'WHO ARE YOU?'
PAOLO....
Walang tigil sa paggalaw ang daliring nasa hita ko habang ang isang kamay ay nasa sentido ko tanda na naiinip na ako. Kanina ko pa hinihintay ang mga tao ko na inutusang maghanap kay Yuna, si Rennan ay nasa labas ng sasakyan at panay ang dial sa kanyang cellphone.
Kung hindi nila makikita ang asawa ko ay mananagot silang lahat sa akin. Hindi nila nagawa ng ayos ang trabaho nila. Ang dami-dami nilang mga palpak. Kahit kay Rennan ay naiirita ako. Pasalamat nalang sya at magkaibigan kami at di sya basta bodyguard lang ng asawa ko.
Mabuti nalang at dumating ang dalawa sa aking mga tauhan. Napababa ako mula sa loob ng kotse kong naka-park sa isang tabi.
"Sir nakuha na namin si Maam, kaya lang po nahimatay," anang isa.
"Ano?"
Napalapit ako sa sasakyan nila at agad binuksan ang likod ng kotse. There is my wife na walang malay na nakahiga sa upuan ng panglikod na sasakyan.
"Sweetheart?"
Mabilis kong kinuha ang asawa at inilipat sa kotse ko. Inilagay nila ang bag nito sa unahan ng sasakyan.
"Umuwi na tayo," seryosong utos ko kay Rennan.
Agad itong sumunod. Nagaalalang hinaplos ko ang buhok ng asawa na nasa mga hita ko. Bakit naman ito mahihimatay? Nagtaka pa ako sa suot nyang damit. Parang diko tanda na may ganon syang kasuotan.
Nang makarating sa bahay ay agad akong nagpatawag ng doctor. Nakahinga ako ng maluwag ng sabihing simpleng pagkahilo lang daw ang nangyari sa asawa ko.
"Y-yuna--sweetheart baka gusto mong gumising na?" Mahinang kausap ko sa asawang tulog parin.
Nakaupo ako sa tabi ng kama sa silid namin at hinahaplos ang pisngi ng nakapikit na asawa. Napalitan kona't lahat ng damit ay hindi parin ito gumigising. Medyo paranoid ako pag ganon ang asawa kahit pa sinabi ng doktor na wala naman problema dito. I still remember the time nung maaksidente sila ni Tristan and Yuna sleeped for so long na halos ikabaliw ko ang takot non na baka di na ito magising.
I held my wife's hand at saka hinalikan yon. Alas nueve na ng gabi pero mukhang wala itong balak gumising. Naisip kong maligo muna dahil maghapon ako sa labas. Hinalikan ko muna sa labi ang tulog na asawa bago pumasok sa banyo para magshower.
Medyo dipa ako nakakatulog ng ayos mula ng dumating ako kahapon dahil sa pagiisip sa babae. Ngayon na nasa bahay na sya ay makakatulog na ako ng mahimbing kayakap sya.
Paglabas ko sa banyo ay napangiti ako ng makitang gising na si Yuna. Pero ganon nalang ang pagkagulat ko ng tumili ito ng sobrang lakas.
"AIhhhhhhhhh.."
Nabigla ako at mabilis na lumapit sa kanya para takpan ang bibig nyang parang wangwang ng bumbero sa lakas ng sigaw nya.
"S-sweetheart what happened to you?" Taka kong tanong but she bit my hand na ikinadaing ko.
Ouch!..
Kumunot ang noo ko ng madali syang gumapang sa kama patungo sa kabila pero mabilis ko syang nahila sa paa pabalik sa akin. Pilya ka talaga.
"B-bitiwan mo ako!" She hissed.
"Yuna anong drama to? Will you please stop that?" Naiinis ko ng sabi.
Pagod ako at ang nais ay magpahinga na, pero umaandar ang kapilyahan ng asawa. Medyo kakaiba sa kalokohan nya noon.
"Wag kang lalapit!" Banta nya ng tangka ko syang hawakan sa kamay. I sighed heavily.
"Yuna, kung isa na naman ito sa mga Joke mo ay itigil mona please, im tired and i only want to sleep hugging you tonight." Sabi ko.
Tiningnan nya ako na tila isa akong baliw sa harapan nya.
"Sweetheart ka dyan? Sino kaba? Hoy Mister hindi kita kilala, baliw kana yata"
Nagpantig ang tenga ko sa sinabi ni Yuna kaya napatiim bagang nalang ako.
"I'm Paolo Villanueva, don't you know me?"
Kung nagloloko na naman ito ay sasakyan ko nalang. Tutal ay cute naman sya sa acting nyang iyon.
"Hindi kita kilala, may i go home now? May trabaho pa ako bukas at di ako pwedeng um-absent--"
"What? Are you crazy? You are my wife at wala kang trabaho" naiinis ko nang sabi.
Gusto yata ni Yuna na sagarin ang pasensya ko. Gumaganti ba sya sa kawalan ko ng panahon sa kanya?
"Nagkakamali po kayo, dalaga pa ako at wala akong asawa" she said na lalo kong ikinapagtaka.
Bigla kong naalala ang sinabi ng mga magulang nya kanina, kinabahan ako pero itinatanggi parin ng utak ko ang lahat. Isa lang ito sa mga prank ng asawa. Mahilig ito sa ganon kapag nabo-bored.
Ilang beses na ba nitong na-victim ng prank ang mga tauhan ko noon?
"Prank ba to?" Tanong ko sa kanya.
"Prank? Pwede ba mister, ire-report kita sa police kapag di mo ako pinaalis dito."
Woahh.. She has a gut na sabihin yon sa asawa nya?
"Okey sasakyan kita sa trip mo, I'm Paolo Villanueva, you are my wife and we were married for four years." Sabi ko sa babae. Inilahad kopa ang singsing sa harap nya to showed proof.
"Hoy Mister nagkalat yan sa divisoria kahit ilan pwede kitang ibili," sabi ni Yuna na kung dilang ako naiirita sa daloy ng mga pangyayari ay baka tumawa ako sa joke nya.
"You're crazy, million ang halaga nyan, Yuna napipikon na ako" asik ko sa asawa. Pero blangko ang mukhang tumingin lang sya sa akin.
"Aalis na ako."
Humarang ako sa kanya. Hindi sya pwedeng umalis, there is something wrong. Realy, realy wrong about my wife.
"Yuna, di mo ba ako na-miss?" I still tried to be sweet. Hoping that she's still in the act of not knowing me.
But disbelief ang lumawaran sa mukha nya. And no recognition at all. Don ako natakot.
"Ang kulit mo naman, sabi nang----"
Natigilan ito ng magawi ang tingin sa wedding picture namin na nakapatong sa side table ng kama. At nanlaki ang mga mata ko ng matumba ito.
"Yuna!!!!!!"
______==______
"Retrograde amnesia, yun ang tingin kong sakit ng asawa mo, it cause by the damage to the memories storage area of the brain na maaring sanhi ng nangyaring aksidente sa kanya noon."
Para akong dinaganan ng malaking bato sa dibdib ng marinig ang sinabi ni doktor Silva na syang tumingin sa asawa ko.
"Nagkaroon sya ng traumatic brain damage. It can be temporary, or permanent. Depende sa magiging result na lalabas sa susunod na mga test,. Sadly ang naaalala lang nya ay yung panahon na di ka pa nya kilala, she lost some of her memories kung saan naroon ka"
Nanikip ang dibdib ko sa sinabi ng doktor. Napasulyap ako sa asawang nakaupo sa hospital bed at nakatitig sa akin na tila kinikilala ako. Naroon kami sa labas ng room nya kung saan kita namin ang isat-isa sa salaming dingding don.
"D-doc, are you sure? Its been four years mula ng maaksidente sya, bakit ngayon lang sya nagkaganon?" Tanong kong tila naba-blangko.
Nababalot na ng takot at pangamba ang puso ko ng mga sandaling yon.
"May ganon talagang case, sometimes it took years to develop an amnesia from accident or trauma. Ano ba ang huling nangyari sa kanya bago sya magkaganyan?" Tanong pa ng doktor pero wala akong maisagot.
Cause im not with her ng mangyari yon. I'm busy that time sa Japan. At bigla akong nakadama ng pagsisisi sa lahat ng pagkukulang ko sa asawa. I should be the one na naroon sa tabi nya. Hindi ang mga body guard nya. Kung sana'y nag-focus ako sa kanya baka napansin ko agad ang pagbabago na nangyayari sa asawa. But i'm too business minded. So i'm the one to blame.
"Hindi ko po alam doc. " mariin kong ipinikit ang mga mata.
"Maaring may nangyari bago sya nawalan ng alaala, may nag-triggered sa utak nya kaya nagkaroon sya ng amnesia, isang factor yon ng sakit nya. Maaring may nalaman sya na naka-shock sa kanya or naka stressed. Anyway... Niresetahan kona sya ng gamot. Siguro wag nyo na muna syang piliting maalala ang lahat, unti-untiin mona lang muna. Yon ang makakabuti sa ngayon."
Marahas akong napabuntong hininga.
"Doc hindi pwede, paano kung umalis sya? Kailangan nyang malaman kung sino sya--"
"Mr. Villanueva. Palalalain mo lang ang kondisyon ng asawa mo kung guguluhin mo ang utak nya. Sa ngayon hayaan mo muna syang gawin ang mga bagay na makakasiya sa kanya. Like i said, dahan-dahanin mo syang ipaalala kung sino ka sa buhay nya. Im sorry pero yun lang sa ngayon ang maiipayo ko."
Parang gusto kong mawala sa sarili ng maiwan don ni doctor Silva. Paano ko susundin ang payo nya? Ano nang gagawin ko kay Yuna? Ngayong hindi na ako nag-e-exist sa buhay nya.
Malungkot kong itinawag sa kanyang pamilya ang kalagayan ni Yuna maging sa pamilya ko ay ipinaalam ko din yon.
YUNA....
Magulo ang isip ko habang nakatanaw sa bintana ng sasakyang kinalululanan ko katabi ni Paolo Villanueva. Sabi nya asawa ko daw sya. At ang nakakapagtaka ay kung paano kami nagkakilala at nagpakasal gayong tiyuhin pala ito ni Tristan.
Naiilang ako sa buong byahe. Inisip ko pa kung presidente ito ng pilipinas sa dami ng kasunod naming bodyguard sa likod. Marami pa akong gustong itanong pero parang di na kaya ng utak ko.
Sinulyapan ko ang katabing lalaki. Tila kay lalim ng iniisip nito. Nang mapansin nyang nakatingin ako sa kanya ay inakbayan nya ako. Muntik ko na syang maitulak.
"T-teka lang po…" sabi ko.
I heard him sighed na tila nagsisi sa nagawa.
Hindi na sya ulit kumibo hanggang makarating kami sa bahay nya. Napatulala ako sa taas non. Wow as in wow... Parang palasyo ang bahay nya. Napapatulala ako sa pagmamasid lalo na nang makapasok kami sa loob. Puno iyon ng karangyaan. Nakita ko ang ilang katulong na nagyuko pa sa amin ng makita kami.
Diko malaman ang ikikilos ng ngumiti sila sa akin kaya kumaway nalang ako kahit diko sila kilala saka ngumiti din ng alanganin.
Nagulat pa ako ng bigla akong hawakan sa kamay ni Paolo Villanueva at hilahin papunta sa taas at pumasok kami sa malawak na kwarto. Yun ang kwartong kinagisnan ko kagabi.
Napasulyan akong muli sa wedding picture namin sa side table. Nang bitiwan ng lalaki ang kamay ko ay palihim kong kinuha ang frame at tinitigan yon. Ako nga ang nasa larawan. Walang duda.. Asawa ko nga yata ang lalaki. Pero paano nangyari yon? Si Tristan ang mahal ko ng mga panahong yon. So Bakit ang tiyuhin nya ang pinakasalan ko?
"Ay bulate--!!" Nagulat pa ako ng bigla syang lumingon sa akin at muntik ko nang mabitawan ang frame sa pagkabigla.
"Like i said earlier, Asawa mo ako, and apat na taon na tayong nagsasama, 28 years old kana at na-accidente ka noon kaya nakalimot ka ngayon, but dont worry Sweetheart i will do anything para bumalik ang alaala mo, just trust me okey?" Aniya.
Nakatitig lang ako sa lalaki. Gwapo ito at maganda ang katawan. Wala akong nakikitang pangit sa kanya. Pero wala din akong maramdamang anumang damdamin sa lalaki. He's a total stranger to me.
"M-mister Villanueva----"
"Paolo! Call me Paolo," putol nya sa akin. "I'm your husband Yuna and you dont have to be shy or nervous around me--"
"G-gusto ko lang itanong k-kung bakit tayo nagpakasal? Mayaman ka at mahirap lang ako. Maybe there's a reason kaya nakasal ako sayo" sabi ko.
Hindi ko lang maideretso sa kanya na ang naiisip ko ay baka si Tristan talaga ang asawa ko. Kase yun naman talaga ang ultimate crush ko. So why did i choose to marry him?
"Mahal kita at mahal mo ako, yun ang dahilan kaya tayo nagpakasal, yun lang at wala ng iba " sagot nya na ikinatigilan ko .
What? Mahal ko si Paolo Villanueva?
"M-mahirap kaseng paniwalaan mister-----i mean Paolo, kase ni di ko matandaan kung paano tayo nagkakilala---"
"You will remember everything in time Sweetheart. Wag kang masyadong magisip dahil mas makakasama sayo yan--"
"O-okey lang naman ako--im just curious lang talaga kung paano kita -- alam mona??--heheehe" pilit kopang tawa para maalis ang pagkailang sa lalaki.
But i frozen nang bigla syang lumapit sa akin at hilahin ako sa bewang, dahilan para magdikit ang aming katawan.
"You Kissed me, don tayo nagsimula.. Binaliw mo ako kaya di na kita pinakawalan--"
"W-what? I kissed you? Excuse me Mister---" nanlalaki ang mga matang itinulak ko sya sa matigas nyang dibdib. "I wouldn't do that. Ni hindi ko matandaan na may first kiss na ako kaya paano ko paniniwalaan ang sinasabi----"
But he cut my word nang bigla nya akong halikan sa labi.
He claimed my first kiss. I mean ilan beses naba???
*****