CHAPTER 67 Ang lakas ng t***k ng puso ko. Humigpit ang hawak ko sa aking mop at gusto ko nalang na pasukin ang office ni Kai ngayon din. Bakit nahimatay na naman siya? Anong nangyayari kay Kai? May sakit ba ito? Bakit palagi na lang siyang nahihimatay? Ilang minuto lamang ay bumalik na rin si Anne. This time he's with Jemuel. Malalaki ang bawat hakbang nilang dalawa. Nakita ako ni Jemuel, nagtagpo ang mga mata naming dalawa. Mabilis din itong umiwas ng tingin sa akin at pumasok na sa loob ng office ni Kai. Gusto ko silang sundan. Gusto ko ring pumasok doon para magtanong kung ano ang nangyayari. Gusto kong makita si Kai. Wala na ako sa aking sarili habang naglilinis. Tumunog ang elevator at iniluwa nun ang isang babae. Sa unang tingin ko palang sa kanya ay nalaman ko na kaagad na

