1
(Bad Girls by MKTO)
'Cause I love them bad girls doing bad things
Lookin' bad with an attitude
Love them bad girls like a bad dream
Shouldn't want them but I do
Burgundy ang kulay ng buhok niya na hanggang balikat ang haba. Mala-almond naman ang hugis at kulay ng kanyang mga mata. Sa kaliwang tainga ay may industrial helix piercing siya na ipinabutas niya nang tumuntong siya ng dise-otso anyos, regalo niya sa sarili. Ang mga braso niya ay maihahalintulad na sa braso ng lalaki, marahil dahil sa suot niyang muscle tee. Tila ba siya ang reyna ng kalsada kung paharurutin ang satin black niyang sasakyan habang iginagalaw pa ang ulo sa saliw ng kanta.
Singing (oooh, oooh)
All the bad girls singing (oooh, oooh)
And I can't help it, no
Damn, it feels good when you're messin' with a bad girl
Ilang saglit pa, nakarating na siya. Binuksan niya ang pinto at nagtungo sa likuran ng sasakyan upang kunin ang maleta niya. Minimalist ang tema ng kanyang bungalow na siya mismo ang nagdisenyo at nagpalamuti. Lumang bahay ito ng kanyang ama ngunit binago niya at nagpagawa ng basement na naaayon sa kanyang kagustuhan. Itim, puti at gray ang kulay na tanging makikita sa loob ng bahay. Mula sa pinto at mga pader, couch at mga dekorasyon hanggang sa mga plato't baso sa kusina. Iniwan na niya malapit sa pinto ang kanyang maleta. Agad niyang ibinagsak ang kanyang katawan sa couch at ipinatong ang mga susi niya sa lamesang nasa harap niya. Ilang minuto pa lamang niyang ipinapahinga ang mata, maya-maya ay may tumatawag na. "Boss", ayon sa caller ID.
"Lagi mo akong pinabibilib, hija" panimula ng boses sa kabilang linya. Paghikab naman ang sagot sa kanya ng dalaga. "Alam kong pagod at inaantok ka pa mula sa mahabang biyahe. Gusto ko lang ihanda ka sa bagong kliyente sa susunod na linggo. Ikaw ang gusto kong mag-manage," dagdag pa niya. "Hindi naman ako pwedeng tumanggi. Send the details, ako nang bahala," tugon naman ng dalaga. "Mabuti. Hahayaan na muna kitang makapagpahinga, nararapat lang yan dahil mahusay ka." Hindi man siya nakikita ng kausap, tumango siya bilang sagot at saka binaba ang tawag.
Nawala na ang antok niya dahil sa kausap niya sa telepono. Naglakad siya patungo sa kusina at dumiretso siya kung nasaan ang ref. Napansin niyang may note sa pinto nito. "Anong araw na ba?" tanong niya sa sarili. Binuksan niya ang ref at tinignan ang expiration date. "Tangina, expired na," saka itinapon ang natitirang laman sa lababo at ang karton nito sa trash bin. Nilabas niya ang kanyang cellphone at sumandal. Naisipan niyang magpadeliver na lamang. Masyadong mahaba ang biyahe niya para magluto pa, mag-isa lamang rin siya doon. Habang hinihintay ang inorder niyang pagkain, siniyasat niya na rin muna kung may iba pang expired na laman ang ref. May ilan siyang nakita tulad ng milk chocolate, hotdog at tatlong energy drink na agad na niyang itinapon. Binuksan niya ang drawer sa taas at inilabas ang powdered juice. Kumuha na rin siya ng baso sa gilid ng ref para magtimpla ngunit napatigil nang makarinig ng pagkatok. "Parang ang bilis naman ng delivery?" pagtataka niya. Lumalakas ang pagkatok. Nakaramdam siya ng kaba at inabot ang kutsilyo. Dali-dali siyang pumunta sa pintuan. "Sino yan?" tanong niya. Napahigpit ang kapit niya sa doorknob dahil pamilyar ang boses na narinig.