CHAPTER 75 ( SLIGHT SPG! ) “Ang mabuti pa kumain na lang tayo, Kai. Baka gutom lang 'yan. Dali na, hindi na pala ako inaantok, Kai.” nauna pa akong bumangon sa kanya kahit pumipikit- pikit pa ang aking mga mata. We can't take risk. Natawa ito pero sumunod din naman sa akin. Sa banyo na muna ako pumunta upang maghilamos doon. Baka may mga laway o muta pa ako sa aking mga mata tapos makikita ng mga magulang ni Kai. "Baby. . ." naglalambing itong yumakap sa aking bewang. Niyakap ako nito sa aking likod habang nagpupunas ako ng aking mukha. Dinampian nito ng halik ang aking leeg. "I know, you have to stop it." hinawakan ko ang kanyang buhok at hinaplos iyon. Nakatingin lang ako sa repleksiyon namin sa salamin. Nag- angat ito ng tingin. Nag- aapoy ang kanyang mga titig sa akin nang magsalub

