CHAPTERS 48 Habang nasa byahe kaming dalawa ay walang ginawa si Kai kung hindi kulitin ako nang kulitin. Kumain pa kami kanina sa airport kaya medyo natagalan kaming dalawa. Sumuka ako kanina nang nasa loob na ng eroplano at nang umandar na ito. Nung papunta rin ako ay sobrang hirap dahil mag- isa lang ako. Buong byahe ay nakapikit lang ako, kahit hindi naman ako natutulog. Nakasandal lang ako palagi sa balikat ni Kai. At minu- minuto yata akong tinatanong kung okay lang ba ang pakiramdam ko. "Let's take a picture. . ." aya nito sa akin. Kakarating lang namin sa airport dito sa Negros Occidental. Tinaas niya ang kanyang telepono at umakbay ang isang kamay nito sa aking balikat. Ngumiti kaming dalawa at nag- click na ang camera. “Isa pa!” umikot ang mata ko pero pumayag din naman ako

