CHAPTER 4

2200 Words
'AS HE CAME BACK' PAOLO .... NAIA mabilis ang hakbang ko ng lapitan ang sasakyang naghihintay sa akin. Its been a month ng umalis ako para sa isang business trip sa japan. I missed my wife so much. Nitong nakaraan ay di na sya nagbi - video call sa akin kaya baka nagtatampo na talaga si Yuna. Nung umalis ako ay nagalit si Yuna pero sinabi ko sa kanya na huli na yon. Makuha ko lang ang investor na yon ay titigil na muna ako sa pilipinas at magpo-focus sa kompanya ko dito. Then Brix can manage the other branches. Panahon na siguro para magkaanak kami ng asawa. Ipinayo kase ng doktor sa akin noon na mas maige daw na wag munang magbuntis si Yuna dahil mahina pa ang katawan nito sa nangyaring aksidente noon. So i need to use protection. As much as i want a child ay mas kailangan kong tiyakin ang kalusugan ng asawa. Ang Laine's Garden ay pinaubaya na muna nito sa kaibigang si Vanessa na ngayon ay asawa na ni Rennan. In our 4 years of Marriage, wala namang naging problema, we were happy and contented. Maliban sa paminsan-minsang pagiging pasaway ni Yuna ay wala na kaming naging mabigat na away maliban don. Yun nga lang hindi nya gusto ang palagian kong pagalis ng bansa. Kaya nitong huli ay napagpasyahan kong tumigil na muna ng pilipinas. Depende nalang sa magiging problema ng isang construction site namin sa Japan. Naisip kong isama nalang ang babae tuwing aalis ako para di na sya mainis sa akin. "P-paolo?--" Napalingon ako sa tinig na tumawag sa akin. Kumunot ang noo ko pagkakita kay Stephanie. "Steph? I didn't know na uuwi ka rin dito?" Kunot ang noong tanong ko sa babae. "Well i've decided to visit our friends so?--" "Ah okey!" Tango kong walang ekspresyon ang mukha. Si Stephanie ay kaklase rin namin sa collage nila Brix noon, architect graduate din ito at aksidenteng nagkita kami sa Japan dahil nagkataong Boss nya ang prospective client na hinahabol ko doon. Pero ang alam ko ay sa Japan na ito naka-base. Mula ng umalis sya sa bansa noon matapos ko syang tanggihan sa ipinagtapat nyang pagibig sa akin ay di na ito muli pang nagpakita sa amin. Hanggang don nga sa Japan kami nagkasama sa site. Kaya nagtataka ako na uuwi din pala ito ng pinas. "May sundo kaba?" Tanong nya. "Yes, my driver." Sagot ko. Gusto ko na sanang bilisan ang paglalakad dahil si Yuna talaga ang naiisip ko pagka-angat palang ng eroplano. Kaya lang ay kabastusan kung gagawin ko yon sa dalaga. "Pwedeng pasabay? Hirap humanap ng taxi ngayon eh" Natigilan ako sa narinig. Pero tumango din sa babae. Nang nasa labas na kami ay tangka itong sasakay sa likod ng kotse pero pinigilan ko sya. "Samson" tawag ko sa driver ni Yuna. "Boss?" "Pakihatid si Steph, kay Rennan nalang ako sasabay" sabi ko dito. I saw Stephanie na natigilan sa sinabi ko. Pero di kona lang pinansin. Kumaway nalang ako sa babae ng mapilitan syang sumunod kay Samson sa isang kotse. Ayokong magkalapit kami ng dalaga dahil madalas gulo lang ang dala nito sa buhay ko. Solong anak si Stephanie kaya kung ano ang gusto ay syang ipinipilit dahil sa kinasanayan. Mabuti na nga lang at medyo nag-matured na ito ngayon. But i still need to be careful. Halos pikutin na ako nito noong collage. Kaya Gusto kong pagkatapos ng project na yon sa japan ay tuluyan narin itong mawala sa landas ko. Not that i hate her, nagiingat lang ako. Isa pa baka pagselosan lang ni Yuna ang babae. Nang bumaling ako kay Rennan ay Nakita kong naguusyoso ang tingin nya kay Steph. Nagtaka ako kanina kung bakit kasama sya sa pagsundo sa akin. Sya kase ang binilinan kong magbantay kay Yuna habang wala ako. Since mas magaling ito kesa kay Samson na laging natatakasan ng asawa. "Boss, welcome back" bati ni Rennan. "Where's Yuna?" Seryoso ang mukang tanong ko sa lalaki. "Nasa laguna po boss, inihatid ko lang don at sinabi na sunduin ko nalang daw sya kapag sinabi nya." He answered. Walang nagreport sa akin non. Pero ipinagsawalang bahala ko nalang. Tutal ay sa mga magulang naman nya nagtungo ang asawa. Mahigpit ko kaseng utos sa mga bodyguard ni Yuna na ireport lahat ng ginagawa nito. Hindi rin yon itinawag ni Yuna sa akin kaya malamang na may tampo talaga sa akin ang babae. "Okey, sama nalang ako bukas pagsundo sa kanya, tiyak na nagtatampo yon kaya umuwi don" i said. Alam naman kase ng asawa na ngayong araw ang uwi ko kaya malamang na nagpapasuyo na naman sya. Pagkadating sa bahay ay nagpalit lang ako ng damit at agad kinontak ang asawa. Pero unattended ang phone nito. Maging ang social media nya ay naka offline. Talagang galit sakin ang asawa , tskk.. Napailing ako pero maya-maya lang ay napangiti rin. Binuksan ko ang dalang maleta at inilabas don ang pasalubong ko kay Yuna. Tiyak na matutuwa ito sa pasalubong ko. Isa yong sapatos na nakita ko sa Isang store sa Japan. Marami nang alahas ang asawa kaya iba naman ang napili kong ibigay sa kanya. Wala akong alam sa mga ganon kaya kinontak ko pa ang pamangking si Margarette para hingin ang suggestion nito. Well my wife is not materialistic. Simple lang ang mga gusto nito at mababaw lang ang ikinasisiya ng asawa. But i want to give her everything na kayang ibigay ng pera ko bukod sa pagmamahal at atensyon. Isa pa i'm guilty dahil sa palaging pagalis sa bansa, ayaw naman kase nyang sumama kahit pinipilit ko, kaya tinatakpan ko nalang ng mga regalo ang pagkukulang ko kung meron man. Dahil sa pagod sa byahe at kakulangan ng tulog ng mga nagdaang araw ay nakaidlip ako. Tuwing magigising ako sa pagtulog ay mayat-maya kong idina-dial ang number ng asawa pero unattended parin ito. Sweetheart... Ang galing mong magpa-miss! Kinabukasan, madaling araw palang ay nagbyahe na kami kasama ng ilan kong tauhan patungo sa laguna. Malayo din yon sa makati kaya inagahan namin para di maabutan ng traffic sa daan. Cannot be reach parin ang phone ni Yuna. "Rennan, nakahanap kana ba ng bagong mga tao?" Tanong ko sa lalaki nang nasa high way na kami. Kasunod namin ang dalawang sasakyan ng mga bodyguard. After Yuna's accident noon ay na-paranoid na ako kaya laging may escort ang asawa kahit saan magtungo. Isa pa sa tulad kong maraming kalaban sa negosyo ay kailangan kong protektahan ang asawa. Noon ay naiirita pa si Yuna pero kalaunan ay nasanay na rin sya sa mga tao ko. "Bukas limang bagong bantay ang darating, magagaling ang mga yon sa baril at matalas ang mata sa kalaban " "Good, may tiwala naman ako sayo, mas panatag ako kung magagaling na bodyguard ang kasama ni Yuna," "Dont worry boss, maaasahan ang mga yon" Tumango nalang ako at saka saglit na pumikit para di mainip sa byahe. Pero ng makarating sa bahay ng mga magulang ng asawa ay ganon nalang ang pagkagimbal ko sa sinabi nila. "Hindi ka namin ma-contact, si Yuna kase parang may mali sa kanya, hindi nya tanda na sa kanya ang cellphone at laptop nya, tapos ang sabi sa amin sa cavite daw sya pupunta at may inaplayan na sya don, pinigilan naman namin pero tumakas parin." Nagaalalang sabi ni nanay Erla. Para akong nanghina sa narinig. May kabang bumundol sa dibdib ko. Pero inisip ko nalang na nagtatampo lang ang asawa kaya nagkukunwari ito. agad akong nagpaalam sa mga biyanan at nagbyahe patungong cavite. Hahanapin ko kung nasaan man ang asawa ko. "I didn't expect na ganito ang daratnan ko, sabi nyo walang problema" sita ko kay Rennan . "Im sorry boss. Hindi namin alam na ganito ang mangyayari" "I told you to watch over my Wife, baka kung ano na ang ginawa non ngayon" Nakadama ako ng matinding galit sa dibdib. Umaasa akong walang problema sa asawa. Sa loob ng dalawang oras ay nakarating kami ng general Trias. Inutusan ko ang lahat na hanapin si Yuna malapit sa dati nyang boarding house. Don lang ang alam kong pwede nyang puntahan. Although im not sure kung ano ang nangyayari dito. Kung ano man yon ay kailangan kong alamin agad. Sweetheart.. Ano bang nangyayari sayo? YUNA... MASAMA pa rin ang loob ko sa mga bagay na natuklasan nang dumating ang mga kasama sa bahay. Nakahiga lang ako sa aking katre at malalim na nagiisip kaya nagtaka sila Kira sa akin. "Aga mo yata Yuna" bati ni Elona.. "Sumama pakiramdam ko" matamlay kong sagot. Bigla akong may naalala. "Anong year na ba?" I asked them. "2017. Bakit?" Si Kira. "W-wala" sagot ko. Parang naiiyak na naman ako. Sumasakit na naman ang ulo ko. "Joyce anong hinahanap mo?" Takang tanong ni Elona. Napasilip ako sa baba ng double deck. "Diko makita ang wallet ko" aniya. "Ha baka naman na mis-place mo lang " sabi ni kira.. "Hindi dito ko yun lagi itinago" Diko nalang pinansin ang mga ito. Busy ako sa pagiisip ng mga nangyayari. Hawak ko ang cellphone ko at mayat-mayang tinitingnan ang larawan ng lalaking diko kilala don. Nagulat pa ako ng bigla akong balingan ni Joyce. "Yuna nakialam kaba sa gamit ko dito?" Inis nyang tanong. Napabangon ako ng wala sa oras. "H-hindi, bakit ko naman gagawin yon?" "Siguraduhin mo lang ha, ikaw lang ang bago dito at ngayon lang ako nawalan" bintang nya na ikinainis ko. "Hindi ako magnanakaw, me sarili akong pera, aanhin ko ang pera mo?" Inis ko ng tanong. "Malay ko,--" "Joyce tama na, wag ka namang magbintang dyan" ani kira. "Eh sino ang kukuha non? Alam nyong may kapatid akong may sakit, buwan-buwan yon kailangang i-dialysis. Kailangan kong magpadala bukas. Pero nawawala ang pera ko" naiiyak na sabi ni Joyce. Medyo nakadama ako ng awa sa babae. Bumaba ako ng double deck at tinulungan ko syang maghanap pero wala talaga don. "Joyce hindi ako kumuha promise. Tingnan mo pa lahat ng gamit ko" naiiyak na ring sabi ko. Nahihiya kase ako dahil ako lang ang bago don at unang dumating sa kanila kanina, di ko masisisi ang babae kung ako ang mapagbintangan nya. "Paano na ngayon? Yun padala ko lang ang inaasahan sa amin" aniya. Nabigla kami ng umiyak ito. Diko akalain na sa kabila ng katarayan ng babae ay ganon kalaki ang responsibilidad nito sa pamilya nya. Nakaka-relate ako kahit papano dahil pareho kami ng sitwasyon. Nagkataon lang na swerteng walang may sakit sa pamilya ko. Agad dinamayan nila Kira at Elona ang kaibigan. Ilang saglit akong nagisip bago tinanggal ang suot kong kwintas at iniabot sa kanya. "A-ano yan?" Humihikbing tanong nya. "Diko alam kung magkano ito pero pwede mo naman isangla muna para makapagpadala ka sa inyo, saka mo nalang tubusin pag sumahod ka" sabi ko na ikinalaki ng mga mata nila. "Hindi na, wag na.. Hahanap nalang ako ng mauutangan bukas" aniya pero pinilit ko sya. "Joyce sabi mo ida-dialysis ang kapatid mo diba? Paano kung wala kang mautangan bukas? Kaya tanggapin mona ito, ibabalik mo rin naman pag nakakuha kana eh" pilit ko pa sa kanya. Saglit syang nagisip kaya kinombinsi sya ng mga kasama namin. Napangiti ako ng kunin nya ang kwintas. "S-salamat Yuna, hayaan mo ibabalik ko ito sayo kapag nakasahod na ulit." aniya. Tumango nalang ako. Buti naman mukhang magiging ka-close kona ang babae. Ilang saglit pa, nagpaalam ako sa kanila na pupuntang bayan dala ang bag ko at laptop. Papabuksan ko na ang mga iyon para malaman ko kung ano ba talaga ang nangyayari sa akin. Then bukas ako uuwi ng Laguna para kausapin sila nanay. Pagkalabas ko sa boarding house ay may nakita akong dalawang lalaki na tila sa akin nakatingin. Diko sila kilala kaya di ko nalang pinansin. Nagmamadali ako dahil magaalas singko na. Baka wala na akong maabutang bukas na cellphone repair shop. Kung bakit kase diko naisip yon kaninang maaga pa, inuna ko ang pagmumukmok. "M-maam--" Nagulat ako ng tawagin ng isa sa mga lalaking nakatayo sa isang itim na kotse. "S-sino kayo?" Naitanong ko. Medyo kinabahan ako dahil walang masyadong tao akong makita sa daang yon. "Pinapasundo na po kayo ni Sir" "Ha?" Kumunot ang noo ko. Sinong Sir? "Maam sakay na, baka magalit pa ang asawa nyo kapag di namin kayo nadala sa kanya" anang isa pa. Para akong nahilo bigla sa narinig. Asawa? May asawa ako? Nagbibiro ba ang mga ito? "Excuse me pero wala akong asawa, and beside di ko kayo kilala kaya bakit naman ako sasama sa inyo?" Mataray kong tanong. Hinigpitan ko ang kipit sa bag at laptop. Baka snatcher ang mga ito at may balak manghablot. May cash pa naman ako sa bag. Tsskkk.. "Maam wag na kayong mag-joke, sawa na kami sa ganyan, pinapahirap nyo lang po lage ang trabaho namin eh" "Pwede ba lumayo kayo!" Napalakas na ang boses ko ng harangan nila ako sa daan. "Nahhihintay nga po si Sir" Nakadama ako ng takot ng hawakan nila sa braso at bigla nalang umikot ang paningin ko. Ang huli kong natatandaan ay isinasakay na nila ako sa kotseng itim. ****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD