CHAPTER 3

2179 Words
'PICTURE OF HIM' YUNA.... Pati sila Kira at Elona ay di malaman kung paano ang gagawin sa cellphone ko na yon. Matapos ko kase yong icharge ay binuhay ko pero nahingi ng password. Birthday ko lang naman ang password na alam kong laging gamit pero hindi daw tama. Sabi ng screen. Maging ang laptop ay ganon din. At ang higit na nakakapagtaka ay kung bakit larawan ng isang lalaki ang lock screen ng cellphone ko. Maging ang laptop ay ganon din. Iisang lalaki ang naroon. Namumukhaan ko ito. Ito din yun nasa photo sa wallet ko ah? Sino ba yon? Masyadong gwapo ang lalaki. Puro mga di nakangiti ang kuha at mukhang napilitan lang sa harap ng camera. "Yuna sino yan? Ang gwapo ah?" Kinikilig na tanong ni Kira. "H-ha? Ano model yan na crush ko kaya nasa wallpaper ko" mabilis kong pagdadahilan. "Realy? Mukhang natural yung kuha eh," tila di makapaniwalang sabi pa ni Kira. Kakainis, sino ba kase yon? Feeling ko talaga di sakin ang cp at laptop na yon. "Paano mo yan magagamit di mabuksan ang password?" Tanong naman ni Elona. Lumapit sa amin si Joyce at kunot ang noo habang tinitingnan ang lalaki sa wallpaper . "Ang tanong kase sayo ba talaga yan?" Intregerang tanong ni Joyce. Wala akong maisagot kase ako man ay naguguluhan kung akin ba talaga iyon o hindi. "Joyce ano bang sinasabi mo? Malamang kay Yuna yan." Pagtatanggol sa akin ni Kira. "Eh bakit di nya alam ang password? Baka naman kung saan mo lang yan kinuha ha? Pati yan cp at laptop mo, latest model. Sure kabang sayo yan?" "O-oo" nagaalangang sagot ko. Akin ba talaga to? Hindi na umimik ang babae at nahiga sa kanyang pwesto. "Yuna alalahanin mo nalang ang password at baka nakalimutan mo lang" ani Kira. "Salamat kira, Elona." Sabi ko sa dalawa. Kinabukasan ay nagkaproblema ako dahil wala akong kadala-dala sa company kundi resume. Ayaw pa sana akong papasukin ng guard pero mabuti nalang at sinabi ko ang pangalan ni kurt Sanchez kaya agad nilang tinawagan ang lalaki. "A-ano wala ka paring dala kahit isang ID?" Yun ang tanong ni Kurt Sanchez sa akin habang kausap ako sa opisina nya. Nahihiya tuloy ako sa lalaki. "Mahirap pong ipaliwanag kase hinahanap ko pa po yung pinsan ko. Nasa kanya kase ang mga requirements ko at ibang gamit" "Paano yan? Kailangan namin ng valid info mo para ma- hired ka" anang lalaki. "Baka pwedeng to follow nalang Sir. Ano bang work ko dito kung sakali?" Nahihiya kong tanong. Malay koba kung pagwalisin lang ako dito? Aba di ako papayag. Sa amin nga ay di ako nagwawalis dito pa kaya? "Wait lang--tawagan ko si Boss David. Sya kase ang magpapasya sa bagay na yan" ani Kurt. Ilang saglit syang nag-dial at nakipagusap sa kabilang linya bago tumango-tango. "Ah Ms. Yuna, pumayag na si Boss na to follow nalang ang requirements mo, bibigyan ka nalang ng ID at pwede ka ng magsimula bukas. Any kind of formal Attire ang dapat mong isuot. Magpalda ka nalang any formal attire . Kahit ano pwede basta maayos . " "Yes boss, salamat." "Si Sonia ang kasama mo at iga-guide ka nya ng gagawin, wag kang magalala, madali lang naman, and most important, lagi mong ipagtitimpla ng kape si boss, nakadikit sa pwesto mo ang oras ng pagtitimpla , 7am dapat meron nang umuusok na kape sa ipisina. Yung ibang detalye kay Sonia mo alamin" aniya pa. Nakangiti akong tumango. Yes! May work na ako. Maaga pa naman ng lumabas ako ng company kaya dumeretso ulit ako sa bayan para bumili ng uniform kong isusuot. Ako lang ang freestyle don basta daw palda at formal top okey na. Bumili din ako ng sapatos para dina humiram kay Kira. Nagtataka lang ako kase mukhang magiging tagatimpla ako ng kape. Sabagay okey na rin yon. Ikadalawang araw ko sa DMCC. Agad kong nakapalagayan ng loob si Sonia. Ito ang nagturo sa akin ng pwede kong gawin. More on typing job lang naman na buti ay marunong ako kahit papaano. Kung may kailangan ay ako ang tagatakbo lalo na pag may kailangan papirmahan kay Boss. Si David Madrigal. Suplado ang binatang may ari ng kompanya. Pero mabait naman ito kapag wala kang ginagawang kapalpakan. 34 palang ito pero successfull na. Lahat ng mga babae sa DMCC may crush sa binata yun iba kay boss Kurt. Pareho naman kase silang gwapo eh. Kung wala lang akong TRISTAN, Malamang maka-crush-an ko din sila. Kaya lang tapat ako sa crush ko eh. Asan na kaya ang lalaking yon. Paano ko sya mahahanap ni cp ay wala ako. Di ko parin alam kung paano bubuksan yon. Ayoko namang dalhin sa mga shop at baka mapagkamalan pa akong snatcher. "Sir coffee nyo po" magalang kong sabi sa workaholic na boss. Ipinatong ko sa maliit na table ang kape nya. Tumango lang ito pero nakatungo parin sa ginagawa. Grabeng busy ng lalaki. Hanga ako sa trabaho ni Sir David. Ang alam ko isa itong architect. Sikat na company ang DMCC at maraming customer yon sa ibat-ibang panig ng bansa. Nang tumayo sya sa inumin ang kape nya ay saglit itong natigilan. Ako naman ay nakatayo lang sa tabi ng bintana at naghihintay ng iuutos nya. "Ms. Quinto, nung unang dating mo dito may tinimpla kang kape, diba?" Napaisip ako sa sinabi nya. At ng maalala yon ay tumango ako. "O-opo, pasensya na po don instant coffee lang kase yun diko po alam na may coffee maker dito" sabi ko. "No, its okey, mula ngayon ay ganong timpla na ang gagawin mo" "Ho?" Nagtaka man ay napilitan akong tumango nalang . Good mood ang binata ngayon at hindi masyadong nagsusungit. Pero may time na kapag nabalingan nya ang isang tao ng inis nya ay grabeng makapagsalita ang lalaki. "Here" ani Boss David isang araw. Chineck ko ang pirma nya kung kumpleto bago ko dalhin sa taas ng may mapansin ako. "Sir mali ang date nyo" sabi ko. "Ha? Diba sept 6 ngayon?" Taas ang kilay na tanong nya. "Hindi po yan, yun pong year. 2013 palang po" hagikgik kopa kase 2017 ang nilagay nya. Kaya lang nagsalubong ang kilay ng lalaki sa akin. "Niloloko mo ba ako Ms. Quinto?" Asik nito sa akin. "H-ho? Hindi po bakit ko naman po yun gagawin? Takot ko nalang sa inyo" sabi kong kinabahang bigla. "So anong meaning ng sinabi mo? 2013 ? Are you crazy?" Ako naman ang nabigla sa narinig. 2013 ngayon diba? "S-sir--" nangatal ako sa kaba, hindi lang dahil sa galit na mukha ni Mr. Madrigal kundi dahil sa kaguluhan ng utak ko. "Hindi porket ako mismo ang nag-offer sayo ng job na to eh close na tayo, wag mo akong mabiro ng mga walang kakwenta-kwentang bagay ha" sabi pa ng lalaki. Pulang -pula ang mukha ko ng magpaalam dahil sa hiya. Nang ihatid ko yon sa opisina sa taas ay agad kong tinanong ang intern na naroon. "Anong year na ngayon?" Kabadong tanong ko dito. "Ha? 2017, bakit,?" Hindi ako nakasagot. Mabilis akong bumaba ng hagdan at pati ang guard na naroon ay tinanong ko rin. 2017 na nga daw. Shit...what happening? Nasa panaginip ba ako? Ang alam ko 2013 palang and im 24 years old. Ibig bang sabihin 28 na ako? No way!!! Bigla akong nakaramdam ng matinding pagkahilo. Saka ako nawalan ng malay pero may bisig na sumambot sa akin. DAVID.. Kung hindi lang dahil sa masarap itong magtimpla ng kape ay nungkang tanggapin ko sa kompanya ang Yuna Laine Quinto na yon. Bukod sa wala itong kaalam-alam sa trabaho don ay napaka clumsy pa ng dalaga. Unang araw palang nito ay may nabasag ng tasa sa opisina. Ilang beses itong nagkamali ng mga papers na pinapirma sa akin at minsan maling tao pa ang pinagdalhan ng mga iniutos ko. Pasalamat na nga lang ito at busy ang buong team ngayon. Busy kaming lahat dahil may tinatapos kaming proyekto. Wala akong oras para pagalitan sya. I own the Company. DMCC stand for David Madrigal Construction company. My goal is to be on top. Unti -unti nang nakikilala ang DMCC but not enough para pantayan ang VILLANUEVA BUILDERS. nakakainis man pero ang layo na nang narating ni Paolo. Hindi lang architect company ang naitayo nya. Pinasok na rin nito ang ibang sektor ng negosyo and i hate the fact na napagiwanan na ako ng dating kaibigan. Paolo Villanueva was my bestfriend in college. Kasama nila Brix. But something happened in the past kaya napahiwalay ako sa kanila at nagtanim ng galit sa lalaki. I promised to myself na kapag nagkita kaming muli ni Paolo, ako ang nasa taas at nasa ibaba ko lang sya. Na syang kabaligtaran ng nangyari. At nagagalit ako. Nawala ang utak ko sa nakaraan ng tumunog ang telepono sa tabi ng table. "Yes?" "S-sir may problema sa site. Kailangan kayo dito" Napapikit ako ng marinig yon, kakabwisit talaga. Di na nawala ang stress ko. Lagi nalang may problema. Mabilis akong tumayo. Tinawagan ko si Kurt at nagbilin. Maging si Sonia sa table nya ay binilinan ko rin . "I'll be back kapag natapos ko agad ang problema sa construction site" sabi ko pa sa P.A. katabi ng secretary don Tumango naman ang mga ito. Dala ang gamit ay naglakad ako palabas ng kompanya nang bigla akong matigilan ng mamataan si Yuna na pababa ng hagdan. Kumunot ang noo ko ng mapansing tila namumutla ang babae at parang may mali dito. Napalapit ako sa kanya ng makitang napasapo sya sa ulo nya.. Mabuti nalang nandon na ako bago sya mawalan ng malay. "s**t! Ms. Quinto?" Tawag ko sa pangalan ng babae. Wala akong nagawa kundi pangkuin ito at dalhin sa clinic ng kompanya. Agad dumating don si Kurt ng tawagan ko. "A-anong nangyari dyan?" Tanong nito ng makita ang walang malay na dalaga na nakahiga. "Wala naman daw problema sabi ng nurse. Baka daw nahilo lang" sagot ko. Nagtaka pa ako ng matiim nya akong tingnan. "What?" Inis kong tanong sa nanguusig na tingin ng kaibigan. "Diba papunta ka ng site ngayon? Bakit nandito kapa?" Sa tanong ni Kurt ay tila ako natauhan. Napamura ako.. Nalintikan na.. Kanina pa nga pala ako hinihintay ng mga tao namin don. Ano bang meron ang babaeng ito at parang nawala ako sa sarili ng makita syang nahimatay. First time nangyari sa akin na nawalan ako ng focus sa trabaho dahil lang sa empleyada ko. At nakagalitan ko pa ang sarili ng makadama ng pagtutol na iwan ang dalaga sa ganoong kalagayan. "Ikaw na bahala sa kanya, aalis na ako" sabi ko sa kaibigan na makahulugan parin ang tingin sa akin. Bago pa sya nakasagot ay nabaling na ang tingin namin sa babaeng unti -unting nagmulat ng mga mata. "M-ms. Quinto?" Si kurt. Napalapit tuloy ako sa kama. "Anong nararamdaman mo? Okey kana ba?" Tanong ko. Bakas ang pagaalala sa mukha. Lalo tuloy akong makahulugang tiningnan ni Kurt pero di ko sya pinansin. Pareho pa kaming nagulat ng biglang umiyak ng malakas ang babae. Sabay kaming nataranta. "M-ms. Quinto? Yuna?" Di namin malaman kung paano mapapatahan ang babae. Ano bang iniiyak nito?. Baka naman dahil napagsabihan ko sya kanina? Kainis! bakit kase nasungitan ko ito?. "Mga Sir.. Pwede po ba akong umuwi nalang muna? Masama po kase ang pakiramdam ko." Humihikbing sabi nya. "Ano bang nararamdaman mo Ms. Quinto, you can tell us. Mababait kaming tao dito, kung may problema ka pwede mo kaming sabihan" sabi ni Kurt sa dalaga. Lihim kong sinimangutan ang lalaki. Umandar na naman ang bait-baitang ugali nito. "Wala po, hindi kopa alam ang problema ko" What? Me ganon ba? Una iyak bago problema? Ayos din tong newly hired na to. "S-sigurado kaba?" Paniniguro kopa. Tumango ulit ang babae. YUNA.... Tahimik lang ako habang sakay ng kotse ni Sir David. Mabait na ulit ang lalaki. Nagprisinta itong ihatid ako sa boarding house namin. Diko magawang magsalita. Umaandar ang utak ko . Ano bang nangyari? Bakit 2017 na? What happen in my 4 years? Nagka-memory gap ba ako? Kailangan kong alamin ang totoo para di ako maguluhan ng ganito. "Are you okey?" Tanong ni Sir David nang tumigil na sa tapat ng boarding house namin ang kotse nya . "Opo Sir, salamat po" matamlay kong sagot. "Kung di mopa kayang pumasok bukas ay wag mong pilitin ang sarili mo, magpahinga ka" sabi nya. Tumango nalang ako at mabilis na bumaba ng sasakyan. Nakita ko pa ang matiim nyang tingin sa akin habang naglalakad ako papasok ng apartment. Agad kong hinalungkat ang bag ko ng makarating sa room namin. Wala pa ang ibang mga kasama dahil lahat kami ay day shift ang schedule ng pasok. Alas dos palang ng hapon. Nang makita ko ang wallet ko don ay inusisa ko yon. Tiningnan ko ang mga credit card na naroon. Nung una ay di ko yon pinansin dahil diko matandaan na meron ako ng mga yon, May black card pa na ikinakaba ko ng makita ang nakalimbag na pangalan sa mga yon. YUNA LAINE VILLANUEVA. ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD