CHAPTER 23 Napaayos ng tayo ang babae at napatingin ito sa kamay kong nasa braso ngayon ni Kai. In my peripheral view, I saw Kai smirked. “I was just asking him if saan ang apartment na ito.” hinawakan ni Kai ang kamay kong nasa braso niya. Akala ko ay tatanggalin niya iyon. Pero inayos niya lang ang pagkakasabit ng kamay ko doon. “Baguhan lang siya dito, at wala siyang alam sa mga lugar na iyan. Saan ba? Baka alam ko 'yan, matagal naman na akong nakatira sa lugar na ito.” Nag- aalalangan pa ito kung sasabihin niya ba sa akin o hindi. Ah, so gusto mo si Kai talaga ang magsasabi sa kanya? Nang pinakita niya sa akin ang lugar ay pamilyar naman ako kung saang apartment iyon. Ilang bahay lang ang layo nun sa apartment namin. “Ah, diretso ka lang d'yan. Tapos paglingon mo sa kanan ma

