.” sabi nito sakin at umalis ng kusina para kuhanin ang wallet nya. Napaupo naman ako sa upuan na nasa may hapag-kainan dito sa kusina, masakit pa rin ang tainga ko dahil sa kanina. Maya-maya pa'y bumalik si Mama ng kusina dala ang nakatuping eco bag, pera at isang piraso ng papel, na malamang ay naglalaman ng lista ng kailangan kong bilhin sa palengke. “Oh eto ang eco bag, eto din ang listahan ng bibilhin. Marunong ka naman pumili ng mga karne-karne, alam mo na 'yan.” Tinanggap ko naman ang binigay ni Mama na eco bag at inilapag sa lamesa, kinuha ko sakanya ang listahan at binasa ito, matapos mabasa ang ilan sa bibilhin ay tinupi ko ang papel at ibinulsa. “Sobra 'tong pera na ibibigay ko sayo ha, umayos sa daan Maria Eliziana, 'wag kang tatanga-tanga. Naku.” Habilin pa nito, kinuha ko ang pera at tumayo na rin. Only to realize na nakapambahay lang ako at walang kasuklay-suklay. “Pwede bang maligo muna ako, 'Ma?” napatigil si Mama sa paglabas ng kusina nang marinig ang tanong ko. Sinipat pa nito ang suot ko, mula pajama hanggang sa T-shirt kong may imprinta ng mukha ng crush kong actor na si Jin Marquez. “Jusko po, maliligo ka pa eh babaho ka din naman pagbalik mo galing palengke. Magpalit ka nalang ng maayos na salawal at silag 'yang pajama mo.” Napatango naman ako sa sinabi nito, iniwan ko muna sa lamesa sa kusina ang eco bag na dadalhin bago ako umakyat papunta sa kwarto. Pagbukas ko ng pinto ng kwarto namin ay naabutan kong tulog si Elrhys, mukhang nabulabog ko ata talaga ng husto ang tulog ng kapatid ko. Kumuha ako ng maayos na short sa damitan ko at hinubad ang pajama na suot ko, mabuti at may black cycling akong suot sa ilalim at mabuti nalang din at natulog ulit ang kapatid ko. Sinuot ko ang maong shorts ko na hanggang sa itaas ng tuhod lang ang haba, ayos na 'to at hindi naman mukhang pang-p****k shorts. Kinuha ko din sa may study area ko ang wallet ko na nakapatong lang sa ibabaw ng naka-pile kong mga libro, inayos ko rin ang sarili at nagsuklay. Hindi na'ko nag-polbo dahil ayon na rin kay Mama na palengke nga lang naman ang pupuntahan at hindi mall. I looked at myself in my compact mirror for the last time, last look na rin kumbaga, at mukha naman na akong tao na mamamalengke. Inilapag ko ang compact mirror ko at lumabas na rin ng kwarto at bumaba. Bumalik ako sa kusina para kuhanin ang inilapag kong eco bag sa lamesa kanina, nagpaalam na rin ako kay Mama at tuluyan nang lumabas ng bahay. Sumalubong sakin ang medyo sariwang hangin pagkalabas ko, hindi masyadong tirik na tirik ang haring araw. May mga nag-lalaro na ring ilang bata sa labas, mga literal na anak araw. Pumara ako ng tricycle at sumakay, nagpahatid ako sa may labasan ng munting subdivision na 'to. Hindi naman kami nakatira sa mamahaling subdivision, parang pabahay lang sya ng gobyerno, gano'n. Halos ten minutes lang ang itinagal ng byahe palabas, nagbayad ako kay manong ng sampung piso at nagpasalamat dito. Lalakarin ko nalang naman papunta sa palengke, madali nalang. Hawak ang eco bag ay tinahak ko ang daan papunta sa palengke, ang una kong bibilhin sa listahan ay karne, tapos puro sangkap-sangkap nalang naman. After a couple of minutes nang paglalakad at ay malapit na'ko sa palengke dahil naririnig ko ang ingay nito, at naamoy ko na rin ang langsa. “Psst, ganda sakin ka na bumili!” “Ganda dito ka at sariwa pa ang mga isda ko!” “Naku, dine ka na sakin bumili ineng at galing pang Talisay ang tilapia ko! Masarap ang tilapia ng Talisay, halika dine!” Iilan lang 'yan sa ingay na naririnig ko sa palengke nang madaanan ko ang linya ng mga isda. Sorry mga ale at karne ang hinahanap ko, salamat na rin tinawag nyo akong ‘ganda.’ I chuckled innerly at what have I thought. Kalauna'y narating ko rin ang linya ng mga karne at samu't-sari na naman ang naririnig ko, pinuntahan ko ang pwesto ng lagi naming binibilhan ni Mama ng karne. “Magandang umaga, Aling Nelya!” bati ko kay Aling Nelya nang marating ko ang pwesto nya, nginitian naman ako nito pabalik. “Karne nga ng baboy Aling Nelya at mag-ninilaga ang Mudra.” natawa naman si Aling Nelya sakin, itinuro nya ang karne ng baboy. Habang namimili ako ng maayos at magandang parte ng karneng baboy ay naririnig ko ang chikahan ng magkumareng namimili sa katabing pwesto ni Aling Nelya. “Naku, mare may nag-te-taping daw dine sa malapit ah.” sabi nung isang ale sa kasama nito. “Ay oo at narinig ko rin ang balitang 'yan nang magawi ako sa gulayan. Sino kayang artista 'yon, ano?” tanong naman ng isa. “Ang balita ko'y Martinez ata ang apelyido, naku eh hindi ko naman kilala at hindi rin naman ako fan ng channel nila at sa kabilang channel ako.” chika pa nung naunang ale. Hindi na'ko nakinig muli at nang nakapili ako ng ilang piraso ay pinatimbang ko ito, isang kilo lang naman ang bibilhin ko. “150 pesos ang isang kilo, Marya.” sabi ni Aling Nelya, nagulat ako sa presyo at humingi ng tawad. “120 nalang sakin Aling Nelyang maganda,” tawad ko na ikinailing ni Aling Nelya. “Naku, naku Marya,” iling-iling pa nito. Humingi ulit ako ng tawad, “Bigay mo na sakin ng 120 Aling Nelya, dali na po hehe.” sa huli ay napagbigyan ako, binalot nya ang karne at binigay ko na ang bayad. Nagpaalam na rin ako dito, nagpatuloy ako sa pamamalengke at binili pa ang mga sangkap na kailangan. Hindi ko alam kung anong oras ako natapos sa pamimili dahil wala akong dalang cellphone at iniwan ko sa bahay, ngunit base sa tirik ng araw palagay ko may alas-nuebe palang. Pauwi na'ko at napili kong dumaan sa short cut palabas ng palengke, dahil na rin bibili ako ng notebook sa madadaanan kong bilihan ng school supplies. Nang magawi ako sa bilihan ng mga school supplies dito sa palengke ay nagtingin-tingin ako, at talaga nga namang sinuswerte ako at may nakita akong notebook na may mukha ng love of my life ko! Kinuha ko ang notebook na ang cover ay ang idol at one and only celebrity crush kong si Jin Marquez, black and white ang kulay ng cover at naka-suot ng black silk long-sleeve si Jin na may seryosong mukha at may pakpak sa likod. Ito iyong bumida sya sa pantaserye noon! Kinuha ko ito at binili, matapos bayaran ay iniabot sakin ng kahera ang naka-plastik labong notebook na may mukha ni Jin. Matapos niyon ay umalis na'ko at dineretso na ang short cut palabas ng palengke. Hawak ang eco bag na may laman ng napamalengkehan sa kaliwang kamay at hawak ang plastic na naglalaman ng nabili kong notebook ay masaya at may ngiti sa labi kong tinahak ang daan, ni wala gaanong pakielam sa mga nadadaanan ko, pansin kong medyo maraming tao sa short cut na dinadaanan ko. “Aray!” Ang ngiti sa labi ko'y nabura ng matumba ako dahil sa may bumangga sakin na tumatakbong lalaki na naka-all black, nakatakip din ng black mask ang mukha, at naka-black cap din. Buti nalang at naitukod ko ang kanang kamay ko at naitaas ng kaliwang kamay ko ang bitbit kong eco bag para hindi sumayad sa lupa. Tumayo ako't hinanap ng paningin ko ang lalaking nakabangga, hindi pa sya nakakalayo kaya lumapit ako ng ilang dipa at saka ko iniitsa sakanya ang notebook na nabili ko. Boom, sapul sa batok! At doon ko din narealize ang kahihiyang napasok ko nang may marinig akong sigaw. “CUT! ANO BA 'YAN?!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD