CHAPTER 10

2162 Words
'AWAY FROM HIM' YUNA.... Sad pero wala manlang pang curl sa loob ng drawer ko. Kung magpa-salon naman ako ay matagal yon at wala nang oras. Next week nalang paguwi ko. Dinala ko sa labas ang mga iginayak na gamit. Saka ko kinuha ang wallet sa bag na dati kong dala sa cavite. Binilang ko ang pera ko don. 18k nalang. Hala nung una ko tong bilangin 43k pa. Bakit ang bilis ko naman yata sa pera? Aabot pa kaya yun sa loob ng isang buwan? Sabagay malaki ang 18k kaya lang ang mahal kaya ng mga bilihin ngayon. Hmmpp.. Pero kaya yan. Di naman ako magastos. Nang pumasok sa silid si Paolo ay nakita nya ang mga nakahanda kong gamit, nagsalubong na naman ang kilay nito. "Parang don kana titira sa dami ng dala mo ah?" Puna nito na bahagyang nakasimangot. "Ha? Kase wala akong gamit don, kaya iginayak ko na lahat ng kailangan ko" sagot ko dito. "Ano bang trabaho mo don? Baka naman masyado kang magpagod sa kompanya na yon Yuna?" Nakapamaywang nyang tanong. "H-hindi ah, assisstant ako don, assistant to the PA. At encoding lang halos ang gawa ko don" mabilis kong paliwanag. Saka tagatimpla ng kape ni Boss. Pero di kona idinagdag pa yon. Malalim itong bumuntong hininga saka hinawakan ang dalawa kong kamay. "Sweetheart you dont have to work on that company. You belong here, with me.." Sabi nya saka sya naupo sa kama at hinila ako para mapaupo sa kandungan nya. "T-tapusin ko lang ang kontrata ko don, then i'll stay here----with you!" I promised to him. Siguro naman sa 6 month na yun maalala kona si Paolo. "Sabi ko naman sayo, kaya kong gawan yan ng paraan,---" "P-paolo, gusto ko kase yon. Gusto kong mag work don, alam ko mayaman ka, pero iba naman yon sa gusto ko," Hayss diko maipaliwanag ng ayos kay Paolo. May something sa akin na diko maintindihan. I have an amnesia. I dont know him. Hindi ako handa sa mga pagbabago sa buhay ko. May bagay akong gustong hanapin sa sarili ko cause i feel empty. Sa totoo lang di ko akalain na sa loob ng apat na taon ay nasa bahay lang ako ni Paolo Villanueva. Isipin ko palang na nakakulong ako sa mansyon na yon ay nahihirapan na akong huminga. So its better na lumayo kahit konti sa asawa. To breathe... Kapag malayo ako sa kanya, don ako makakapagisip ng ayos. Isipin ang mga bagay-bagay. Nakakalungkot lang na mahal ko daw sya pero wala naman akong ibang madama sa dibdib ko para sa kanya. Sa isip ko ay may isang mukhang pinipilit kong alisin. May asawa na ako at di tamang alalahanin parin ang taong yon pero lagi ko syang naiisip. May mga tanong ako na sya lang ang makakasagot. Pero paano ko sya makikita? Paano ko mapapauwi sa bansa si Tristan Villanueva? Nang makarating kami ng cavite kasama si Samson at isa pang kotse na kinalululanan ng mga bodyguard. Isa pa yon sa ikinasasakal ko. Bakit kailangan may bodyguard? Pero di nalang ako nag protesta kanina bago kami umalis. Dala ng dalawa nyang tao ang mga gamit ko paakyat ng boarding house na yon. Naroon ang tatlo kong kaboardmate sa bahay ng dumating ako. Linggo kase yon at tiyak na walang pasok. Niyakap ako nila kira at Elona. "Yuna saan kaba galing? Bakit bigla kang nawala?" Tanong ni Kira. "Oo nga gusto ka na naming i-report sa barangay buti walang nangyari sayong masama?" Si Joyce ay nakita kong natitigilan habang nakatingin sa tapat ng pinto ng apartment na yon. Napalingon ako at naalalang kasama ko nga pala si Paolo saka yung mga tauhan nya na dala ang mga gamit ko. Maging sila Kira at Elona ay nanlaki ang mga mata ng makita ang asawa ko. "Oh M-G.. Yuna sabi mo model yan? Bakit kasama mo?" Patiling Bulong ni Kira sakin matapos akong kaladkarin sa may pinto ng silid naming apat. "H-ha? Eh kase ---joke ko lang yon, ang totoo asawa ko sya." Sabi ko nalang . Dina nila kailangang malaman ang kondisyon ko. Lalong nanlaki ang mga mata ng dalawa sa narinig. Nang tingnan ko si Joyce ay diko mabasa ang ekspresyon ng mukha nya habang patingin-tingin sa asawa ko na basta nalang pumasok sa loob ng sala ng bahay na parang sya ang may ari non. Nahiya tuloy ako sa mga kasama. Pasimple kong kinurot ang braso ni Paolo. Pero kinunutan lang nya ako ng kilay sa ginawa ko. Ipinakilala ko nalang ito sa mga kasama. Makahulugan ang mga tingin sa akin ng dalawa. May pagturo pa si kira kay Paolo. Nailang tuloy ako. "Sweetheart masyadong maliit ang bahay na to para sayo. At marami kapang kasama. Di ka makakakilos ng ayos dito." Napanganga ako sa sinabi ni Paolo. Sarap lamasin ng bunganga nito. Nagpapasensyang tingin nalang ang ibinigay ko sa mga kasama sa bahay lalo na kay Joyce. Masungit pa naman ang babae sa akin, baka kung anong masabi nya . "Pwede hinaan mo kung pangit ang sasabihin mo? Maganda naman dito at safe pa" bulong ko sa lalaki. "P-pero---" Itinaas ko ang kamay sa tapat ng mukha nya para matigil sya sa pagsasalita. Pero matindi pala ang napangasawa ko. Dumeretso parin kahit pinipigilan kona. "Maliit ang bahay na to, ihahanap kita ng lilipatan mo dito, yung makakakilos ka ng ayos." Nakadama ako ng pagkairita sa asawa pero itinago ko nalang. Unti-unti akong nasasakal sa lalaki. Buti nalang malalayo ako sa kanya kahit paano. "Maam san namin ilalagay tong gamit nyo?" Tanong ng isang tauhan na nasa labas parin ng pinto. Inalis ko ang atensyon kay Paolo at iginiya sa loob ang lalaki. Ilang minuto na doon ang asawa at ang gusto ko sana ay umalis na sya para makapagayos na ako ng gamit ko. Pero mukang wala pa itong balak umalis. Nakaupo ito sa plactic na bangko habang nakahalukipkip na pinapasadahan ng tingin ang loob ng bahay. Pati tuloy mga kasama ko ay nailang na rin yata dito. "Paolo di kapa ba aalis?" Tanong ko ng dina makatiis. Bumuntong hininga ito saka tila napipilitang tumayo. Tumayo din ako para maihatid sya sa labasan. Nagpaalam naman sya sa mga kasama ko don. Paglabas namin ng apartment ay napansin ko ang ilang tenant na nakasilip sa mga bintana nila at yun iba ay lumabas pa talaga sa pinto. Mga nakatingin kay Paolo. Ang gwapo naman kase talaga ng asawa ko. Angat ang kagwapuhan nito at di halatang 33 years old na sya. "Yuna alalahanin mo ang mga bilin ko sayo, uuwi ka every weekend kung ayaw mong sunduin kita dito at dina pabalikin." Aniya bago sumakay sa loob ng kotse. "Yes boss" sagot ko nalang. "And dont forget your medicine, kapag nagka problema ka tawagan mo agad ako" dagdag pa. "Oo na, sige na umalis kana---" natigilan ako sa sinasabi ng makitang napasimangot sya"Baka kase gabihin ka sa daan pauwi. Kaya umalis kana" bawi ko nalang. Matiim muna nya akong tinitigan bago sumakay sa likod ng sasakyan. Aalis na sana ako ng tawagin nyang muli. Naitirik ko nalang ang mga mata sa pagpipigil ng inis. Yumuko ako sa loob ng kotse. "M-may nakalimutan kapa??-----" Nagulat ako ng kabigin nya at halikan ng mariin sa labi. Tumagal din yon ng ilang segundo bago nya pinakawalan ang labi ko. "Take care Sweetheart." Bulong nya sa tenga ko. Nang makaalis ang dalawang sasakyan ay nakatingin parin ako sa daan at natitigilang dinadama ang labing hinalikan ng asawa. Bakit parang nasasanay ako sa halik nya? Nang makabalik ako sa apartment ay sinalubong ako ng mga tanong nila kira at Elona. "Oh my gosh Yuna asawa mo ba talaga yun? Bakit ang gwapo?" Si Kira. "O-oo asawa ko yon." Sagot ko nalang. "Eh bakit sabi mo hindi mo kilala? Pati nga password mo dimo alam diba?" Tanong ni Elona.. Mabilis akong nagisip ng idadahilan. "Kase magkaaway kami non kaya talagang di ko binuksan yun phone ko para di nya ako makontak. Pasensya na kayo kung nagsinungaling ako" sabi ko sa kanila. Si Joyce ay matiim ang titig sa akin. "Naku okey lang yun, kinilig ako sa asawa mo ha, ang pogi kahit mukang masungit" si Kira ulit. "Unfair talaga ang mundo, pareho lang naman tayong maganda pero may pogi kang asawa kami wala" biro pa ni Elona na ikinabungisngis namin ni Kira. "Mayaman pa, may pa bodyguard kapa Yuna ha?" "Naku hindi, wala akong bodyguard. Sya lang yun." Sabi kong mabilis. "Bakit kapa magwo-work eh muka namang sobrang yaman ng asawa mo?" Biglang sabat ni Joyce. May talim sa tinig nito na ikinataka ko. Diba close na kami nung umalis ako don? Bakit mukang balik na naman sya sa cold treatment nya sakin? "Tatapusin ko lang ang 6 month contract ko sa DMCC. Tapos dina ako magwork. Yun kase ang usapan namin" sagot ko na pansin kong ikinasimangot nya ng lihim. Tinulungan ako nila Kira at Elona na magayos ng mga gamit ko sa cabinet don. "Naks Yuna ang gaganda ng gamit mo, sana all talaga" komento pa ni Kira. Natatawa ako sa babae. Si Elona ay ngingiti-ngiti lang. PAOLO.. Salubong ang kilay at wala na namang tigil ang kamay ko kaka tuktok sa aking hita. Mannerism ko na yata yon pag nagiisip. Sunod- sunod din ang aking buntong hininga. Hindi talaga ako pabor sa pagtatrabaho ni Yuna sa cavite. Oo nga at di naman delikado ang kaso nya pero para sa akin ay mas mabuting nasa bahay lang sya. Kaya lang ay desidido ang asawa na ituloy ang trabaho nya don kaya wala akong magawa. Kung wala lang sana syang amnesia at kung naaalala lang sana nya ako baka naiikulong ko pa sya sa bahay namin. Sa loob ng apat na taon, nakita ko naman na masaya at kontento si Yuna sa piling ko. Kahit masungit ako at mahigpit sa kanya, wala akong narinig sa asawa. Pagkatapos nyang gumaling sa aksidente ay naging submissive ito. Yun nga lang sa palagian kong pagalis ng bansa dahil sa nature ng trabaho ko nagsimulang magrebelde ang asawa. Twing wala ako ay nakakatanggap ako ng mga report na lagi itong nasa eco bar, nagpaparty sa bahay at laging tumatakas sa mga bodyguard nya. Pero kapag uuwi ako ay wala naman syang sinasabi. Nasunod naman sya sa akin at kung umasta ay parang walang ginawang kabalbalan. Hanggang mangyari na nga ang lahat. Nagka-amnesia na sya. At yun pang sa amin ang nakalimutan nya. Napapapikit nalang ako ng mariin. Dapat yata nagpadala ako ng katulong nya sa apartment na yon. Wala syang alam sa gawaing bahay. I remember noong dalaga pa sya ang pinsan nyang si Lovely ang tagalaba nya ng damit o di kaya ay sa mga laundry shop sya nagpapalaba. Wala din lalo itong alam sa pagluluto. Seriously, walang alam si Yuna kundi magtanim ng halaman. Pero mukang nakalimutan na rin yata nya maging ang bagay na yon. May isa pa pala itong talent. Ang magtimpla ng mapait na kape na sobrang tamis. Napangiti ako sa naisip. Lagi ako nitong pinagtitimpla ng kape kapag busy ako sa office room ko sa bahay. Napakapangit nitong magtimpla non pero nakasanayan ko na. Magtatampo kase ito kapag pati yun ay pinuna ko sa kanya kaya akala yata nya ay masarap syang magtimpla non. Ilang saglit pa ay tumawag sa akin si Ten, ang isa sa mga secret bodyguard na itinalaga kong magbabantay kay Yuna. "Boss nakakuha na kami ng tutuluyan dito, malapit lang kay Maam" balita nya. "Good, ayusin nyo ang trabaho nyo, hindi nya dapat malaman na may bantay sya," "Opo boss." "Itawag nyo sa akin lahat, and one more thing----walang lalaking dapat umaligid sa asawa ko okey?" Paalala ko pa sa kanya. "Areglado boss" DAVID... Araw- araw nalang akong bad trip sa klase ng trabaho ng team. Puro reject ang gawa nila. Kaya naman magiging busy pa yata ako buong araw. "Good morning Sir" bati ng guard pagpasok ko. Diretso ako sa opisina, alas siete kase ako napasok at ang mga regular employee naman ay alas otso at may alas nueve. Namataan ko ang kape sa maliit na table ko don. Tskk himala, maaga si Sonia. Lagi kase itong late pumasok mula ng ma-hired, mabuti nalang magaling ito sa trabaho kaya pinagbibigyan kona sa mga late nya. Nakasimangot akong lumapit sa table at tinikman ang kape nang bigla akong matigilan. Yun ang kapeng timpla ng absinera kong assisstant ni Sonia. Hindi ko inaasahan na makakadama ako ng matinding pananabik sa dibdib ko para sa babae. Bigla kong ibinaba ang coffee mug sa table at hinanap sya sa paligid. Nang diko makita ay lumabas ako sa opisina. Kulang nalang ay tumakbo ako. Saan ba ito? Then suddenly she appear in front of me. Nakangiti si Yuna habang kausap si Kurt na kasabay nyang lumabas ng opisina nito. At di ko din napaghandaan ang selos na biglang nadama para sa kaibigan. Kelan pa sila naging close? ****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD