CHAPTER 7

2079 Words
'HIS WIFE' YUNA.... Sobrang laki talaga ng mansyon na yon na pagaari ni Paolo Villanueva, di ko manlang maalala na don ako nakatira, Ni sa panaginip ay di ko naisip ang tumira sa ganoong kaganda at kalaking bahay. Pati lamesa sa dinning area ay nakakamangha sa haba knowing na dalawa lang kaming magkasabay na kumakain ngayon. Ang mga naroong katulong ay mukang ka-close ko nung wala pa akong amnesia. Nahuhuli ko ang mga ngiti nila sa akin. Ginaganti ko din yon ng ngiti. Tahimik kami ni Paolo habang kumakain. Napapansin kong parang madalas ang pagkunot ng noo ng lalaki na tila may naiisip na ikinaiirita nito na diko maintindihan. Gusto kong makilala ang sinasabi nilang asawa ko. Gusto kong matandaan kung ano ba ang ugali nito? Mga hobbies nya at kung ano-ano pang maliliit na bagay about kay Paolo, baka kase pag nalaman ko yon ay mas madali ko syang maalala, ayoko naman na ma-stock sa ganong sitwasyon. Kaya ng magkaroon ako ng pagkakataon ay lihim akong nakipagkwentuhan sa mga maid don. "Ako si Lutchi maam, ang pinakamatagal na kasambahay dito, nasabi na samin ni Sir ang kondisyon nyo kaya naiintidihan namin kung di nyo kami maalala," sabi ng isang maid na mukang masayahin. "Pasensya na kayo, di ko kase tanda pati nga si Paolo eh, ahmmm.. Pwedeng magtanong?" Simula ko. Patingin-tingin ako sa likuran at baka nandoon na ang lalaki ng diko namamalayan. "S-sige po, ano po ba yun?" "Asawa ko ba talaga si Paolo? I mean sa tingin mo mahal ko yun nang pakasalan ko---haysss nakakahiya.. Curious lang ako" sabi ko. Alam kong ang weird non na pati sa katulong ay nagtatanong ako ng ganong bagay. "Maam di naman kayo magpapakasal kung hindi, sya nalang po tanungin nyo maam kase alam lahat ni Sir ng tungkol sayo" Napansin kong tila naiilang ang maid kaya naisip kong wag nalang sa kanila ako magtanong. Naglibot-libot ako sa paligid at ng lumabas ako ng bahay ay nakita ko ang ilang mga lalaki don na tila mga nakabantay sa palibot ng mansyon. Ano bang trabaho ng asawa ko? Bakit parang ang OA naman yata ng mga bantay don. Nakita kopa ang dalawa sa mga lalaki na syang kumidnap sa akin sa cavite. Isang gwapong lalaki ang lumapit sa akin mula sa mga yon. "Hi Maam, I'm Rennan, natatandaan nyo po ba ako?" Tanong nya sa akin. "Ha? Sorry pero sino kaba?" Ngumiti ang lalaki sa akin. Pero wala talaga akong maalalang kilala ko ito. "Personal bodyguard nyo ako, siya naman si Samson driver nyo" turo nya sa lalaking naroon sa may gate. Para namang bouncer sa club ang katawan nong Samson at may tattoo pa sa mga braso. Medyo nakakatakot ang hitsura nya. "Ahhh--" sabi ko nalang. "I hope na tanda mo si Vanessa--" Sa narinig ay napatingin ako sa mukha ng lalaki. Of course tanda ko ang bestie ko. Teka asan na ba ang babaeng yon. "Yes, she's my bestfriend, kilala mo rin sya?" Na-excite kong tanong. Tumango ang lalaki, magsasalita pa sana ito pero narinig ko si Paolo sa likuran ko. "Yuna--come here!" Aniya. Bakit parang ang talim ng tingin nito kay Rennan. Lumayo tuloy sa akin ang lalaki. Napilitan naman akong lumapit sa asawa. "B-bakit?" "Anong pinaguusapan nyo ni Rennan?" He asked habang seryosong-seryoso ang mukha. "Ah tungkol kay Vanessa, kilala pala nya ang bestie ko" nakangiti kong sagot. He sighed while looking intently to me. "Asawa sya ng kaibigan mo" Natigilan naman ako sa narinig. "Ha? A-asawa? Nagasawa na si Vanessa?" "Yes, at may anak na rin sila" Lalo akong natigilan. Sabay sulyap sa labas ng bahay kung nasaan si Rennan. Kumunot ng todo ang noo ko. May asawa na rin pala ang kaibigan ko pero di ko manlang alam, maraming nangyari sa loob ng apat na taon. And i suddenly feel frustrated. Para akong isang libro na limited lang ang nakasulat. . "I want to see her" sabi ko sa asawa. Saglit muna itong nagisip bago tumango. Ilang sandali nga ay nasa bahay na kami ng magasawang Rennan at Vanessa. Malaki din pala ang bahay ni Rennan. Agad kaming nagyakap ni Vanessa ng dumating ako doon kasama si Rennan at Paolo. "Hala kung makayakap ka naman bestie parang isang taon tayong di nagkita ah," aniya. Hinila ko sya sa silid nila para magkasarilinan kami. Nasa sala kase si Paolo kausap si Rennan at ayokong marinig nila ang paguusap namin. "Vanessa, wala akong natatandaan eh" sabi ko sa babae. Tulog ang anak nito sa kuna na naroon. Bumuntong hininga ito. "Sabi nga ni Rennan, Naawa tuloy ako sayo, pero wag kang magalala, temporary lang naman daw yan, kase bestie naaksidente ka noon, hayaan mo nandyan naman si Paolo, di ka non pababayaan, kaya wag kang matakot" sabi nya. "You dont understand. Hindi ko kase alam kung paano ko sya naging asawa, saka ikaw paano ka naging asawa ni rennan? Ang gulo-gulo ng utak ko" sabi ko sa kanya. "Ha? Sa dami ng makakalimutan mo, asawa mo pa? Bestie kung maaalala mo lang ang lahat baka kiligin ka," aniyang tuwang -tuwa. Tumaas ang kilay ko dito. Ano bang sinasabi nito, parang naninibago ako sa kaibigan. Naging maharot na ito. "Seryoso ako" mariin kong sabi. "Seryoso din ako no, si Rennan kase bodyguard mo, tapos ginamit mo ako para makatakas lagi sa kanya. Kaya ikaw talaga ang may kasalanan kung bakit nabuo si Johan." Hagikgik nito sabay sulyap sa anak. "Anong ibig mong sabihin? Binugaw kita?" "Oo, kase naman ang higpit ng mga bodyguard mo noon, kahit sa Laine's garden may bantay ka, lagi kaseng wala ang asawa mo, tapos bantay sarado ka sa kanila kaya yun, inuto mo ang asawa ko, pati ako nadamay. Nabuntis tuloy ako ng wala sa oras" tawa pa nito. Kinurot ko sya sa tiyan. "So talagang magasawa kayo, pero si Paolo, di ko alam kung bakit kami nagkatuluyan. Ang tanda ko kase--si Tristan ang gusto ko" napayuko ako sa huling sinabi. Sya naman ay nanlalaki ang matang sumilip sa labas ng silid saka bumalik sa akin.. "Ano kaba bestie, yan bunganga mo itikom mo at baka marinig ka ni Paolo, magselos pa yon," "Yun naman kase ang totoo bestie--" "Oo si Tristan nga ang gusto mo noon pero nang makilala mona ang uncle nya, ayun nagbago ang feelings mo, hay naku basta! Ang hirap ipaliwanag, pero maaalala mo rin sya. Mahal mo yun tao eh" Talaga ba? Napabuntong hininga nalang ako, lahat sila yon ang sinasabi. Nakalapag na lahat ng ebidensya na katibayan ng pagmamahal ko sa lalaki. Pero yun puso ko still wala paring maramdaman. Isang oras din kaming nagkwentuhan ni Vanessa about sa nakaraan ko na di maalala. Medyo naiintindihan kona ang lahat. Nalungkot lang ako ng sabihin nyang nasa ibang bansa pala si Tristan. "Ang alam ko Bestie sa canada na naka base si Tristan, aniya. "Ha? Bakit naman mas pinili nya don? Sayang di ko manlang nasabi ang feelings ko don sa tao" malungkot kong sabi. Napansin kong tila nagalangan ang kaibigan. "Hayaan mona yon, si Paolo na naman ang mahal mo, kaya kalimutan mo na kung ano man yang kay Tristan na yan, remember may asawa kana. Bawal ang lumandi sa iba, saka maayos naman syang nagpaalam sayo," aniya na ikinahinga ko n "Buti naman okey lang kami ni Tristan, sana bumalik na sya dito" sabi ko. "Yun lang, di ko masasagot yan, alam ba ng asawa mo na may work ka sa cavite? Baka di ka payagan non mag-resign ka nalang " aniya. "Ha? No way, ayoko bestie.. Kailangan ko ng pera no. Nahihiya akong humingi sa kanya" nakalabi kong sabi sa kaibigan. "W-what? Nagka-amnesia kalang nawala na ang kapal ng mukha mo, infairness ang bait mo pala" ngisi nya. "Ano ba, di ako nagbibiro. Malaki kaya ang sahod ko sa DMCC. At sosyal ng work ko don," pagmamalaki kopa. "Realy? Sabagay nakakamiss din amg work, naalala ko dati tayo sa A&A eh, pero kung need mo ng pera di mo naman kailangan pang humingi sa asawa mo, Hoy Bruha ka ang dami mong credit card. Lagi mo nga akong nililibre non. Wala kang ginawa kundi magshopping. At sinasama mo ako lagi," "Totoo? Nakita ko nga sa wallet ko yun mga card. Kaya lang diko alam ang password non." Nasabi ko nalang. "Yun lang, diko din tanda. Itanong mo sa asawa mo.hihihi" bungisngis pa nito. "Kainis ka naman, diko nga feel yung tao" sabi ko. "I-feel mo kase-- pag nag-s*x kayo i feel mo" "What?" Namula ako sa kabastusan ng bunganga nito. "Ano nagka-amnesia ka lang nawala na ang kabastusan mo? Hoy Yuna Laine mas bastos pa kaya ang bunganga mo sakin" "Dyan ako di maniniwala" tanggi ko sa sinasabi ng babae. "Di wag kang maniwala, sige magpa- virgin effect ka kay Paolo, tingnan ko lang kung mapanindigan mo yan, hoy pareho lang tayong malandi, mas lamang ka lang ng konte" Hinila ko tuloy ito sa buhok sa sobrang inis dito. Diko na to makausap ng matino. Pero nakaka-relax itong kausap. Sya pala ang namamahala ng Laine's garden na sabi nya ay business ko daw. Well, pati yon ay di ko alam kung paano ko nagawa. Ginabi kami paguwi sa bahay. Pero masaya ako kase nakakwentuhan ko ang kaibigan. Kahit papaano nabawasan ang hinala ko sa pagiging asawa ni Paolo Villanueva. Oo na sige na asawa na nya ako.. I need to act like a good wife. Hindi ko man ito kilala pa, umaasa akong isang araw ay babalik ang lahat sa utak ko. "P-paolo--may sasabihin nga pala ako sayo" sabi ko sa lalaki ng sumapit ang gabi. Nakahiga na sya sa kama noon pero tila nagpapa-antok ito sa binabasang aklat. "What is it?" "M-may trabaho kase ako sa cavite., kaka pirma ko lang kase ng kontrata, balak kong bumalik don," "What?" Medyo nagulat ako sa reaksyon nya. Ipinatong nito ang aklat sa table at kunot ang noong tumingin sa akin. "G-galit kaba?" Nagaalangang tanong ko dito. "No, pero hindi ka pwedeng magtrabaho kung saan lang, Yuna sa kalagayan mo mas mabuting dito ka lang sa bahay," "Eh gaya nga ng sabi mo, amnesia lang ang sakit ko hindi ako imbalido. Isa pa gaya ng sabi ko, naka pirma ako ng kontrata don, nakakahiya sa boss ko" sabi ko sa lalaki. "So? I can terminate that contract--" "No, maganda ang trabaho ko don, ayokong makulong sa bahay na to, isa pa 6 month contract lang naman yon, pagtapos non dina ako aalis dito, promised" pinky swear pa ako sa harap nya. Napapalatak si Paolo. Bigla nya akong inabot sa kamay kaya napasubsob ako sa kanya sa kama. Muntik na akong mapatili sa ginawa nya. Naka pajama na ako non. Buti may pajama ako akala ko puro nightys lang. Nakakailang kung ganon ang suot ko sa silid. "Yuna--sweetheart--- pasalamat ka may amnesia ka," sabi nya na diko maintindihan. Sinubukan kong kumawala sa braso nyang nakapulupot sa akin pero tila bakal yong nakapalibot sa akin. "P-paolo diba may usapan tayo? Diba bawal ang intimate---" "And i said kiss and touch not included--" Diko na napigilang mapatili ng bigla nya akong niyakap at itinaob sa kabilang side ng kama saka nya ako dinaganan. Naramdaman ko nalang ang labi nya sa aking labi nang halikan nya ako. Naipikit ko nalang ang mga mata. Sinasabi ko sa sarili na asawa ko ang lalaking nasa ibabaw ko. Kaya di ako dapat magalangan sa ginagawa nya. Pero nang maramdaman ko ang palad nya sa loob ng pajama top ko at dumama ang palad ni Paolo sa isa kong dibdib ay nanlamig ang pakiramdam ko. Nagsimula akong magpumiglas. "Sweetheart---" "Sabi mo halik at yakap lang, pero ang likot ng kamay mo" asik ko habang pulang- pula ang mukha.. "Okey--okey im sorry" sabi nya pero may inis sa tinig. Inirapan ko ang lalaki saka umayos ng higa. Nagkumot ako hanggang leeg para shield ko sa manyak na asawa. Nakita ko nalang na lumabas ito, isang oras din itong nawala at pagbalik ay tila galing ito sa pagligo batay sa basang buhok nito. Saan kaya ito galing? Baka naman nag swimming, nasilip ko kase kanina na may swimming pool sa bahay na yon. Nagtulog-tulugan ako ng maramdaman nahiga na sya sa tabi ko. I feel his kiss in my cheeks saka ako niyakap. Paolo im sorry.... Sana maalala ko na ang lahat sa atin,
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD