bc

5279

book_age18+
0
FOLLOW
1K
READ
dark
heir/heiress
drama
tragedy
serious
small town
like
intro-logo
Blurb

Hindi inaasahan ni Rebecca na ang pagsulat niya sa kuwento ng kataksilan ng kapitbahay niya noon ang magdadala sa kanya sa kapahamakan ngayon.

At bakit lahat ng mga sinusulat niyang imahinasyon sa kuwentong iyon ang nangyayari sa mga karakter niya ngayon?

Ano ang nangyayari sa kuwentong sinulat ni Rebecca na may pamagat na 5279

chap-preview
Free preview
Simula
Nagulat na lang ako isang araw, wala na ang kapitbahay namin na palaging pinapagalitan ang mga bata kapag maingay na naglalaro sa labas nila. Sensitive kasi 'yun sa ingay, lalo na sa umaga dahil work from home na call center agent siya sa gabi at sa umaga ang tulog niya. Nalaman kong lumipat na siya ng tirahan dahil may nakabili na ng bahay na tinitirhan niya... Isang araw may mag asawa na pumunta at tiningnan ang bahay na iniwan ng kapitbahay namin na 'yun at sinabi ng babae, sa mga kapitbahay namin na malapit lang sa bahay na nakatira roon kasi nasa labas sila at yes nakikitsimis kung sino sila at bakit nila tinitingnan ang bahay... Sabi ng mag-asawa sila ang nakabili ng bahay at doon sila titira balang araw.... Sinabi pa daw noong babaeng asawa na susunod na pagbalik nila aayusin at pagagandahin niya ang bahay na nakuha nila. Doon daw sila titira mag-asawa at magiging bagong kapitbahay namin sila. Fast forward, isang gabi, nagulat ako sa nakita ko, may tao sa bahay na 'yun (Hindi ako isa sa mga tsismosang nasabihan, ang alam ko lang wala na ang nakatira roon at hindi ako aware na may nakatira na).... Pero ang mga tao na nasa bahay na 'yun ay nakatambay sa labas ng bahay... Madilim kasi walang ilaw maliban sa apoy mula sa mga sinunog nilang dahon at basura na nagsisilbing liwanag doon. Hindi ko sila pinansin masyado. Kasi baka trip lang nila 'yun. Binawela ko lang ang nakita ko. Bahala sila kung papakpakin sila ng lamok. Hanggang sa napansin ko, ilang araw na ang lumipas, kinabitan na ng ilaw sa labas ang bahay na 'yun pero ang tahimik pa rin ng bahay. Parang walang nakatira. Kumunot ang noo ko lalo... Walang tao pero may ilaw sa labas at naka on? Weird. Dala ng kuryusidad, palagi akong napapatingin sa bahay na 'yun para tingnan kung sino ang nakatira roon pero wala talaga eh! Pero may ilaw... Gumana ang pagkatsismosa ko, pasimpleng dumaan ako sa bahay na 'yun, naloka ako sa natuklasan ko, may aircon! So may nakatira na sa bahay na 'yun! Pero bakit ganon, nang dumaan ako, ang haba ng talahib. Ang tahimik parang walang naninirahan. Abandon house na may aircon at ilaw? Atsaka diba sabi noong asawa (kinalat na ng mga chismosa yung sinabi ng babae sa kanila), aayusin at pagagandahin niya ang bahay pero bakit hindi naman maayos? Isang gabi, napansin ko, may sasakyan na laging nagpapark malapit sa bahay na 'yun... alas dose na ng gabi na 'yun. Hindi lang isang beses nangyari. Maraming beses. Kaya nang sumilip ako isang beses nang makarinig ako ng may tumigil na sasakyan roon, may nakita akong isang lalaki may dalang malaking maleta at nagmamadaling pumasok doon sa bahay na 'yun. Natakot ako! What the heck is happening! Baka may nagdodroga sa subdivision namin! Napadasal ako na sana mali ang akala ko! Pero bakit ganoon, ako lang ba ang nakakapansin? Bakit no reaction ang mga kapitbahay ko?! Gusto kong itanong sa mama ko pero hindi ko tinuloy. Baka masabihan ako na tsismosa which is true. Low key chismosa lang ako no! Ginaslight ko na lang sarili ko na wala lang 'yung nakita ko. Kung okay lang sa kapitbahay ko, edi okay. So ayun, hinayaan ko na lang. Kinalimutan ko ang nakita ko. Pero isang gabi, no.... mga alas singko pa ng hapon 'yun eh. Nakita ko ang pagdating ng sasakyan, 'yung sasakyang laging nagpapark malapit sa abandonadong bahay... Nagpapadumi ako ng pusa ko noon. Nakita ko ang paglabas ng isang lalaki. Pumunta siya sa bahay, walang ilaw ang bahay at napakatahimik. Sumilip-silip siya roon sa bahay na para bang may hinahanap! Nagtaka ako. Iyon ang unang beses na makita ko ang lalaking 'yun. Hindi ko alam kung siya ba 'yung lalaking nakita kong may dalang maleta noong nakaraan o hindi... Kasi gabi na noon kaya hindi ko nakita ang mukha niya. Atsaka ngayon naman hindi ko makita ang mukha niya kahit maliwanag dahil hindi ko siya kayang titigan no, baka mapahamak ako... Pasimple lang ako tumitingin sa kanya at sa pusa kong busy sa pagdumi. Pero dumating din sa point na... Titig na titig ako sa ginagawa ng lalaki. Hindi nga niya kasi ako napansin eh. Atsaka nakatalikod siya sa akin. Biglang nag on ang ilaw doon sa bahay! Dalawang beses na nagpatay-sindi! Oh... muntik ko ng mabitawan ang pusang hawak ko dahil sa narealize ko. Don't tell me... Oh.... Hindi ako nagkamali ng hinala... Lalo na nang may babaeng nagbukas ng pinto. May babae sa loob! Pumasok ang lalaki at hindi ko kayang isulat ang mga sunod na nangyari! 🤢🤮 Walang drugs involve! May nangyayaring kabitan sa subdivision namin! Hindi ko alam ang dapat maramdamanan! Sa social media ko lang nakikita iyon lalo na sa palabas ni Tulfo, pero ang makita yun, sa mismong subdivision pa namin ng live, oh my God! Kaya naisipan kong isulat ang kuwento nila, ang storya nila. Kaya mga fans ko (imaginary) Gusto kong isulat para maupdate kayo hanggang sila ay mahuli ni legal wife... -chizmosmwah Hindi maalis ang tingin ko sa binabasa ko. Ito ang blog ko noong ako ay nag-aaral pa at walang ibang ginawa kundi bantayan ang mga kilos at pinagagawa ng mga kapitbahay ko kapag wala ako sa mood mag-aral. In short, mga walang kwenta ang mga sinusulat ko rito noon. Actually nakalimutan ko na nga na mayroon ako nito. Kung hindi lang... Binasa ko ang message sa cellphone ko. Dear Chizmoswah, My name is Abigail. I work as an editor from Novelandia, a United States based Digital Publishing Company founded in 2015. We found your blog coded 5279 and we are very interested on it. Shit! Hindi ko binasa ang lahat na nakasulat sa email at ini-scan lang ang mga importanteng salita rito. Nanlaki ang mga bata ko sa sobrang gulat. In short, nagustohan nila ang blog kong 5279 at kung may plano akong gawin itong kuwento na may plot, willing silang kunin ako bilang isang writer nila sa mga website nila. Hindi pucho-pucho ang mga website na 'yun. Dito nanggaling ang mga sikat na writer ngayon sa Pilipinas. Oh my gesh! Naexcite ako ng bongga! Walang pagdadalawang isip na nag reply ako sa email na 'yun at sinabing 'YES'. Doon nagsimula ang kuwentong may Code na 5279 ------ AN: This is fiction. Read at your own risk. And hopefully matapos ko ang story na 'to 😘

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Heiress Bodyguard (Tagalog / SPG)

read
13.8K
bc

BAD MOUTH-SSPG

read
20.0K
bc

SYLUS MONTENEGRO

read
14.9K
bc

Wife For A Year

read
70.4K
bc

Mang Julio (SSPG)

read
44.0K
bc

In Bed with The Governor-SPG

read
318.4K
bc

Devirginizing My Hot Boss

read
116.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook