CHAPTER 68 “Please! Please! Nagmamakaawa ako sa 'yo! Please, convince my son! Convince Kai to take the operation! Parang awa mo na!” Matagal bago ako nakapag react sa sinabi ng mommy ni Kai. Parang nabingi ako, ang hirap iproseso ng mga narinig ko mula sa kanya. Ano ang ibig niyang sabihin? May sakit si Kai? Bakit kailangan ng operasyon? “Ma'am? A- ano po ang ibig ninyong sabihin?" nauutal na tanong ko sa kanya. "Kai has advanced heart failure. Matagal na kaming may donor. But he won't take the operation. Bilang nanay ni Kai, nagmamakaawa ako sa 'yo." bakit kilala niya ako? 'Di ba may fiancee may engagement? Pero bakit may ganito? At kung may sakit si Kai, bakit hindi ko man lang iyon napansin? Bakit hindi siya madaling mapagod? O baka hindi niya lang ito pinapakita sa akin? Kai, b

