'TURN ON'
YUNA....
Alam kong pulang-pula ang mukha ko ng tumingin sa asawa na naroon na pala sa loob ng silid at nakahalukipkip na nakatingin sa akin. Pagkuway dumako ang tingin nya sa cellphone na nabitawan ko sa ibabaw ng kama.
Mabilis kong inabot yon pero naunahan ako ni Paolo. Ganon na lamang ang pagkapahiya ko ng tingnan nya ang larawan nyang tinititigan ko don na naka-zoom pa talaga. Nakakainis.. Nakakahiya din at baka kung anong isipin nito.
"Kinakabisa ko lang ang cp ko, diko kase tanda kung paano gamitin" depensive kong sabi. Itinago ko ang nararamdamang kahihiyan.
Bakit ko ba kase naisip ang kalandiang yon? Pero mamatay na ang aamin ng totoo. Hmmmp..
"Kala ko pati katawan ko gusto mong matandaan eh, i can help you do that. All you have to do is Ask." Aniya na ikina-nganga ko.
Di nalang ako nagsalita pa, humalik sya sa pisngi ko bago pumasok sa wardrobe nya. Pagbalik nya ay naka tshirt at short na itong pangbahay. Nagtaka pa ako ng may iabot sya saking box. Kumunot ang noo ko pagkakita sa kwintas. Yun ang binigay ko kay Joyce ah? Paano napunta sa asawa yon?
"P-paano---s-saan mo ito nakuha?." Nagtatakang tanong ko.
"Sa pawnshop sa cavite, bakit kung kani-kanino mo ito ibinigay? Alam mo ba kung magkano ito? "
Napakagat ako ng labi. Malay ko ba kung magkano ang kwintas na yon.
"D-di ko kase alam, isa pa ipinahiram ko lang yan sa kaibigan ko kase kailangan nya ng pera," paliwanag ko.
Bumuntong hininga sya.
"It's your most favorite Necklace kaya lagi mo yang suot. Anyway nabawi kona naman kaya okey na. Ngayong alam mona ang kalagayan mo, bago ka kumilos ay mabuting sabihin mo muna sa akin" he said.
Tumango na lang ako bilang pagsangayon. Maya-maya ay may naalala ako.
"Kelan pala ako pwedeng bumalik ng cavite? Diba pumayag kana?" Nakangiti kong tanong .
Kaya lang nawala ang ngiting yon ng makita ko ang pagkunot ng noo ni Paolo. Pero ilang saglit lang yon. Tumango lang ito sa akin kaya nasiyahan ako. Mabait naman pala ang napangasawa ko kahit lagi itong mukang masungit.
"Next week you may report in your work, pero dapat sabado at linggo ay narito ka sa bahay,"
"Ha? Linggo lang ang restday don eh---" namroblema kong saad.
"That's my condition Yuna. Kung di mo yon magagawa ay tumigil kana lang dito. Hindi mo naman kase kailangang magtrabaho,"
"Hindi ah, gusto ko yon,. Isa pa maiinip lang ako dito, wala naman tayong anak kaya ang tahimik sa bahay---" napatigil ako sa pagsasalita ng makita ang ngisi sa kanyang labi.
Kinagalitan ko na naman ang sarili sa walang prenong bibig.
"Kung anak ang gusto mo ay pwede na tayong gumawa kahit ngayon.. Since okey naman na ang health mo---"
"Kalimutan mo na nga ang narinig mo, bad trip ka" pigil ko sa lalaki nang ilapat ko ang hintuturo sa labi nya para di sya makatuloy sa pagsasalita.
Isa na namang maling kilos ko dahil bigla nalang nyang hinalikan ang daliri ko. Napaatras ako sa ginawa nya.
"S-sweetheart-- hindi mo ba talaga ako naaalala kahit konti?" Tila bigong tanong nya.
Ako naman ang humugot ng buntong hininga. Saka umiling.
"H-hindi kita kilala, pero kikilalanin kita, pipilitin kong maalala ka," i replied.
Tumango naman ito kahit parang napipilitan lang. Then he pulled me in his arms at hinayaan ko lang sya na yakapin ako.
Nang sumapit ang gabi, bago matulog ay nakita kong lumabas na naman ito sa silid kaya sinundan ko si Paolo. At tama ako ng hinala, sa swimming pool ko sya natagpuan. Pabalik-balik syang lumangoy don.
Natulala na naman ako dahil mula sa liwanag ng ilaw sa poste ng lugar ay kitang- kita ko ang macho nyang katawan na kanina lang ay sa cp ko pinagmamasdan. Wala sa loob na nagtago ako sa makapal na halaman doon at lihim syang pinanood sa mahusay nitong paglangoy.
Hala sya... Bakit masyado naman yatang perpekto ang lalaki. Gwapo na sexy pa. At kahit may amnesia ako, hindi ibig sabihin non ay diko na alam ang salitang turn on--- yes! Nate-turn on ako sa nakikita ko. At siguro kaya ko sya naging asawa dahil inakit nya ako. Ako na marupok ay nagpaakit naman. Hayysss..
Nataranta ako ng tumigil si Paolo sa paglangoy at mapasulyap sa gawi ko. Napatakbo ako ng mabilis pataas ng bahay.
PAOLO...
Napailing ako habang natatawa ng makitang nagtatakbo paalis don ang asawa. Tatakbo pa eh una palang kita ko na syang nanonood sa akin sa pool. Tskk..
Then i sighed. Naiirita ako dahil kailangan ko pang mag swimming twing gabi para mawala ang init na pinipigilan ko sa asawa. I'm with my wife pero di ko naman maangkin. Halos isang buwan kaming di nagkita at ang inaasahan kong love making namin ay naglahong parang bula. I can't push her to that. Kailangan maging mabait ako sa harap nya. Kung ipipilit ko ang sarili ay baka matakot si Yuna at tuluyang lumayo ang loob sa akin.
Yun nga lang, kasama pa ang s*x sa kondisyon nya. Tssskkk.. Nang mahimasmasan ay umahon narin ako at nagbihis ng robang dala saka umakyat sa silid namin.
I saw my wife na nakabalot ng kumot na parang lumpiang tuwid na tuwid. Tskk halata namang gising pa ito. Nagshower ako ng konting oras bago nagpatuyo ng buhok.. Saka tumabi ng higa sa asawa.
"Yuna--tulog kana ba?" Tanong ko sa babaeng nakatalukbong.
"O-oo--"
Natawa ako ng mapakla. Saka bigla kong inalis ang kumot sa mukha nya. Bigla itong pumikit ng mariin at nagpanggap ngang tulog.
I pulled her closer at iniunan ko sa kanya ang braso ko. Saka iniyakap sa bewang nya ang isa.
"Goodnight then!" Bulong ko sa tapat ng tenga nya saka ito hinalikan ng marahan sa labi.
Alam kong makakaalala din ito, maaalala nya ang lahat ng tungkol sa amin at kung nasaan ako sa puso nya. I will do my best to win her heart over again.
DAVID...
Isang linggo na ang nakakaraan buhat ng ihatid ko si Yuna sa tapat ng boarding house nya pero hanggang ngayon ay di pa rin ito pumapasok ng kompanya. At ang nakakapagtaka ay kung bakit apektado ako don? She's just my employee at kung tutuusin ay AWOL na sya dapat sa mga oras na ito. Tinawagan ni Sonia ang contact number ni Yuna pero nalaman namin na sa kaboardmate pala nya yon. Wala ba syang sariling contact number? Pati mga requirements nito ay wala din kahit isa. Ang weird talaga ng babaeng yon.
"Miss mo na yata eh, bakit di mo pa puntahan?"
Tumalim ang tingin ko kay Kurt na nasa opisina ko ng oras na yon.
"Pwede ba Kurt wag kang gumawa ng kwento" inis kong sabi.
"Oh talaga ba, David ilang taon na tayong magkasama at ngayon ka lang naging ganyan sa empleyado mo--aminin mona kase na tinamaan ka don una palang, may kape kapang nalalaman.."
Naiiritang itinutok ko nalang sa mga papeles ang tingin.
"Leave, busy ako at ayoko ng kausap" sabi kong di sumusulyap sa kanya.
"Okey, nga pala, warning for AWOL na ang Yuna mo sa HR. Kapag di parin sya pumasok bukas ay baka terminate na ang kakalabasan nya." Sabi ng kaibigan na ikinatigilan ko.
"What? AWOL?" kunot noong reaksyon ko.
"Yup, pero kung haharangin mo naman ay pwedeng -pwede diba?" Kumindat pa talaga ang lalaki bago lumabas ng opisina ko.
Naiwan akong tulig sa silid na yon. Hindi pwedeng ma-terminate si Yuna. Wala akong tagatimpla ng kape. Yun ang sinabi ko sa sarili habang dina-dial ang numero ng Human resources department.
YUNA....
Araw ng sabado, bigla nalang may dumating na mga dalaga at binata sa bahay na ikinagulat ko dahil mga pamangkin daw yun ni Paolo.
Pati ang mga ito ay diko makilala, pero may pamilyar sa akin, yun ay si Mona na kapatid daw ni Tristan.
"Ate Yuna akala namin nagbibiro lang si Uncle nung sabihin nyang may sakit ka, totoo pala" sabi ni Mona. May hawig ito kay Tristan.
Naroon kami sa pool side at doon tumambay. Kasama sila Harry, Xander, Margarette, Jade, Cassey at Mona. Tatangkad ng mga ito, mas matangkad pa sa akin. Siguro malapit talaga sila sa akin kase magaan agad ang loob ko sa kanila.
"Paano na ngayon yan may amnesia pala si Ate Yuna, dina tayo makakapunta sa Eco Bar" sabi ni Jade.
"Eco bar? Saan naman yon?" Tanong ko.
Luminga- linga pa sila sa paligid ng bahay bago nagsalita ng pabulong.
"Andito ba si Uncle?" Si Harry.
"W-wala, dumaan sa trabaho nya" sagot ko na ikinahinga nila ng maluwag. Nagtaka tuloy ako, bakit parang takot sila sa uncle nila?.
"Alam mo kase ate Yuna, lagi tayong napunta sa Eco bar. Pagaari yon nila Uncle at kuya Brix. Ang saya kaya don" sabi naman ni Jade.
Bar? Oo masaya talaga sa ganon. Pero di ko maalala na nakasama kona ang mga batang ito doon.
"Diba may Age limit don?"
"Yup pero adult na kami ate. Isa pa si Uncle naman ang boss don, kasama kapa namin. Hay nakaka- miss tuloy, andito na si uncle dina naman tayo malaya" ani Jade. Natawa tuloy ako.
"Hayaan nyo sa sweldo ko ililibre ko kayo don" promise ko nalang na ikinasiya ng mga ito.
Pagkaalis nila ay syang dating naman ni Paolo. Naka office suit ito ng lumapit sa akin at hinalikan nya ako sa pisngi. Saka nya sinabing sumunod ako sa silid.
Pagpasok don ay may iniabot sya saking kahon at ng buksan ko yon ay nakita ko ang isang napaka gandang sapatos na kulay pula.
"Wow.. Ang ganda!" Bulalas ko dahil talaga namang type ko yun. Excitted na tuloy akong pumasok sa DMCC. Isusuot ko ito.
"Binili ko yan sa japan para sayo, ngayon ko lang naalalang ibigay" sabi ng asawa.
Natuwa naman ako sa narinig. Kaya wala sa loob na nayakap ko ang braso nya.
"Thank you Paolo" ngiti ko sa kanya bago natigilan.
Hala ano ba yan? Nabigyan lang ako ng regalo lumandi na ako agad. Pasimple kong inalis ang yakap sa braso nya. Pero hinapit nya ako sa bewang.
"Hindi ako natanggap ng thank you lang" nakangising bulong nya.
"H-ha? A-ano pala?"
"Pwede na ang isang oras na kiss"
Ano daw? Baliw ba to? Isang oras na halik? Gusto ba nyang mamaga ang labi ko. Of course labi ko lang ang mamamaga kase di ko naman gagantihan ang kiss nya no?
Pero sabi ko lang pala yon. Kase namalayan ko nalang na nasa couch na kaming dalawa at inaangkin ang labi ng isat-isa. Nakaupo ako sa kanyang kandungan habang ginaganti ang mapupusok nyang halik.
I moan between his lips. Magaling ito sa larangang yon pero ang diko alam ay kung paano ako natutong humalik nang ganoong paraan. I almost bit his tounge in so much aroused. Hindi ko makilala ang sarili ko sa bisig ng lalaking asawa ko daw.
But when i'm so ready for him, he stop his kiss at humihingal na binuhat ako at ibinalibag sa kama. Nagtaka pa ako ng mabilis itong lumabas dala ang roba nya.
What? Ano yun?
Kinabukasan ay tahimik lang ako sa agahan. Medyo naiilang ako dahil sa nangyari sa amin kagabi. Di ko malaman kung paano titingin sa kanya lalo na at nakikita kong bahagyang swollen ang lips nya. Gawa ko ba yon?
Nainis ako sa sarili ko. Ang landi ko pala. Sa kabila ng magulo kong utak ay nagawa ko parin syang gantihan sa halik nya. Kakainis talaga. Pero tahimik din sya, pansin ko.. Masyado itong seryoso ngayon kaya lalo akong nailang.
Nang matapos kumain ay nagpaalam itong may tatapusin daw na trabaho sa study room nya sa taas. Naisip ko nalang na maggayak ng gamit ko. Mamaya babalik na ako sa cavite. At sinabi nya na ihahatid daw nya ako. Kaya pumunta ako sa silid at naghanap ng pwede kong dalhin sa boarding house.
Inuna ko ang mga damit. Since marami naman yun pumili lang ako ng mga kailangan. Tulad ng pantulog, house clothes, at yun papasa sa DMCC. Nakadama ako ng excitement. Noon kase sa A&A simpleng pants at poloshirt lang ang uniform pero sa DMCC mganda. Maiisuot ko ang gusto kong damit basta pormal.
Nang maigayak na ang damit ay sa sapatos naman ako namili. Yun red shoes na bigay nya kahapon off course kasama yun. Nalulula parin ako sa karangyaan ng mga gamit don. Di ko pa talaga mapaniwalaan na akin lahat yon. Para akong nasa isang panaginip.
Parehong may takong ang pinili kong pang office dahil maliit ako. Isa pa required yun sa kompanya. Nagdala din ako ng rubber shoes at isang flat shoes. Dalawang bag ang pinili ko na gagamitin sa trabaho. Isang hand bag at isang may strap. Isinukat ko pa yun sa harap ng salamin sa wardrobe. Naks lakas maka-donya. Pero bigla akong natigilan.
Hindi naman pwedeng magmukha akong mayaman sa harap ng lahat. Kaya pinalitan ko ng simpleng bag ang dalawa. Simple pero halatang mamahalin parin. Wala naman kaseng class A don puro orig ang naroon. Tiningnan ko ang sarili sa salamin. Yes im 28 years old, wala na ang kulot kong buhok, straight na yon at sobrang bagsak. I want to be a Yuna Laine Quinto again like before. So naghanap ako ng pang-curl sa loob ng dresser ko. Tiyak meron non.
*****