CHAPTER 22 “A- ako?” nauutal na tanong ko sa kanya. Nag- aalangan akong tumingin kay Sienna. Kinurot na naman niya ako. “I mean ikaw, anong mas gusto mo?” napakamot si Kai sa kanyang batok. “Magkape ka nalang, mas maganda iyon sa umaga.” inaayos ko pa ang buhok ko sa kanyang harapan. “Sige, kape na lang.” “Ako na maghahanda ng kape niya, dito ka nalang sa tabi, Samara. Para may kasama na siya dito.” Umalis na si Sienna upang ihanda ang kape ni Kai. “Kai, ano'ng ginagawa mo dito sa apartment ko? Ang aga- aga pa, Kai!” umupo na ako sa kanyang tabi. “'Di ba, bibili tayo ng kama mo? Tsaka. . .” nilapit niya ng kaunti ang kanyang mukha sa akin upang bumulong. “'Yong panty, remember? 'Di ba sinabi ko bibili tayo nun?” Tinulak ko siya upang mailayo ang mukha niya sa akin. Baka ang b

