7

828 Words
    Dalawang linggo na rin matapos ang insidente sa grocery store. Hindi rin ako makapaniwalang nasabi ko iyon pero sana naliwanagan si Rosemary. Sana naintindihan niyang dapat siya lumaban at dapat na maparusahan ang asawa niya. Ang pagtrato sa kanya ay hindi na maituturing na pagmamahal.     Kumpara sa mga dati kong trabaho, mas natagalan ako ngayon dahil halos araw-araw ko silang kasama. Tuwing Linggo lamang ako malayang nakagagalaw. Nakakalap na rin ako ng sapat na ebidensya laban kay Leo mula sa paglilinis ko sa mga kwarto nila at sa mga ikinabit kong camera at mic sa mga sulok ng bahay. Naipadala ko na rin sa Public Attorney's Office ang mga dokumento. Kulang na lamang ay ang medical examination kay Rosemary, ang pinakamahalaga sa lahat. I'm sure she won't testify against her husband pero pwede pa ring i-examine ang mga pasa niya, sa ayaw at sa gusto niya.     Linggo ngayon at panahon na para ibigay ang parusa. Kagagaling ko lamang sa bahay ng mga De Guzman para mag-resign, idinahilan kong may sakit ang nanay ko at may trabahong mas malapit sa kanya roon. Natutulog na sila ngayon, lalo na si Ken na nahihimbing. Habang hindi pa dumarating si Leo, minabuti ko nang umalis. Agad kong kinontak si Joe dahil kailangan ko ng tulong sa isang 'to.     Nasa parking lot si Leo at kasasakay niya lamang sa kanyang kotse nang may tumawag. Unknown caller. Hindi niya ito sinagot sa halip ay kinuha ang kaniyang flask at lumagok ng alak. Muling tumawag ang number. Dito na siya nakaramdam ng matinding kaba. Hindi pa rin niya sinagot. Lumabas siya ng sasakyan upang tignan kung may nagmamasid sa kanya. Bumalik na siya ng sasakyan at nadatnang tumatawag ulit caller. Sinagot niya na rin sa wakas. "Magandang gabi, Mr. De Guzman. Pauwi ka na ba?" pagbati ng nasa kabilang linya. "Sino ka? Anong kailangan mo sa'kin?" tugon niya kahit kinikilabutan na. Mahinahon namang sumagot ang kausap, "Malalaman mo rin basta't sumunod ka sa sasabihin ko, okay?"     Nakarating na si Leo sa isang warehouse, gaya ng inutos ng kausap sa telepono. Malabo pa rin sa kaniya ang pakay ng tumawag ngunit sumunod rin siya nang pagbantaan na ang kaniyang mag-ina. Inabot niya ang baril muna sa glove compartment ng kotse, "Mas mabuti nang sigurado."     "Andito na siya," sabi ni Joe sa radyo. Nakahanda na ang lahat, ang mga speaker, voice-changer at ako. Magsisimula na ang palabas.     "Narito na ako, harapin mo 'ko!" sigaw ni Leo pagpasok sa warehouse. "Magandang gabi, Leo" bati ng malalim at malaking tinig na galing sa speaker. Inikot niya ang tingin sa paligid at siya lamang ang tao. "Magpakita ka, hindi mo ako matatakot!" hiyaw niya saka pinaputok ang baril na hawak niya. "Oh, kalma lang. Mainit naman agad ang ulo mo eh. Sige eto, magpapakita na 'ko," pang-aasar nito na nagpatigil kay Leo sa kanyang kinatatayuan. Inihanda niya ang baril at inikot sa paligid. Biglang may lumitaw na ulo sa likod ng mga metal na dram at agad niyang binaril. Mayroon pa ulit na agad niya ring binaril. "Umaabuso ka na. Kung sino ka man, lumabas ka kung saan ka nagtatago!" at muli siyang nagpaputok sa ere. "Abuso ba kamo? Baka ikaw, umaabuso sa asawa." pasaring ng tinig. Nagpatuloy siyang maglakad at nakakita ng isang mesa. Mayroon itong folder sa ibabaw. Binuklat niya ito at nagulat sa mga nakita. "Saan galing 'to? Ano ba talagang kailangan mo sa'kin?" Naglalaman ito ng mga ebidensya ng p*******t niya kay Rosemary at sa dati niya pang asawa. Patuloy niyang sinuri ang laman ng folder. "Pagsisisi, 'yon ang kailangan ko mula sa'yo. Hustisya sana eh, kaso mukhang hindi mo kayang mapangatwiranan ang pitong taon mo nang pang-aabuso mo sa asawa mo," pagsisiwalat ng kausap. "Handa akong magbago, para sa kanila. Mahal na mahal ko sila," nakaluhod na siya at nagmamakaawa bagaman hindi nakikita ang kausap. "Napakaswerte mo na nga, may asawa kang maalaga. Iniintindi ka, mahaba ang pasensya at malaki ang isinakripisyo para sa'yo, mahal na mahal ka. Wala akong alam sa pag-ibig na 'yan, sa totoo lang. But if loving includes abuse and controlling the one you love, parang ayoko na lang magmahal." Natahimik si Leo sa mga sinabi. "At ang pagbabago mo, sa bilangguan mo na gawin. Akuin at pagsisihan mo muna ang kamalian mo. Sana matutunan mong magmahal ng totoo, Leo." Hindi na napigilan ni Leo ang pagluha dahil sa sinabi nito na nagpamulat sa kaniya kung gaano niya binalewala ang pagmamahal ng kaniyang asawa. Sirena ng mga pulis ang nagpatigil sa kanyang pagluha. Nagkusa na siyang sumama sa mga ito upang pagbayaran ang mga kasalanan.     Bago ako umalis, siniguro ko munang matatanggap sa school si Rosemary, sa inapplyan namin noong nakaraang linggo. Inihanap ko na rin siya ng totoong katulong, bayad na ang unang limang buwan niya. Sampung taong mabibilanggo si Leo kaya kailangan nila ng kasama sa bahay. Nakaimpake na ang gamit ko, pag-alis na lang ang kulang. Hindi ko mapigilang mag-isip, sana tama ang ginawa ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD