CHAPTER 49 "Si Kai nga po pala, Tay. Kai, si Tatay Samson at Nanay Adelfa." inabot ni Kai ang kamay sa kanilang dalawa upang makipag- kamay dito. Nakangiti naman iyong tinanggap ni Nanay. Tinanggap naman iyon ni Tatay pero nakatitig pa rin siya dito. Parang sinusuri niay ito. "Ah, ito ang mga kapatid ko Kai. Ito si Sarah, si Solomon, ito ang Junior ni Tatay si Samson, at ito naman ang bunso namin si Sanya." isa- isa silang kumaway kay Kai. Ngumiti naman sa kanilang apat si Kai. "Pumasok na tayo," aya ni tatay sa amin. "Tulungan n'yo ang kuya Kai n'yo, Solomon at Junior." utos niya sa dalawang kapatid ko. Napalingon ako sa kanya, kumindat at ngumiti ako sa kanya. Mabait talaga ang tatay ko! Kinuha naman ng dalawang kapatid ko ang isang maleta at pinagtulungan nilang dalawa iyon. "Thank

