'PASSWORD'
YUNA....
Ilang saglit akong hindi nakagalaw ng maramdaman ang paglapat ng labi ni Paolo Villanueva sa labi ko. Agad na pumasok sa isip ko ang itulak sya pero the moment na magawa nitong ibuka ang aking bibig at mapalalim ang kanyang halik ay natigilan ako.
Ganito pala ang halik, asawa ko sya at marahil ilang beses na kaming naghalikan, pero iba ang sitwasyon ko ngayon, i didn't remember him. O ang halik na pinagsaluhan namin noon ay di ko rin tanda. Dilat na dilat tuloy ang mata ko habang naduduling yong nakatingin sa lalaking humahalik sa akin.
Napaigtad pa ako ng maramdamang humahaplos ang palad nya sa likod ng balakang ko pataas sa aking likod at dumako yon sa batok ko para i-push ang ulo ko kaya lalo akong di nakawala sa mapang-angkin nyang labi.
Nang maramdaman ko na ipinasok nya ang dila sa loob ng aking bibig ay para akong binuhusan ng malamig na tubig. Kumawala akong pilit sa kanya.
"T-teka lang naman po--- wag namang torrid---" reklamo ko ng makawala ang labi sa kanya..
"W-what? Asawa mo naman ako Yuna at natural lang na halikan kita---"
"Hindi kopo kayo maalala pa, kaya kung pwede, bigyan nyo ako ng time mag-adjust" kinakabahang sabi ko.
Gusto ko na tuloy umiyak sa harap ni Paolo pero pinigilan ko ang sarili. Magmumukha akong tanga pag ginawa ko yon. Kaya lang kase ang halay ng halik nya. Yung nakakabastos na. Naiinis ako sa sitwasyon ko ngayon, pero anong magagawa ko? Kahit pa sabihing asawa ko sya, hindi ko parin sya naaalala.
"I-im sorry.. Nadala lang ako,"
Nakahinga ako ng maluwag ng pakawalan nya. Kaya lang napansin kong tila nagkaroon ng lambong ang mga mata nya. Nalungkot din ako para sa kanya. Kaya lang wala talaga eh. Stranger sya sa akin .
Nang magpaalam ito papasok sa banyo ay tumango lang ako. Gusto ko ring mag-shower pero san kaya ang mga damit ko dito?
Paglabas ni Paolo ay tatanungin ko pala sya.
Bigla kong naalala ang trabaho ko. Kukuha muna ako ng tyempo para makaalis sa mansyon na yon. Ang dami kong gustong gawin, una na ang bumalik sa cavite, kausapin si Bestie Vanessa at hanapin si Tristan. I want to know everything. Aside from being a wife of Paolo Villanueva.
Ilang sandali ang lumipas at bumukas ang pinto ng banyo saka lumabas don ang bagong ligong si Paolo. Parang kagabi lang, pero naka roba ito di tulad kagabi na walang katakip-takip ang katawan. Namula tuloy ang mukha ko ng lumitaw sa gunita ang p*********i ng asawa. Asawa???? Daw!!
"P-paolo, me mga damit ba ako dito? Liligo din kase ako." Nahihiya kong sabi sa lalaki.
Nagtutuyo sya ng buhok nya. Lumapit ito sa isang tabi at may binuksang pinto.
"This is your wardrobe. Nandyan lahat ng gamit mo," aniya.
Natulala na naman ako, may wardrobe room pala don, natatangang pumasok ako don. Kasunod si Paolo. Binalewala ko nalang ang mabango nyang amoy. Namamangha parin ako habang nakatingin sa mga naroong bag, sapatos, sintron at kung ano ano pa. May binuksang drawer ang lalaki at tumambad sa akin ang ibat-ibang alahas na purong ginto.
"A-ano to?" Nanlalaki ang mga matang tumingala ako sa kanya.
"Your jewelries. Dito naman ang mga damit mo," aniya saka may isang binuksan at nakita ko ang ibat-ibang bihisan na naka hanger.
"Akin lahat yan?" Tanong ko pa habang iginagala sa paligid ang paningin. Nakangiti syang tumango. "Saan ang sayo?" Naitanong ko pa. Puro kase mga pangbabae ang naroon.
"Sa kabila ang akin, you are my wife kaya kahit anong gusto mo sabihin mo lang sa akin, anyway you have my black card"
Medyo nalula ako sa sinabi nya kaya di ko binigyang pansin ang black card na sinasabi nya. Di ako sanay sa ganon. Sanay akong nagtatrabaho muna bago mabili ang mga gusto. Pero kung asawa nya ako ay ibig sabihin ba non mayaman din ako? Hala nakaka-tanga naman.
Tahimik akong kumuha ng bihisan, nahiya pa ako ng pumili ng underwear. Kase naman nasa likod ko lang si Paolo. Bakit di pa to magbihis? Napapatingin tuloy ako sa balahibo nya sa dibdib.
"S-shower lang ako!" Naiilang kong sabi sa kanya saka may pagmamadaling lumabas don dala ang bihisan.
"We used to take shower together noong wala kapang amnesia."
Natigilan ako ng marinig yon. Namumula akong lumingon sa kanya. Nasa pinto sya ng wardrobe ko at nakangising nakatingin sa akin.
"H-ha?" Yun lang ang lumabas sa bibig ko. Alam kong hanggang bumbunan na ang pamumula ko ng mga oras na yon.
"Wala, enjoy your shower"
Kumindat pa ang lalaki sa akin bago pumasok sa isang pinto, yun marahil ang wardrobe nya. Teka... Tinutukso ba ako ng lalaki?
Ilang saglit akong nagtagal sa banyo paliligo. Nakakatuwa ang karangyaan ng banyo na yon. May natanaw pa akong bath tub sa tabi . Gusto ko sanang i-try pero baka mahuli ako ni Paolo. Nakakahiya... Baka isipin nya bano ako sa mga ganoong bagay. Bumawi nalang ako sa shower. May apple flavor na shower gel, meron din scrub na sobrang bango.. Pati sabon don ay type na type ko ang amoy... Kakaiba sa kinasanayan kong gamitin.
Nakabukod naman don ang kanya at akin eh. Pati sabon magkaiba kami. Dinampot ko ang panlalaking shampoo. Napatango-tango ako.. Lakaking-lalaki ang amoy. Sa likod ng shower ay may salamin kung saan aninag ko ang hubad na katawan. Ang ganda naman ng shower room na yon. Sisipagin akong maligo pag ganong kaganda ang liguan. Ang bango pa.
Nang makontento sa ligong yon ay humila ako ng towel na nakaayos sa lagayan. Ibinalot ko yon sa katawan ng mapansin ko ang isang roba na kulay pink. Siguro akin to. Kaya kinuha ko yon at ginamit. Wow!! Pati roba ang sarap sa balat. Lumabas na ako sa shower room at bumaling sa lababo. Hinanap ang lagayan ng mga toothbrush.
Nakadama ako ng kung ano sa dibdib ng makitang magkasama sa lagayan ang toothbrush namin ni Paolo. Wait teka, alin ang akin dito? Siguro itong pink. Green yung kanya. Imposible namang pink ang kanya diba?
Nag toothbrush akong maige. Ngayong may asawa na ako kailangan laging mabango ang bunganga ko. Baka bigla na naman syang manghalik tapos di pa ako toothbrush. Naku nakakahiya.
Wait Yuna Laine, bakit sa dinami-dami ng poproblemahin ay halik pa nya ang naisip ko? Ni hindi ko nga sya matandaan tapos iko-consider ko ang ganong isipin? Haysssss...erase.. Pero nakatatlong toothbrush yata ako bago nag mouth wash pa. Tsineck ko ang buong bibig at baka may sira akong ngipin. Buti naman wala. Perfect teeth parin. Nang makontento ay nagbihis na ako ng dalang damit. Isa yong loose blouse na v-neck at short na malambot ang tela. Presko sa bahay. Feel ko ang ganda non ng maisuot kona. Ganon talaga ang mga type kong isuot.
Pagkalabas ko ng banyo ay nakita kong nakaupo si Paolo sa couch na naroon sa silid at may hawak na libro. Nag-angat sya ng mukha sa akin at nakadama na naman ako ng pagkabog ng dibdib. Nakakailang ang titig nya.
Patay malisya akong dumako sa dressing table na naroon sa tabi. Kinakabahan talaga ako sa pagkailang sa lalaking kasama sa silid na yon. Pati pagsusuklay ko ay di maayos-ayos dahil sa katititig nya sa akin. I just know dahil nakikita ko sya sa salamin na nasa harap ko.
Pinilit ko nalang na magpaka-kalmado. Itinuon ko ang atensyon sa laman ng dressing table. Sobrang bet ko ang design. Puro pangbabaeng pabango ang naroon na diko matandaan kung akin ba yon? Eh kanino pala?
Sa isang sulong non ay nakita ko ang isang make up kit. Di ko nalang binuksan. Kinuha ko ang hair dryer at tinuyo ang basang buhok. Mabuti nalang at nakayuko na ulit sa binabasa si Paolo kaya nabawasan ang pagkailang ko.
Gusto ko sanang mahiga sa kama at matulog kaya lang naroon ang lalaki. Paano ko ba ito paaalisin sa kwarto eh sya ang may ari ng bahay na yon? Naisip ko nalang na tingnan ang bag na kinaroroonan ng cellphone at laptop. Naupo ako sa kama at inilabas ang mga gamit don. Siguro naman alam ni Paolo kung paano ko yun mabubuksan.
"P-paolo--"
"Hmmm?"
"K-kase diko alam kung akin tong cp at laptop, alam mo ba ang password ng mga ito?" I asked him.
Nagrigodon na naman ang puso ko ng tumayo sya at lumapit sa akin. Napaigtad pa ako ng bahagya ng pumuwesto sya ng upo sa likod ko. Nagdikit tuloy ang dibdib nya sa may balikat ko.
"Birthday ko ang password ng cp mo, " aniya at saka hinawakan ang cellphone at nag type ng number don.
Para akong kinoryente ng dumikit ang palad nya sa kamay ko dahil nakahawak ako sa cp ko ng gawin nya yon. At nakaka- s**t lang dahil yung pwesto namin sa kama masyadong intense. Para na nya akong yakap. I heard his breathe sa bandang leeg ko na ikinakilabot ko. Para kase nya akong inamoy don.
Pero natuwa ako ng mabuksan ang cellphone. At ang wallpaper don ay kaming dalawa ni Paolo. Nabitawan ko ang gadget sa nakitang naka-wallpaper. It was me and him. A picture of me na nakangiti habang nakahalik sa pisngi nya at tila nasa isa kaming beach batay sa background ng larawan.
"Anong problema?"
Nagulo na nga ang utak ko sa wallpaper ay dumagdag pa ang boses ni Paolo na nasa likuran ko, tumatama sa pisngi ko ang hininga nya. At parang gusto kong pumikit ng mariin para alisin ang kabang nararamdaman. Inaakit ba ako ng lalaki?
Muli kong kinuha ang cp at tiningnan yon. Pasimple ko syang itinulak ng mahina para mapalayo sa akin kahit konte. Ang halay ng pwesto namin eh sobra. Oo nga at walang dudang asawa ko nga ang Paolo Villanueva na ito pero sa utak ko ay estranghero parin sya.
"I-itong laptop? Bakit me ganito ako? Diko din alam ang password" sabi ko matapos alisin ang bara sa lalamunan.
Ayan na naman ang lalaki, payakap na naman nyang binuksan ang laptop. At hindi na tulad kanina. Talagang yakap na ang ginawa nya sa akin kaya para akong mahihimatay sa kaba. Ang baba nya ay nakapatong na sa balikat ko at halos dumikit na ang labi nya sa pisngi ko ng magsalita sya. Nanigas ang katawan ko sa pagkakaupo ko sa kama.
"I love Paolo Villanueva" anas nya na muntik ko ng ikalingon.
"H-ha?"
Napapitlag ako ng haplusin nya ang buhok ko.
"I love Paolo Villanueva, capital letter. Yun ang password ng laptop mo, ginagamit mo sya for personal use." Sabi nya .
Shit.. Pwede namang magusap kami ng di sya nakadikit sa akin.
"Y-yun ang password ko?"
"Yes, kase patay na patay ka sakin,"
Napaubo ako sa sinabi nya. Walang himig ng pagyayabang ang tinig ng lalaki pero naroon ang katotohanan sa sinabi nya. Sa mga nalalaman ko paunti-unti tungkol sa aking sarili ay posible ngang mahal ko ang lalaki. Grabe! pati birthday nya password ko? Baka nga patay na patay ako sa lalaking ito.
Nanginginig ang kamay na nag type ako ng password ng laptop. Pero kasabay ng pag-open non ay napasinghap ako ng maramdaman ang palad ng lalaking nakayakap sa tiyan ko. Nanlalaki ang matang pinalis ko yon. At humarap sa lalaki.
"M-mister-- i mean Paolo--- ayoko muna sanang maging intimate sayo, i mean oo nga at asawa kita kaya lang di kita maalala, kaya bigyan mo ako ng time na mag adjust. Like i said..bilang asawa mo may mga bagay na tayong ginawa pero ----" Sabi ko sa lalaking sobrang tiim ng titig sa akin ng mga sandaling yon. Diko malaman kung paano idederetso ang sinasabi.
"You mean s*x?"
Namula ako ng todo sa kaprangkahan nya. Pero pikit- mata akong tumango. At least malinaw .
"Amnesia lang ang sakit mo, hindi ka imbalido. I'm your husband Yuna, at karapatan ko ang angkinin ka any time, but dont worry-- i understand, hindi kita mamadaliin." sabi nya saka bumuntong hininga. Nakahinga ako ng maluwag. Buti naman at mabait ang asawa ko. Asawa ko??? Shock! Saan galing yon?
"Pero yung halikan ka at yakapin, hindi pwedeng pati yon ay ipagbawal mo sa akin."
Napatingin akong bigla sa lalaki. Akala ko okey na..
Napatitig ang mata ko sa kanya ng hilahin nya ako ng marahan sa batok ko at unti-unting ilapit ang labi sa akin. Naduling ako sa paglapit nyang yon at nang halikan nya ako ay kusa ko nalang ipinikit ang aking mata.
Halik at yakap lang--- gaya ng usapan namin.
****