CHAPTER 40 “Call the ambulance! Nahimatay si sir Kai!” Halos hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko nang marinig ko ang sinabi ni Anne. Wala sa sarili akong pumasok sa loob ng elevator upang tinawag ng tulong sa baba. Wala ako sa aking sarili habang nagsasalita sa babaeng nasa front desk. “Papunta na ang ambulansya!” nagpapanic na sigaw nito. Kahit siya gulat na gulat din sa pagkahimatay ng boss niya. Bumalik na ulit ako sa itaas upang icheck na ulit si Kai. Nakaabang lang ako sa labas. Hawak- hawak ko ang aking mop at nagpapanggap akong naglilinis doon. Pero ang buong atensyon ko lang ay nasa office ni Kai. Kalaunan ay bumukas ang elevator at bumungad doon si Jemuel. Nagmamadali ang bawat hakbang nito. Hawak nito ang kanyang cellphone at nakalagay ito sa kanyang tainga at may kinak

