CHAPTER 5

1595 Words
Tarzan's Pov Ang malakas na putok ng isang hindi pamilyar na bagay ay nagpayanig talaga ng buong kagubatan.Pagbaba ko mula sa puno ay pinuntahan ko kaagad si Ina sa aming bahay puno' upang makita kung maayos ba ang kanyang kalagayan. Ang buong lahi ng mga unggoy ay kanya kanyang kilos at nagpupuntahan sa ligtas na lugar upang maprotektahan ang kani kanilang sarili.Alam kong lubos silang natakot sa malakas na putok na iyun,ngunit kailangan nilang kumalma sa kung ano mang bagay na kanilang kinakatakutan. Pagka kita ko kay Ina ay agad ko syang niyakap,ipinagdikit namin ang aming mga noo na lagi naming ginagawa upang mapakalma ang aming mga sarili.Masaya akot ligtas sya.Ang lahat namay abala sa pag lilipat ng kanilang sarili ng biglang tumalon mula sa gitna si Ishcar malapit saamin ni Ina.Ang lahat ay nagulat at nakuha ang kanyang atensyon,itinaas nya ang kanyang kamay upang tumigil ang lahat sa kani kanilang ginagawa. "Ang putok na ating narinig ay lubos na nakakapangilabot,ang tunog na iyun ay hindi pamilyar sa ating lahat.Ngunit hindi natin alam kung ang putok na iyun ay nakakapahamak ba."lumingon sya sa aming direksyon "kaya napag isip isip kong bakit hindi na natin gawin ngayon ang ating pag papasya tungkol sa kung sino ang mamumuno sa ating lahi,hindi ba Tarzan?" Binaling nya ang atensyon saakin. Para namang nagpintig ang tenga ko sa inis ng marinig ko ang sinabe nya.Bakit ba sya nagmamadaling ipasa ang usapang pamumuno.Bahagya akong lumapit sa kanya "Ngayon mo pa ba naiisip ang bagay na iyan Ishcar? Nag aalala na ang lahat sa kung anong pepwedeng mangyare.Bakit posisyon mo parin ang iyong iniisip" Natawa sya ng saglit "ikaw nadin ang nag sabi Tarzan,nagaalala na ang lahat.Sigurado akong nanganganib na ang lahi natin kung kayat kinakailangan na nila ng isang tunay na unggoy na mamumuno saatin." Sagot nya. Hindi ako napa imik sa kanya sinabe,may punto sya kayat nanatili na lamang akong tahimik.Nag katinginan kami ni Ina,maging sya ay mukhang sasangayon sa sinabe ni Ishcar."Upang matapos na ang usapang ito,kinakailangan nyo ng mag pasya ng mamumuno sa inyo." Nag hiyawan ang lahat at nag talunan,ang lahat ay nag tatalo talo sa kani kanilang upinion kung sino nga ba saaming dalawa ang nararapat na iboto bilang isang pinuno ng lahing unggoy.Kita ko sa kanyang mukha ang pag kasabik,alam kong nararamdaman na nya ang kanyang pagkapanalo."Mga kasama,mga kasama mag sitahimik kayo.Nais ko lamang sabihin sa inyo na ang nararapat na iboto ninyo ay ang tunay na unggoy at may malasakit para sa ating lahi" pag papaliwanag ni Ishcar. Nahimigan kong may pag mamayabang sa kanya sinasabe kung kayat hindi ko mapigilang Kumulo ang aking dugo. "Bakit ? Hindi ba totoong unggoy si Tarzan kung kayat wala na syang karapatang maging pinuno Ishcar? Parang pinapalabas mong ikaw ang tinutukoy mo sa iyong sinasabe.Dahil ba na ikaw ang may balahibo at sya ang kakaiba sating lahat?" sabi ng isang Unggoy mula sa mataas na puno.Naintindihan nya ang nais maparating ni Ishcar at dahil iyun sa pagkakaiba ng aking itsura sa lahat. Dahil sa sinabe ng unggoy natahimik si Ishcar at tumititig lang saakin."Bakit hindi kayo mag laban ng lakas upang malaman kung sino ba talaga sa inyong dalawa ang nararapat na mamuno ng kagubatan" dugtong pa ng isang unggoy sa taas ng puno. Hindi kami umimik ni Ishcar,binabasa namin ang galaw ng bawat isa kung sasang ayon nga ba kami sa opinion ng ibang unggoy.Tumingin ako kay Ina,nabasa ko ang tingin nya saakin.Alam kong hindi sasangayon si Ina sa plano ng mga unggoy na pag labanin kaming dalawa ni Ishcar upang malaman ang aming lakas sa isat isa. Pero ang lahat ng unggoy ay sumasangayon sa opinion ng kanilang kasama.Wala nadin akong nagawa ng pumunta si Ishcar sa gitna pa ng masulok na kagubatan,agad syang pinalibutan ng mga unggoy na kasama namin,mukhang willing syang makipag tagisan ng lakas sa akin.Hinawakan ni Ina ang aking balikat,nabasa ko sa mata nya ang pakikiusap na huwag na akong tutuloy.Ngunit wala na akong oras para pagisipan ang mga mangyayare kayat parang kusa akong dinala ng aking mga paa sa gitna ng mga kasama naming unggoy at makipag laban kay Ishcar. Tanging ingay lamang ng mga unggoy ang naririnig ko sa buong paligid.Nandito na ako sa gitna at nakikipag titigan kay Ishcar,binabasa namin ang galaw ng bawat isa.Inaantay namin kung sino ang unang kikilos sa aming dalawa.Sa isang saglit lamang,isang suntok ang pinakawalan ni Ishcar saakin.Mabuti na lamang ay nakaiwas ako sa bilis ng galaw nyang yun,mas lalo pang lumakas ang ingay ng mga unggoy sa buong paligid. Naging handa ako sa susunod na galaw ni Ishcar at sa pangalawang pag kakataon sinalag ko na ang suntok nya.Sa pagkakataong ito nagsimula kaming magpalitan ng suntok,bawat isa ay tutok at handa sa pagdating ng malalakas na kamao sa aming mga katawan.Hindi ko na inisip kong matatalo ba ako sa matinding laban na ito,ang mahalaga lang ay matapos na ang pagtatalo na ito.Nais ko ng magkaroon ng tahimik at payapang pamumuhay dito sa loob ng kagubatan habang may tapat at malakas na pinunuong mamumuno sa lahi ng mga uggoy. Hindi na namin namalayang napunta na kami sa dulo ng bundok,isang kalakip na hakbang nalamang ay pepwede ka ng mahulog sa malalim na bangin.Nag lalakihan ang mga bato roon at lubhang napakataas,ngayon nasa harap ako ni Ishcar habang nasa bingit ng bangin. Sigurado akong isang tulak nalamang nya ay pepwede na akong mahulog,ang mga hiyawan ng unggoy ay mas lalo pang lumakas.May kaba sila ngunit alam kong nagugustuhan nila ang kanilang nakikita "Si Tarzan ang hari ng kagubatan,ngunit nasa bingit na sya ng kamatayan.Ano ang huli mong gustong pasabe sa iyong mahal na Ina" nakakaloko ang kanyang pananalita ngunit nahihimigan kong gusto nya akong mawala.Ganto ba sya ka hayok sa isang kapangyarihan? Isa syang sakim. "Hindi sa ganto hahantong ang lahat Ishcar,wala dapat magbubuwis ng buhay.Hindi ito ang sulosyon upang malaman kung sino nga ba ang mas malakas." sabi ko sa matapang na salita. "Mapapatunayan natin yan,Kung may isang mawawala saating dalawa" alam ko sa boses nyang ito ay desidido na syang pumatay na kanyang lahi.Ngunit nakakalungkot at hindi kalahi ang tingin nya saakin.Kinain na sya ng pagkasabik sa kapangyarihan at hindi na nya iniisip ang kahahantungan. Naisip ko si Ina,baka sakaling hindi ko na sya makita. Matagal kaming nag katitigan ni Ishcar,dama ko man ang kaba ngunit pinipilit kong maging matapang.Ibang Ishcar ang nakikita ko ngayon,sya ang Ishcar na handang pumatay Ilang segundo lang ang lumipas ay sinugod ako ni Ishcar sa aking pwesto,ngunit dahil mabilis at maagap akong gumalaw nakaiwas ako sa kanya at nagtuloy tuloy sya bangin. Ang lahat ay nag sigawan,nagulat sa hindi inaasahang pangyayare.Hindi ako makagalaw sa aking kinatatayuan,hindi ako makapaniwalang si Ishcar ay nahulog sa bangin ng ilang saglit lamang.Hindi ito ang gusto kong mangyare,hindi ito ang aming inaasahan.Hindi man kami nagkasundo ng kahit kailan,hindi parin ito ang gusto kong kahinat hatan. Si Ishcar ay nagpaalam saamin,ng biglaan. ***-- Kinagabihan ay umulan ng napakalakas,ang panahon ay sadyang sumasaby sa lungkot na nadarama ng lahat.Nandidito ako ngayon sa taas ng puno at taimtim na nag iisp,hindi ko malimutan ang pangyayare kanina.Hindi ko matanggap na ganun hahantong ang lahat,namalayan ko nalamang na pumanaw na ang aking mortal na kalaban. Kung sa gantong pangyayare lamang makukuha ko ang kapangyarihang pamumuno,parang hindi ko ito kayang tanggapin.Hindi ito nararapat saakin. Naramdaman kong tinabig ako ni Ina saaking likudan,nandito sya para ako'y damayan. "Kung hindi si Ishcar,ikaw yun anak" sabi ni Ina sa malungkot na boses. "Naisip ko rin ho yun Ina,sana pwede ko pang ibalik ang oras,sana ipinaubaya ko nalamang" sagot ko. "Ipinangako ng iyung ama na kina kailangang may mamuno sa ating lahi.At ikaw yun anak" Tumingi ako sa kanya"Ngunit may nag buwis ng buhay Ina,at hindi ito ang paraan na gusto kong makuha sa kapangyarihan.Ayokong may magbuwis ng buhay,wala dapat namatay." Hinawakan nya ang aking pisngi "sinisisi mo ba ang iyong sarili? " tanong nya Hindi ako sumagot sa kanyang tanong.Sinisisi ko ang aking sarili sa pagkawala ng isa sa aming lahi,dapat binigay ko nalamang ang posisyon na iyun "Wala kang kasalanan anak,una palamang ay nararapat kana na maging isang pinuno.Ako ang iyung Ina at alam kong may busilak kang puso.Hindi man maganda kung paano mo ito nakuha,ang mahalagay hindi mo ginusto ang nangyare.Wala kang kasalanan,hindi mo gustong may mag buwis ng buhay" kinuha nya ang aking mukha at iniharap sa kanya,pinagdikit nya ang aming mga noo at sa ilang saglit lamang,Nawala ang aking lungkot at kaba na aking nararamdaman. Sa oras ng bigat na aking nadarama,si Ina ang tanging kaagapay.Kaya ng gabing iyun ay lubusan kong tinanggap ang katotohanan,wala akong kasalanan.Sa gabing iyun natulog akong mahimbing dahil alam ko kanibukasan,malaki ang aking responsibilidad na kailangang tanggapin at ingatan. Ako si Tarzan.Ang hari ng kagubatan. AN:sensya na sa mga typo error'pero wag po kayo mag aalala.Magkikita na ang dalawang bida ng kwento na ito,sorry kase kailangan mamatay ni Ishcar.Bigla kasing nagbabago ang isip ko e. Wait fo the Intimate scene....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD