'NECKLACE'
PAOLO...
Naiirita man ako sa mga nangyayari ay wala akong magawa kundi intindihin ang sitwasyon. Pero ang hayaang magtrabaho ang Asawa na malayo sa paningin ko ay parang di ko yata mapapayagan, kaya lang kung ipapakita ko ang paghihigpit sa kanya baka sumama lalo ang sitwasyon.
Baka sa halip na maalala nya ako ay lalo lang akong mawala sa utak nya. Pasalamat nalang ako at mukhang iniintindi naman ni Yuna ang relasyong meron kami,
"Boss, andito na ang mga bagong tauhan, magagaling silang bantay " anunsyo ni Rennan, kasama nya ang limang lalaki na bagong recruit bilang magiging bodyguard ng asawa.
"Dalawa sa inyo ang lihim na magbabantay sa asawa ko sa cavite." sabi ko sa mga ito.
"Boss akala ko kami ni Wally?" Sabat ni Samson.
Bumuntong hininga ako.
"Yun hindi nya dapat kilala. Isa pa natatakot sya sa hitsura mo," i explained.
"Ha? Bakit naman?"
Di ko na sinagot si Samson, pumili nalang ako ng dalawang sa tingin ko ay mapapagkatiwalaan ko sa pagbabantay kay Yuna.
"Ten and Raffy. Ire-report nyo sa akin ang lahat ng gagawin ni Yuna sa lugar na yon, secretly.. Wag na wag nyong ipapaalam sa kanya na may nagbabantay sa kanya ha" i said.
Agad namang naunawaan ng dalawa ang nais kong ipagawa.
Natigil lang ang pagsasalita ko ng dumating sa bahay si Greg, My Personal Assistant . Kumunot ang Noo ko ng makita ang lalaki. Nasa bakasyon kase ako ngayon at sinabi kong ayoko muna ng abala.
"S-sir--"
"Greg, anong ipinunta mo dito?" Kunot ang noong tanong ko.
Sinenyasan ko ang mga lalaking bumalik na sa mga trabaho nila. Si Rennan at Samson ay naiwan don.
"May tumawag po kase sa akin, isa po yung pawnshop sa cavite at sinabi na may nagsasanla ng personal necklace ni Maam Yuna, also i brought some of papers na kailangan nyong pirmahan."
Kumunot ang noo ko sa narinig. Sa una nyang sinabi ako nagtaka. Isa lang ang alam kong kwintas na sinasabi nya. Yung white gold na may diamond pendant na pinasadya kopa noong magpunta ako sa italy bilang wedding anniversary gift kay Yuna. So bakit ito mapupunta sa sanlaan?
Napatingin tuloy ako sa itaas kung nasaan ang silid namin na kinaroroonan ng asawa..
Sweetheart anong kalokohan ang ginawa mo sa cavite?..
JOYCE..
Sinamahan ako ng kaibigan kong si Annie sa isang sikat na pawnshop para isanla ang kwintas ni Yuna. Kaya lang nagtaka ako ng sabihin ng may ari ng pawnshop na bumalik daw ako bukas. Kinuha nila ang kwintas at binigyan ako ng pera at yun nga ang sinabi.
"Ang weird naman non, san ba galing ang kwintas na yon Joyce?" Tanong ni Annie habang kumakain kami.
Napasimangot ako..
"Don sa bago naming ka-boardmate" balewalang sagot ko.
"H-ha? Eh bakit na sayo?"
"Ipinahiram nya sa akin, ibabalik ko rin naman, akala ko kase nawala yung wallet ko, naiwan ko pala sa kompanya." I answered.
"Oh eh bakit mo pa isinanla, nakuha mo na pala ang pera mo" taka nyang tanong.
"Gusto ko lang malaman ang value nyan. Ang weird kase ng babaeng yon"
Bigla kong naalala si Yuna, asan na ba ang babaeng yon, dina bumalik sa boarding house. Nagaalala na ang dalawa naming kasama sa pagkawala nya.
Malakas talaga ang hinala ko na may kakaiba sa babae. Bigla ko tuloy naalala ang screen lock wallpaper ng cp nya. Kilala ko kase ang lalaking naroon, kilalang-kilala.
"Annie, n-nakita ko sya-" pagkuway sabi ko sa kaibigan.
"Ha? Sino?" Takang tanong nito.
"S-si Sir Paolo---" sagot ko na ikinalaki ng mga mata ng kaibigan. Napainom ito ng tubig ng wala sa oras.
"Nakita mo sya? Kelan at paano? Ang sabi sa company nasa Japan yun, ewan ko lang kung umuwi na" aniya.
Empleyado parin kase ito ng Villanueva Builders while me-- resigned from that company years ago. Nung malaman kong ikinasal na sya. Pinili kong lumayo para mawala ang damdaming itinago ko sa mahabang panahon para sa big boss ng kompanya namin.
"Nakita ko sya sa cellphone ng bago naming kasama sa bahay, i knew it. Si Sir Paolo yun pero ang nakakapagtaka sabi ni Yuna model daw yun na idol nya. Kaya naka wallpaper" sabi ko.
"Baka naman kamukha lang, "
"Hindi, sya talaga yon, alam mo naman limang taon ko ding nakasama sa kompanya si Mr. Villanueva"
"At limang taon mo ring pinantasya" tukso nito sa akin. Nahihiya akong ngumiti sa babae.
"Ikaw talaga Annie, alam mong may asawa na yung tao, kung makatukso ka pa dyan, naka-move on na ako no!" Sabi ko nalang.
"Asus, wag ako Joyce, para naman akong others nyan.. Pero seriously speaking, paano naman mapupunta ang karawan ni Sir sa cellphone ng kaboardmate nyo? Una di yon mahilig magpa picture, pangalawa sa sungit non baka makasuhan pa yun kasamahan nyo sa pagnanakaw ng picture nya" she giggled. Natawa din tuloy ako.
Dati akong empleyado ng Villanueva Builders. Sa Human Resources din ako doon at tulad ng mga staff ng kompanya, isa ako sa nagpapantasya sa big boss doon na si Sir Paolo. Kaya lang suplado ang lalaki at napaka- istrikto nito. Wala itong pinansin na kahit sinong babae don. Kaya lalo ko syang nagustuhan hanggang sa ang simpleng paghangang yon ay mapalitan ng pagibig.
Lihim lang ang lahat, si Annie lang ang nakakaalam na baliw na baliw ako sa big boss namin kahit pa malayo ang department namin sa kanyang opisina at madalang itong lumabas doon ay diko pa rin maiwasang di ito pagpantasyahan.
Lihim akong nagayos ng sarili at pinilit sumabay sa ilang mayayamang empleyado don na umaasang isa sa kanila ang mapapansin ng pihikang binata.
Yun nga lang bigla nalang gumuho ang mundo ko ng sumabog ang balitang ikinasal na ito. Isang kasal na yumanig sa akin. Hindi ko napaghandaan , ni hindi ko nga alam na may girlfriend pala ito. Lahat kami ay shock dahil wala naman kaming alam na may babae si Sir.
Nung una inakala kong joke lang, na tsismis lang ang balitang yon, but after a weeks ay pumasok sa kompanya ang lalaki na may wedding ring na sa daliri nito. At lagi na itong nakangiti sa lahat. Nabawasan ang pagiging masungit nito na lalong ikinasama ng loob ko. Sobrang mahal ko pa naman si Sir Paolo pero di manlang nya nalaman.
So i need to move on, hindi ko na kase kayang makita ang lalaki, lalo na ang asawa nito. Kaya nag-resigned ako at napunta sa cavite. Hanggang mapasok ako sa bagong lipat na kompanya, ang DMCC. After 3 years masasabi kong nakalimutan kona ang unang pagibig. Yun ang akala ko.
"Annie, musta na nga pala sa Villanueva's? Yun mga kaibigan natin don?" I asked curiously pero ang totoo ay gusto ko lang makakalap ng impormasyon about Mr. Villanueva.
"Ayun palaki ng palaki ang demand sa kompanya, nagtaas na naman ng sahod, sayang ka talaga, nasa maganda ka ng kompanya lumipat kapa dito?" Aniyang may panghihinayang sa tinig.
"Okey lang din naman sa DMCC, malaki din ang sweldo, gwapo din ng mga boss" ngiti kopa.
"Mas gwapo si Sir sa mga yun" natawa ako sa kaibigan. Nagkataon kasing taga Cavite ang napangasawa nito kaya nagkita kami nitong nakaraang buwan.
"S-sino palang pumalit sa akin?" Curious na tanong ko.
"Ay yun nga pala ang sasabihin ko, Kaibigan daw ni Mrs. Villanueva ang pumalit sayo, special request ng asawa ni Sir."
Natigilan ako sa sinabi ng babae. Nalungkot ako ng konti, miss ko na rin ang dating kompanya pero wala eh.. Di kinaya ng puso ko.
"N-nakita mo naba ang asawa ni Sir?" I asked hesitantly.
"Hindi pa, alam mong ang layo ng department namin, saka twice lang yata yun pumunta sa kompanya, noon daw may event eh kasama ni Mr. Villanueva yun, di lang ako naka-attend kase kasal ko yun eh. Maganda daw pero mas maganda ka sabi nila"
Napangiti ako ng tipid kay Annie. Aanhin ko ang gandang ito kung di naman ako ang pansin manlang non ng lalaki. I remember one time na nagkaroon ng beauty pageant ang kompanya sa summer outing namin. Napili akong lumaban non ng department namin. Isa sa mga Judges si Sir Paolo, sobrang ginalingan ko noon para mapansin nya ako. Halos maghubad na nga ako sa harap ng judges with my two piece swim suit. But he didn't even gave me a second glance.
Hula ko pa nga ay di nya ako kilala sa dami ng empleyado ng Villanueva's. Ano nga bang laban ko sa mga babaeng may gusto sa kanya? Mayaman at magaganda din ang mga yon pero ako ay mahirap lang at ang dami pang pakaining mga kapatid. Pero dahil baliw ako ay nangarap parin ako na balang araw mapapansin nya ako. Na hindi nangyari.
Kinabukasan, back to manila na si Annie kaya magisa nalang akong bumalik ng pawnshop. Nagpaalam naman ako sa pinapasukan na magha-half day nalang .
Nagtaka pa ako ng sa opisina nila ako dalhin. Nakita ko ang dalawang lalaki na nakaupo sa isang table. At ng tumingin sa akin ang isa ay ganon nalang ang pagkabog ng dibdib ko ng makilala si Paolo Villanueva. My first ever love na una ko ring heart break.
Anong ginagawa niya sa cavite? At bakit sya naroon?
"Miss maupo ka, wag kang matakot, may itatanong lang si Sir sayo" sabi ng kasama nyang namumukhaan ko.
Ang kanyang P.A. i just know dahil halos lahat ng tungkol kay Paolo noon ay inaalam ko.. Nakadama ako ng sobrang kabog ng dibdib nang maupo sa tapat ng upuan ng lalaking lihim kong itinangi noon.
Sobrang gwapo pa rin nya, mas nadagdagan ng appeal. At ang sutil kong puso ay di mapigil sa pagtibok ng malakas.
"What's your name?" He asked me.
"Joyce, Joyce Sandoval" pakilala ko sa sarili medyo bigo, tinitigan ko sa mata si Sir Paolo hoping na baka maalala nya ako pero wala manlang akong nabakas na rekognisyon sa mga mata nya.
Kinagalitan ko ang sarili. Assumera kase ako. Bakit naman nya ako matatandaan? I'm just his ex-employee.
"Paano to napunta sayo?"
Napatingin ako sa kwintas na hawak nya. Yun ang isinanla ko kahapon ah, yung kwintas ni Yuna.
"H-ho?" Hindi ako agad nakapagsalita.
Nanlamig ang pakiramdam ko ng makita ang madilim na tingin sa akin ni Paolo Villanueva. Ang kasama nyang lalaki ang nagpatuloy sa pagsasalita.
"Ms. Sandoval, gustong malaman ng amo ko kung paano napunta sa iyo ang diamond necklace ng asawa nya? Nagiisa lang yan design na yan sa buong mundo at di biro ang halaga nyan, kaya gusto naming malaman ang totoo, "
Asawa?
"S-sa asawa nyo po ang kwintas na yan?" Kinakabahang tanong ko. May hinalang nadama sa dibdib pero pinalis ko yon. Imposible...
"Yes, may sakit ang asawa ko so i need to know the details about this necklace" seryosong sabi ni Paolo.
Inalis ko ang bara sa dibdib bago sumagot.
"Ipinahiram po sa akin yan ni Yuna, kaboardmate ko, kailangan ko kase ng pera last time, at nag-offer sya ng tulong sa pamamagitan nyang kwintas, im sorry po, hindi ko kase alam na sobrang mahal nyan" paliwanag ko habang titig na titig sa lalaki.
Hinimas ng kamay nya ang sintido na tila sumakit yong bigla.
"Okey, yun lang ang kailangan kong malaman, please don't tell my wife about this, ako na ang bahalang magpaliwanag sa kanya"
Napaangat ang tingin ko ng bigla na silang tumayo.
"W-wait, sino pong asawa nyo?" Kabadong tanong ko. Pero hindi na ako sinagot ni Paolo, diretso itong lumabas ng opisina. Naiwan ang assistant nya.
"Yun nagbigay sayo ng kwintas, yun ang asawa ni Sir, Si Maam Yuna Laine Villanueva"
Yuna Laine Villanueva?
Para akong matutumba ng maiwan doon. Si Yuna? Ang babaeng una palang ang kinainisan kona, yung parang walang alam sa mundo na babaeng yon? Asawa ni Sir Paolo? Naipikit ko ng mariin ang mga mata. Pero bakit sabi ni Yuna --- anong trip non?
YUNA...
Sinabi ng maid na si Lutchi na may pinuntahan lang daw si Paolo, kaya inabala ko nalang ang sarili sa pagkutingting ng cellphone ko habang nakaupo sa gitna ng malawak na kama. Nakakatuwa naman ang advance ng cp na yon.
Nakita ko rin ang mga saved number don at isa-isa kong tinawagan ang mga kakilala, si Lovely ay nasa batangas na pala ang work , si Arvin naman ay resigned na pala at nasa cagayan. Nagtaka tuloy ang mga ito kung bakit daw parang wala akong alam sa nangyari, diko nalang sinabi sa kanila ang lagay ko.
Pagkatapos makipagtawagan ay photos naman ang tiningnan ko. Puro kami ni Paolo, ibat-ibang lugar pero mga pilit looks lang ang asawa. May ibang picture na napapangiti ako dahil nakasimangot si Paolo sa ilang kuha. Inisip ko pa kung masungit ang napangasawa ko?
Sa pag scroll ko ng photo gallery ay may nakita ako don na mga stolen shot ni paolo na nakahubad at swimming trunk lang ang suot. tila nasa beach kaming dalawa. Nanlalaki ang mga matang tiningnan ko ang machong katawan ni Paolo. Para itong model talaga. Papasang model ng bench. Ganda ng katawan. Sexy tapos ma abs. At ang balahibo may karug---
Diko mapaniwalaang izinoom ng daliri ko ang larawan nyang yon. Namula ako ng ma-realize ang ginawa. Ang harot ko rin eh. Napangiti ako sa naisip. Asawa ko naman to kaya okey lang na titigan ko ang-----
"Bakit sa cellphone mo pa tinitingnan yan? Pwede namang sa personal"
"Ay machong kalabaw----!"
Nabitawan ko ang cellphone sa kama at gulat na napatingin sa asawang nasa katabi ko na pala.
****