'JOB OFFER'
YUNA...
Sumapit ang araw ng lunes. Dala ang aking resume ay pumunta ako sa DMCC. Buti nalang Hirring.. Binigyan lang ako ng visitors passed at itinuro sa akin kung saan pupunta. Medyo kinakabahan ako dahil wala naman akong alam sa ina -applyan na yon, resume lang ang tanging dala ko na ipinasadya kopa kahapon.
Nakita ako ang ilang mga tao don na nakaupo sa mahabang bench. Mga naka-formal clothes sila. Buti nakahiram ako kay Kira. Medyo nailang ako sa hitsura ng mga maga-apply. Mga halatang profesional at matataas ang pinagaralan. Pero di bale.. May factor din ang hitsura. Aba ako ang pinaka-maganda doon no?
Lihim akong nagmasid sa paligid. Ang laki ng ipinagbago non. Saulado ko ang buong lugar na yon nong A&A pa ito. Ngayon ay ibang-iba na. Sobrang ganda at ang lamig-lamig. Free wifi pa. Sayang wala akong cp. Pangtanggal inip din.
Dahil nag-announce na alas nueve pa ang simula ng interview ay hinayaan muna kami doon. Medyo nakakailang ang mga kasamahang aplikante. Ni walang friendly sa kanila. May isa akong nginitian pero sinimangutan lang ako ni Ate Gurl.. Ganda ka???
Ang ibang mga lalaking aplikante naman ay di din makausap. Tila kabado sila na may nire-review. Naksss.. Iba talaga ang may tinapos. Tatalino.. Mga english fluent ang salita.
"Mahigpit daw ang boss dito, lalo na sa interview. Pure english talaga at bawal ma-rattle. Kinakabahan tuloy ako"
Narinig kong sabi ng isang lalaki sa kaibigan yata nito na kasama. Dyusko kinabahan naman ako sa narinig. Di ako fluent mag english pero sanay ako sa mga interview. Hello pageant Queen ako? Sanay ako sa mga biglaang tanong. Ang problema lang ay di naman yon pageant. Tsskk..
Pero teka lang, diba kaya lang ako naroon ay para makakalap ng balita about sa dati naming company? So bakit ako mage-effort. Kailangan kong magmasid sa paligid. Wala naman sigurong masama,. Kami nga noon nila Vanessa nakakapunta kahit saan dito. Kaya marahan akong lumayo doon nang walang nakakapansin.
Una kong sinilip ang dating production area ng A&A. s**t nakaka-miss.. Wala na ang nga machines don. Naging parang office na. Nagsisimula palang dumating ang mga empleyado ng kompanya. Gusto ko sanang pumasok pero need ng card access sa pinto. Kibit balikat nalang akong naglakad muli. Sa locker naman ako nakarating. Doon parin ang lugar ng locker room pero sobrang ganda ng mga locker don di tulad dati sa A&A. Saglit akong tumambay pero ng makita kong may cctv ay umalis na rin ako at baka mapasama pa.
Then saka ako napangiti ng matanaw ang silid namin noon ng mga kasamahan kong Quality controller. Sisilipin ko kung ano na hitsura non ngayon. Kaya lang bago ko pa pihitin ang door knob ay bumukas na yon kaya nadala ako papasok at nasubsob sa matigas na dibdib ng isang gwapong lalaki na naka business suit.
Who is he?
Gwapo ito, sobra.. Matangkad at may malamlam na mga mata, yun nga lang parang masungit. Nagsasalubong ang kilay nito nang tingnan ako.
"Are you the new assistant? How dare you na ma-late sa unang araw mo dito sa kompanya ko? Hindi kaba nagbasa ng mga rules sa contract na pinirmahan mo?"
Medyo naguluhan ako sa sinabi nya. Kaya ng hilahin nya ako ay napasunod lang ako at isinara nya ang pinto. Kinabahan ako .. s**t napagkamalan pa yata ako.
Naka slack pants ako at formal blouse na kulay puti. Mukha ba akong assistant? Sino kaya yung sinasabi non. Yari sya kung sino man sya. Mukhang masungit ang boss ng DMCC.
"S-sir nagkakamali po kayo, hindi----"
"Timpla mo ako ng kape dali!!"
Nagulantang ako sa sigaw na utos ng lalaki. Kaya hindi kona naituloy ang sinasabi. Bumalik ito sa table nya at sumubsob na sa kanyang trabaho, ni hindi na ako pinansin pa.
Kape daw? Utusan ba ako? Sabagay kape lang naman. Lumabas ako ng office at pumunta sa canteen. Buti nalang yun parin ang canteen don. Instant coffie ang naisip kong bilhin. Ewan koba pero parang may isa akong timpla ng kape sa utak ko na tila tandang-tanda ko kaya yun ang ginawa ko. Nakangiti pa ako ng dalhin yon sa opisina ni Boss.
DAVID...
Nakaka bad trip ang umagang yon, ilang linggo na ang project na ipinapatapos ko sa team ay di parin matapos-tapos. Ang daming kapalpakan ng department na yon. Dumagdag pa ang bagong hired na Personal Assistant ni Kurt. Maganda nga pero late naman. Sinabi nang 7 am ang pasok nya kasabay ko. Yun ang mahigpit na sinabi ko kay Kurt na tinanguan naman daw ng dalaga.
Asan na pala yon? Sabi ko itimpla nya ako ng kape ah? San yon nagpunta?
Naiinis akong tumayo, wala sya sa loob ng opisina. San kaya yon nagpunta eh naroon lang ang coffie maker sa tabi? Na turuan ba ng tama ang isang yon?
Ilang saglit ay pumasok si Kurt na tila kadarating lang. Kasunod nito ang isang matabang babae na sobrang puti. Sino naman to?
"S-sir sorry late ako sa first day, nagkaroon po kase ng emergency sa bahay---"
"Wait, at sino ka naman?" Taka kong tanong.
"Sya si Ms. Sonia Dallas. Your new PA. Sakin sya tumawag na male-late nga daw ngayon kase gawa----"
Pinatigil ko si Kurt pagsasalita. Anong ibig sabihin non? Sino pala yung babaeng maganda na inutusan kong magtimpla ng -----
And there she is. Walang katok-katok na pumasok sa office at nakangiti pa habang dala ang paper cup ng umuusok na kape.
"Heto na po Sir" she said bago diretsong inilapag sa table ko.
Napanganga lang sila Kurt at Sonia sa ginawa ng babae. Unang-una sa rules na bawal ipatong don ang any drinking food dahil may tendency na matapunan or matalsikan ang mga naroon sa table ko.
"Who are you?" Tiim ang bagang na tanong ko sa babae.
"Aplikante po ako na naghihintay ng interview. Bigla nyo nalang akong hinila dito at inutusang magtimpla ng kape nyo. Since mabait naman po ako sa mga boss eh sinunod ko na kayo" sabi nito na bakas ang kaba sa dibdib.
Napahimas ako sa noo. Sa dami ng ginagawa ko ay di ko na napansin ang ID visitors nya na nakakabit sa damit.
"Im sorry, napagkamalan kita, you may go now." Pasuplado kong sabi sa babae.
"Ah okey po" sagot nya. Yumuko pa ito at sumaludo sa amin bago lumabas.
Wait kung aplikante sya bakit nahuli ko sya sa labas nang pinto ng opisina ko at tila tangkang pumasok? Baka naman napadaan lang.
Umiling nalang ako.Saka binalingan ang PA ko.
"Next time na ma-late ka ulit. Wag ka ng papasok dito, ayoko ng mga ganong empleyado." sabi ko na mabilis naman nitong tinanguan. Saka nagmamadaling kinuha ang nakapatong na kape sa table. Pero pinigilan ko sya
"Wag na, iinumin kona yan at kanina pa ako naghihintay ng magtitimpla ng kape ko" nakasimangot kong sabi. Saka kinuha ang paper cup.
Tumayo ako at lumakad kasunod si Kurt.
"David, sino yung babae? Ang ganda ah?"
"Narinig mo diba? Aplikante daw" sabi ko saka uminom ng mainit na kape.
Then i stiffened. Tiningnan ang paper cup. Halatang instant coffee lang yon pero sobrang sarap ng pagkakatimpla. Ganong timpla ng kape ang gustong -gusto ko na di makuha ng mga naging assisstant ko at ilang secretary.
Damn,
YUNA...
Napasimangot ako habang naglalakad palabas ng DMCC. Kainis naman ang layo ng main gate.. Sakit na nang paa ko sa takong ng sapatos na suot ko. Hiniram ko lang yon kay Kira kaya medyo masikip sa akin.
Sayang lang ang effort ko. Malamang di ako na-hired. Bukod sa di ako graduate ay puro architect or engineer course ang hanap nila. Nagkanda - bulol pa ako sa interview sa sobrang kaba.
Wala akong napala. Wala manlang kahit isang tao don na namumukhaan ko sa dating kompanyang pinapasukan. Ano ba kaseng nangyayari? Bakit bigla nalang nagbago ang lahat sa paligid ko?
Lulugo-lugo akong nagpatuloy sa paglalakad. Nangangahalati palang ako ng daang nilalakad ay naramdaman ko na ang hapdi ng paa ko. Inis akong naupo sa tabi ng kalsada at inalis ang suot na sapatos para tingnan ang nananakit na mga paa. Mapulang - mapula na yon. Tiyak na mananakit yon lalo mamaya.
Ano nang gagawin ko ngayon? 30 thousand nalang ang pera ko. At napakadaling maubos non sa mahal ng mga presyo ng bilihin. Pati pamasahe nagmahal din. Biglaan talaga lahat as in..
Nang Muli akong tumayo para ipagpatuloy ang paglalakad ay nakita ko ang isang kotse na paparating galing kompanya. Kumunot ang noo ko pagkakita sa isang lalaki. Ito yun nasa opisina ng boss kanina.
"Yuna Laine Quinto?" He asked.
Tumango ako.
Binuksan nya ang kotse at sinenyasan akong pumasok don. Since nasa company naman kami ay tiwala akong sumakay kahit nagtataka.
"I'm Kurt Sanchez. Head Manager of DMCC and at the same time, best friend of the Big boss." Pakilala nya sa sarili. Tumango lang ako.
"Nice meeting you Sir" sabi ko.
"Mr. Madrigal want to offer you a job, kung gusto mo lang. Nalaman kase namin na hindi ka natanggap. So he wanted me to find you para sabihin ang job offer nya sayo"
"A-ano po?" Pinigilan kong ipakita ang excitement sa lalaki.
"Assisstant to the personal assisstant. Yan ang offer nya"
"H-ho? Ano po yun?" Clueless ako sa trabahong yon. Iba ang kompanya na yon sa A&A eh.
"Saka ko nalang ipapaliwanag sa office ko, if you're interested, bumalik ka sa isang araw dala ang mga requirements mo,"
Natuwa ako sa sinabi ng lalaki. Sa sobrang tuwa ko ay agad ko yong kwinento sa mga ka-boardmate.
"Wow Yuna, ikaw na. Alam mo bang isa ang DMCC sa pinaka-sikat na company dito? Mga professional lang kase ang tinatanggap don at sobrang higpit ng boss, diba Joyce?" Baling ni Kira kay Joyce .
Bukod tanging ito lang ang di natuwa sa balita ko.
"Yup, kaya nakakapagtaka ang offer sayo, di ka naman 4 years graduate, sino ba ang nakausap mo?" She asked.
"Kurt Sanchez daw name nya,"
"Kurt Sanchez?" Nanlalaki ang matang reaksyon ng babae. Nabigla kami kay Joyce.
"O-oo bakit?"
"Me problema ba Joyce?" Tanong din ni Elona.
Matiim akong tinitigan ng babae. Nakakailang ang pagtitig nya sa akin mula ulo hanggang paa.
"Imposibleng kinausap ka non, isa yon sa big boss ng kompanya. Mahalaga ang oras ng mga yon lalo na si Mr. Madrigal" aniya .
Medyo nainis ko sa sinabi ni Joyce. Para kaseng pinapalabas nya na sinungaling ako.
"Sya ang kumausap sa akin sa loob ng kotse nya, at di ako nagawa ng kwento no" sabi ko.
"Key fine, good luck nalang sayo kung makatagal ka" ani Joyce. Maldita talaga ito.
Kinabukasan ay umuwi ako sa amin sa laguna para kunin ang mga requirements ko. Pero laking pagtataka ko ng wala don ang aking portpolio.
"Nay saan na yung lagayan ko ng mga papeles dito?" Tanong ko sa inang si Erla. Papeles talaga? Eh kase nandon lahat ultimong baptismal ko.
Kanina pa ito nagtataka sa ginagawa kong paglalagay ng ilang damit ko sa bag.
"Anak, ano bang ginagawa mo? Bakit mo pa kinukuha yang mga luma mong damit? Ang dami mo na kayang damit sa bahay nyo" aniya.
Nagtatakang nilingon ko sya.
"Diko nga po alam kung nasaan sila lovely. Dala nya ang mga gamit ko, kainis.." Sabi ko at naalala ang naiwang cellphone.
Agad kong itinanong yon sa ina.
Lumapit naman sa akin si Popoy at iniabot ang cellphone at laptop? Me laptop ako? Kelan pa?
"A-akin to?" Gulat na tanong ko sa ina at kapatid. Sila man ay nagulat sa reaksyon ko.
"Oo naiwan mo, ang daming tawag dyan bago nalobat. Tiyak na si Paol---"
"Nay imposibleng akin yan, mukhang mamahalin at yun cellphone ko hindi ganyan ang tatak, ano ba?" Naguguluhan kong sabi.
Maging si tatay ay napalapit na rin sa amin ng marinig ang kaguluhan.
"Anong nangyayari anak?" Tanong nito.
"Yan si Yuna nababaliw na yata. Ulyanin kaba? Sayo yan no. " si nanay.
"San naman po ako kukuha ng pambili nyan? Ang kailangan kopo ay yun cellphone ko talaga kase tatawagan ko sila Vanessa para itanong kung saan lumipat ang A&A." Sagot ko.
"Ha? Ano bang pinagsasabi mong bata ka? Saan kaba pupunta? Di pa naman dumarating ang sundo mo umalis kana nung isang araw dito." Tanong ni tatay.
"Saan paba ako pupunta itay? Di sa cavite. May bago akong inapplyan, kapag diko nakita----"
"Cavite? Hindi ba sa makati anak?" Takang tanong ni nanay.
Kumunot lalo ang noo ko. Sino namang pupuntahan ko don?
"Teka Erla may mali sa batang yan, mabuti pa tawagan mo ang manugang mo, at sabihin natin ang nangyayari"
"Paano ko yun tatawagan? Nasa Japan nga daw. Naku naman Yuna ano bang nangyayari sayo anak?"
Nakatingin lang ako sa pagkakagulo nila sa bahay. Ano bang problema ng mga magulang?
"Makigamit ka ng wifi kay Mitchiko, baka alam non kung paano kontakin si Paolo"
Who's Paolo?
Napailing nalang ako nang natatarantang umalis ng bahay ang mga magulang. Sila yata ang ulyanin. Itinuloy ko ang naantalang paggagayak at umalis na rin agad. Maaga pa ang interview ko sa DMCC bukas.
****