CHAPTER 74 Hindi ito umimik sa akin. And it means no. He's always been like this. Kapag ito ang pinag- uusapan naming dalawa ay hindi siya umiimik sa akin. Ayaw niyang pag- usapan ang tungkol doon. "Kai, bakit ayaw mong magpa- opera? Para na 'to sa baby mo. Kahit para sa magiging anak nalang natin, Kai. Kung gusto mo siyang maalagaan, sana gawin mo na, magpa- opera ka na, Kai." hindi ito nagsalita. Kahit buntis ako ay hindi ko pa rin siya makumbinsi. Pumasok na ulit ang kanyang mga magulang sa loob ng kwarto namin. Tinanggal ko ang aking pagkakayakap kay Kai at lumayo ng kaunti sa kanya. "Magluluto kami, may gusto ka bang kainin, Samara?" tanong sa akin ni tita Gladys. Pumunta ito sa akin. Umupo ito sa kama sa aking tabi. Nilapit nito ang kanyang kamay sa aking tiyan. "Can I?" tuman

