CHAPTER 6

1809 Words
Aiden's Pov Allustrea Island,yan ang lugar na hindi ko malimutan ng simula itong banggitin ni Ama.Hindi ko alam kung bakit bigla ko nalamang naramdaman na gusto kong mag punta sa abundanadong isla na iyun.Kanina lamang ay bigla nalamang ito nabanggit ni Ama saakin,bago ako magpunta sa paaralan. Ang sabi nya na magpupunta raw sila sa abandunadong isla na iyun para sa isang proyekto,napag usapan naraw ito nila kasama ang ama ni Clayton.Kaya naman nagplano silang mag handa para sa isang linggong bakasyon doon upang mapagplanuhan ang kanilang gagawing proyekto. At dahil nga kasama ang pamilya ni Clayton,tumanggi akong sumama sa kanila dahil hindi ko gustong makasama ang lalaking iyun.Hindi ko malilimutan at kahit kailanman! hinding,hindi ko malilimutan ang ginawa nya sakin.Alam kong wala akong ebidensya na sya ang punot dulo ng lahat ng kagaguhan nya,pero naniniwala padin ako na sya talaga ang may pakana nun. Ang nakakainis lamang dahil ayaw madumihan ang pangalan ng aming paaralan,ang dalawang lalake na kinasuhan ni Ama at nakulong ay pinakalat ng Administration naming nagbakasyon lamang ang mga ito.Upang hindi masira ang pangalan ng Wildwood Acdemy na 25th year ng iniingatan.Unfair man ngunit kailangan matuto kang makidaloy sa lahat. Nais ko nalang kalimutan ang lahat ng nangyare saakin at ang mga gagung gumawa sakin nun.Pero ang nakakalungkot lang din,paano ko makakalimutan ang masamang bagay na nangyare saakin kung lagi kong nakikita si Clayton.Ang pag punta sa Allustrea kasama sya ay lubhang masamang panaginip para saakin. Sa isang banda kahit ayaw kong makasama si Clayton sa iisang isla,may nahihimigan parin ako sa aking sarili na gusto kong magpunta sa Abandunadong isla na iyun.Para kasing sa puso ko ay may kailangan akong makita at malamang katotohanan. Ang sikreto ng Allustrea Island. Maraming nagsasabe na sa isla raw na ito ay bumagsak ang sinasakyang elicopter ng mag asawang Greystoke.Dito kase nila nakita ang mga katawan ng mag asawa ngunit gaya nga ng nasabe ko,ang katawan ng batang Greystoke ay hindi na nakita mag mula ng masalimuot na trahedyang iyun.Kaya naman ganto nalamang ako kadisidido sa aking sarili na makita ang Abandunadong isla. Nagbabaka sakali siguro akong makita ang nawawalang bata.Pero mukha itong posible,alam ko malabong mabuhay ang pitong taong gulang na bata sa kalawakan ng kagubatan. "Iniisip mo pa din ba ang bagay na iyun? Aiden." Tanong sakin ni Auguste ng makarating kami sa aming upuan dito sa Canteen,kakakuha lamang kase namin ng pagkain. Napatingin nalang ako sa kanya,mali sya ng inaakala "Hindi,sa totoo nga nyan gusto ko na yung makalimutan." Ang tinutukoy nya ata ay ang tungkol sa locker room. "Tama yan,dapat makalimutan mo talaga yun.Alam mo,antapang mo nga e,ikaw lang ang nag paalis ng mga bully sa Academy natin.Siguro ngayon wala ng maggugulo pa,pwera nalamang kay Clayton." Hindi na ako sumagot pa sa sinabe nya,nagfofocus ang isipan ko sa Allustrea Island. Ng mapansin ni Auguste na ilang sigundo akong hindi nakasagot.Pinitik nya ang hangin sa harapan ko. "Hoy! Aiden,mukhang malalim ang iniisip mo ah" pagtataka nito. "Alam mo ba ang tungkol sa Islang Allustrea Island?" biglang tanong ko ng mahimasmasan ako. Nag ayos sya na parang nag iisip, "hmm...sa aking pag kakaalam ang islang yun ay abandunado hindi ba? Magmula daw kase ng mamatay ang dalawang magasawang Greystoke ay may sabi sabi na nangunuha raw ito ng mga taong naliligaw sa islang iyun" nabagot ako sa sinabe nya,walang kwenta.Mukhang naniniwala pa ang isang to sa mga walang kwentang sabi sabi. Huminga nalang ako ng malalim "hindi naman kapani paniwala yun.Tsaka alam ko na ang tungkol sa mag asawa,ang iniisip ko lang kase...buhay pa kaya yung batang nawala dun? Yung anak ng mag asawang Greystoke?" Umarte syang kunware nabalaukan sa iniinum nyang tubig. Mukhang posible ang tanong ko "ano kaba? Walang batang edad pitong taong gulang ang mabubuhay sa loob ng kagubatan.Lalo nat maraming mababangis na hayop ang nakatira don,hindi ba? Atsaka kung hindi man sya kinain,siguro namatay yun sa lamig at gutom.Ang kagaya nyang paslit ay hindi pa kayang gumawa ng apoy at kumuha ng pagkain.Sigurado akong matatagalan sya bago magudjust sa bagong mundo nya" Tama ang sinabe nya,may posibilidad mangyare ang mga bagay nayun.Pero masisisi nya ba ako,hindi ko alam kung bakit nabubuhay parin ang pagasa kong buhay ang bata sa kagubatang iyun, gayong kakalabas ko lang sa mundo ng mangyari ang masalimuot na trahedya. Ang tanging naiisip ko lamang ay alamin ang sikreto ng abadunadong isla.Itago ko man sa aking sarili,umaasa akong buhay ang batang Greystoke.Maghanap man ako sa katotohanang mahirap makuha aasa akong magtatagumpay ako. Sasama ako sa Allustrea Island. ****-- Nagpaalam sakin si Auguste na magbabanyo lamang daw sya,nauna naman akong mag punta sa pangatlong klase namin sa hapon.Habang naglalakad ako hindi ko namalayang nakasunod sa likod ko ang lalaking kinamumuhian ko. Si Clayton "Ngayong linggo na ang pagpunta natin sa Allustrea Island" sabi nya ng wala man lang pakundangan kung makikinig ba ako.Saglit ko lang syang tinignan at bahagyang lumayo sa kanya sa paglalakad "Balita ko abandunado daw ang islang iyun hindi ba?" Patuloy nya ng makalapit ulit sakin. "Ewan ko,hindi naman ako sasama e" walang ganang sagot ko. "Ano! Bakit hindi? Alam kong abandunadong Isla ang Allustrea,pero alam kong may tinatago iyung magandang paraiso na sigurado akong magugustuhan mo.Sumama kana" Tumigil ako saglit kaya napatigil din sya."Clayton,magmula ng mangyare ang bagay nayun sakin sa locker room,ayaw na kitang makausap o makasama pa." Direkta kong sabi sa kanya,alam kong pagmumulan nanaman namin to ng walang kwentang usapin,at ayokong mangyare yun.Ni ayoko nga syang makita "Kayat pakiusap lang,wag mo na akong lapitan.Ayaw kitang kausap at lalong lalo makasama.Hindi ako sasama pag kasama ka sa Allustrea ok" hindi ko alam pero bigla nalamang kumukulo ang dugo ko pag nasa malapit sya.Para bang kinamumuhian ko sya. Umiling sya tapos napangiti,mukhang ginagago nya ako."mas lalo kitang nagugustuhan pag galit ka" bigla nyang hinawi ang pisngi ko kung kayat bahagya kong tinapik ang kamay nya."Bakit ba nagpapakipot kapa? Hindi mo ba alam na ikaw ang mga klase ng tipo ko" dahan dahan syang lumapit saakin na parang inaakit ako.Sa pagkakataong ito nakaramdam ako ng kaba at inis,nakikita ko sa kanya ang mga kaibigan nya nung muntik ng mangyare sa loob ng locker room ang hindi dapat mangyare "balingkinitan,makinis,maganda at higit sa lahat.Masarap" nahimigan ko sa boses nya ang pagkamanya nya. Bigla nalang ata nag init ang ulo ko't hindi ko na namalayan nasampal ko sya.Mabuti na lamang ay kaming dalawa lang ang tao sa daanan ng pasilyong ito kung kayat walang masyadong naka kita. "Clayton Greystoke! Hindi ako kagaya ng iba na maakit sa gwapo mong mukha.Ibahin mo ako.kung nagawa mong pasarapin ang isang kahalayan at pagkakamali sa isang tao,pwes nandidiri ako sayo." Umiling nalang ako at tumalikod na sa kanya.Naalala ko ang lady boy na ginahasa daw nila sa loob ng locker room,imbis na magreklamo nag file lang ito ng leave at hindi na nag sampa pa ng kaso,marahil ay nahumaling ito sa katawan ni Clayton at mga kaibigan nya Ayokong tumakbo o matakot sa walang kwentang taong ito. Pero hindi paman ako nakakalayo ay nagsalita ulit sya "Im sorry Aiden" napatingin ako sa direksyon nya "hindi ko kasi alam kung magiging masaya ba ako o malungkot e" natigilan ako sa sinabe nya,nahimigan kong may lungkot sa boses nya,ano bang drama ito"ngayon kasing magpupunta kami sa isla kung saan nawala sila tita at ang tito ko,natakot akong malaman ang katotohanan" Kumunot ang noo ko sa sinabe nya "Ano bang katotohanan yun,na baka buhay pa ang pinsan mo?" Umiling ako "bakit? Natatakot kaba?" Diretsyang tanong ko. Napatingin sya sa mga mata ko,alam kong alam nya ang ibig kong sabihin.Natatakot syang mabawi sa kanya ang pamana "at ano naman ang kinatatakutan ko? Huh, ang maagaw sakin ang mana ng isang patay?" Napangisi lang sya na parang nagyayabang. "Siguro nga tama ka,natatakot ako.Pero ako si Clayton Greystoke,at hindi ko hahayaang maagaw ang dapat saakin." Naningkit ang mata ko sa kaangasan nya "wala namang sayo Clayton,dahil kung sakali mang buhay ang pinsan mo.Nasisiguro kong may roong nag aantay na magandang buhay para sa kanya,at ayun ang naiwang pamana ng kanyang mga magulang.Kaya masaya ako na bubuksan muli ang Islang matagal ng nawala sa alaala ng lahat.Ako kase kung tatanongin mo,gusto kong mahanap ang pinsan mo. Si BRICE GRYESTOKE" Basang basa sa pagmumukha ni Clayton ang takot at panghihinayang.Takot dahil baka muling bumangon sa hukay ang sinasabi nyang patay,at panghihinayang dahil baka mabawi sa kanya ang pamana na dapat sana makukuha nya. Ang kagaya nyang sakim,hahamakin ang lahat upang makuha ang bagay na kahit hindi sa kanya. ***-- Tarzan Pov' Sumikat ang bagong liwanag sa buong kagubatan,namulaklak ang mga bulaklak,nag awitan ang mga ibon at kay gandang pakinggan ang agos ng tubig sa sapa. Isang hindi magandang pangyayare sa gabing madilim,wala na si Ishcar,ang mortal kong kaaway.Ngunit nag iwan man ito ng mapait na alaala,may sumibol namang liwanag sa bagong umaga.Ang umaga na bago na ang lahat,ang umaga na mag papaliwanag sa aming buong lahi.At ang liwanag na sisimula sa bago naming buhay. Ang lahat ay nag tipon,nagagalak sila sa aking pag dating.May iba mang tutol itoy sasang ayon parin, Ako si Tarzan,ang hari ng kagubatan. Mabilis lumipas ang umaga at gabi,ang buo naming kalahian ay itinuturing na akong isang pinuno ng buong kagubatan. Hindi man maganda kung paano ko ito nakuha,sa isang banda lubos parin akong nagagalak.Ang lahat ay umaayon sa aking mga plano,sinusunod na nila ako na parang amo. Si Ina na laging na sa aking tabi ay laging kong nararamdaman ang munting suporta. Halos normal na ang lahat,ang lahat ay nasa ayos.Hindi ko alam na ang araw na ito,may roon palang malaking pagbabago. Masaya kong pinagmamasdan ang magandang tanawin ng kagubatan,mula sa malalaking bundok,masagana at naglalakihang puno,mga huni ng ibon,at tunog ng tubig sa malinaw na batis.Hanggang sa isang hindi pamilyar na sigaw ang aking narinig,boses ito ng ibang nilalang.Ang kanyang paghiyaw ay parang nahihirapan,hindi ko alam kung ano ang pumasok sa aking isipan kung kayat sinundan ko kung saan nang gagaling ang tunog.Bumaba ako sa puno at hinanap ang kakaibang tunog ng ibang nilalang at ng ito ay aking makita. Wala na itong malay at hubad ang katawan. AN: are you excited for the Intimate scene?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD