CHAPTER 65 Inagaw ko kay Sienna ang kanyang cellphone at tiningnan ko iyong mabuti. Ilang beses akong kumurap- kurap, nagbabakasakali akong hindi si Kai iyon, na baka kamukha niya lang. Naniwala na akong si Kai nga iyon dahil nasa likod din nito si Jemuel. Alam ito ni Jemuel? Nakasuot ng isang itim tuxedo si Kai. Habang ang babae naman ay nakasuot ng isang long dress. Sa mga alahas pa lang ng babae, sa kanyang kutis, at sa damit nitong kumikining ay hindi pa ako lumalabas pero talo na kaagad ako. Sa tingin ko ay magka edad lang silang dalawa ni Kai. At ang babae ay mukhang galing din sa isang mayamang pamilya. Parang nasa isang party sila. Engagement party ba? Akala ko ba nasa hospita ang daddy niya? Bakit ganito ang nababalitaan ko? Bakit ikakasal na si Kai. Sino itong babae? Bakit s

