CHAPTER 39 Sobrang nahirapan akong pigilan ang ungol ko nung gabing iyon dahil nasa labas lang si Sienna. Halos ibaon ko na ang ngipin ko sa balikat ni Kai. Nagising na lamang ako na balot na balot sa yakap ni Kai. Nakahiga ako sa kanyang braso. Gumalaw ako ng kaunti para tingnan ang mukha ni Kai. Nakapikit pa ito at tulog na tulog. Ang tangos ng ilong ni Kai. Takang- taka talaga ako kung bakit ako ang pinagtitiisan ni Kai. Walang- wala ako kumpara sa mga babaeng nakakandarap sa kanya. Why would he settle for someone like me? Nasa pinakamababa ang estado ng buhay ko. Habang siya, sobrang taas niya. Ang hirap niyang abutin. Isa rin ito sa dahilan kung bakit pinipigilan ko, pinipigilan ko ang nararamdaman ko para sa kanya. Kasi alam kong sa huli ako lang din ang magiging kawawa. Wala a

