CHAPTER 66 Si Kai ba iyon? Nakatalikod na ito sa amin at naglalakad na paalis. Si Kai ba iyon o guni- guni ko lang ito? Ilang beses akong kumurap. Tsaka ko lang na realize na si Kai nga iyon nang malayo na ito sa akin. Bakit siya nandito? Bumitaw ako sa pagkakayakap sa lalaki at tumakbo para sundan si Kai. “Kai! Kai!” sigaw ko nang makitang paalis na ang kanyang sasakyan. Sinubukan ko pa itong habulin. “Kai! Kai! Sandali!” tuloy- tuloy na umalis ang sasakyan. Kahit alam kong hindi niya ako maririnig ay sumigaw pa rin ako nang sumigaw. “Kai! Kai! Kai!” Napaupo ako sa gilid ng kalsada habang hinahabol ko ang aking hininga. Hindi ko na siya naabutan pa, malayo na ang kanyang sasakyan. Nakita niya ba akong nakayakap sa lalaki kanina? Ang malaking tanong ko ay kung bakit siya nandito nga

