Aiden Pov'
Masakit pa ang aking ulo at tiyan ng maalimpungatan ako,inikot ko ang aking mga mata sa paligid.Pamilyar ang lugar na ito,mukhang nasa kwarto na ako ngayon.Pero paano nga ba ako napunta rito? Biglang sumagi sa isip ko ang mga nangyare sa loob ng locker room,nakaramdam ako ng awa sa aking sarili.Kahit gaano pa ako katapang ay hindi lamang sapat iyun,may tao talagang mas malakas pa sa iyo at hindi mo ito kakayanin.
Pero sa bandang huli,alam kong lumaban parin ako kahit alam kong talo.Sumagi din sa isip ko ang mga kaibigan ni Clayton,mga walang hiya sila.Hindi man sa ngayon ngunit nakasisigurado akong makakagante ako sa kanila,ayun na ang huling pagkakataon na gagawin nila ang walang hiyang kababuyan saakin.Humanda sila dahil sa susunod ay makakagante na ako.
Mas lalo lang tuloy nag pintig sa puso ko ang galit ko kay Clayton,alam kong nanduduon sya sa silid na iyon at pinapanood nya kami.Naiimahe ko sa aking utak kung paano sya tumawa sa nakikitang paghihirap ko,paano ba humantong sa ganon ang lahat.Ang kasalanan ko lamang sa kanya ay isang sampal,ngunit kaya na nyang sumira ng pagkatao upang makagante sa ginawa ko.Ngayon kopa napakanapatunayan ang totoo nyang pagkasutil na paguugali,pero hindi sya uubra saakin.Hindi nya ako basta basta mapapabagsak ng ganun.
Ang pamilya namin ay malapit na mag ka negosyo sa isat isa,at kung sakaling mangyare ang mga gantong bagay.Alam kong magbibitiw ang aking ama sa kanilang negosyo.Pipiliin nya ako,at malaking kawalan ito para sa pamilya ni Clayton.
Nasa gitna pa ako ng pag iisip ng pumasok si Nana,tsaka ko lang napansin ang mga luha ko sa mata kaya agad ko itong pinunasan.Nabasa ko sa mukha nya ang sobrang pag aalala "Anak alam kong natatakot ka" sabi nya sakin at umupo sa gilid ng kama sa tabi ko "kaya sige umiyak kana,ilabas mo nayang sama ng loob mo"
Gusto ko mang pigilan ang pagpatak ng aking luha ay hindi ko na nagawa,yumakap nalamang ako kay Nana at hinayaang umagos ang luha ko.Si Nana lang talaga ang taong kayang mag palambot ng aking puso,simula kase ng itrato ako ni Ama ng hindi maganda.Tinanim ko na sa pusot isip kong hindi ako iiyak sa ibang tao,magiging matapang ako sa iba.Ngunit heto si Nana,ang taong nagpapalambot ng puso kong bato.
"Walang puso ang gumawa sayo nun anak,huwag kang mag alalat paiimbisitigahan ito ng iyong ama" sabi nya habang hinihimas ang aking likodan.
"Sana ho,kahit dito man lang mag karoon ng pake alam si Ama saakin.Dito ko po mas lubos na kinakailangan sya" maya maya lang din ay tumigil na ako sa pag iyak at umupo na ng maayos.
"Nakasisiguro akong gagawin ang lahat ng iyong ama upang pagbayarin ang mga gumawa sayo ng kababuyan na iyun.Alam kong kahit masama lagi ang trato sayo ni Archi (pinaikling Archimeds) ay lagi lamang nyang iniisip ang iyong kapakanan." Kinuha nya ang tubig na dala nya,ngayon ko lang ito napansin marahil ay inilapag nya kaagad ito sa lamesa ko.Ibingay nya ito saakin."mabuti nalang ay inihatid ka dito ni Clayton,kung wala siguro ang batang iyon ay walang makakaalam sa nangyare sa iyo"
Nagpintig ang tenga ko sa sinabe ni Nana,bakit si Clayton ang nagdala saakin gayon paman ay sya ang punot dulo nito.Ano ang ginawa nya at nasikmura nya pang ihatid ang taong muntik na nyang babuyun.Hindi ako makakapayag na bilugin nanaman nya ang ulo ng aking ama upang sya ang paniwalaan,kailangan malaman ni Ama na si Clayton ang may plano ng kababuyang nangyare saakin.
Tumayo ako sa aking higaan at nag tungo sa pintuan,agad namang sumunod si Nana saakin upang pigilan ako.Nagtataka sya sa biglaan kong pag tayo sa kama,"hindi maganda ang iyong pakiramdam iho, saan ka pupunta at nagmadali kang tumayo?" Pag aalala nyang tanong.
"Si Clayton po,nandito ba sya kanina?" Tanong ko.Sigurado akong nagpabango na iyun ng kanyang pangalan upang hindi sya mapagbintangan na isa syang kasabwat.
Tumango si Nana sa tanong at agad akong nag tungo sa ibaba.Mas lalong kumulo ang dugo ko ng makita ko sya kasama ni Ama habang nag uusap sila sa Sala.Mukhang marame na silang pinagusapan at alam kong napa ikot na nya ang kwento.
"Ang kapal ng mukha mo Clayton!" Bulyaw na tanong ko sa kanya pagkadating na pagka dating ko sa harap nila,napansin kong nagulat si Ama sa aking inasal ngunit masisi nya ba ako? "Talagang nagpunta kapa rito upang ihatid ako gayong ikaw naman ang punot dulo ng lahat ng kahalayan na iyon!"
Napatayo si Ama at si Clayton sa aking sinabe,alam kong nagulat si Ama sa mga narinig nya pero ayun ang totoo."Hindi ko maintindihan ang sinasabe mo Aiden,pumunta ako rito dahil inihatid kita" mahinahon nyang paliwanag saakin.Sa boses at itsura nya ngayon,paniniwalaan mo talaga sya."Nahuli kong pinagsasamantalahan ka na ng mga kaibigan ko kayat iniligtas kita sa kanila" kasya ko lang napansin na may sugat sya sa kanang bibig.
Sino ang maniniwala sa kanya? Wag mong bilugan ang ulo ko Clayton,alam kong plinano mo ang lahat ng pangyayare."sino namang niloko mo?"napatawa ako ng kaunti"alam kong plinano mo ang lahat ng nangyare kanina.kasabwat mo ang mga kaibigan mo dahil inutusan mo sila.Kanina lamang ay nasampal kita dahil sa iyong kabastusan,pero hindi ko alam na kaya mo palang sumira ng pagkatao para lang makagante! Sabihin mo sakin ngayon,maniniwala ba ako sayo ha?"
Hindi ko na naantay ang isasagot ni Clayton dahil biglang sumungit sa usapan si Ama."Manahimik ka Aiden!" Natigilan ako"pakinggan mo muna ang paliwanag ni Clayton.Kasalukuyan ng nakakulong ang kanyang mga kaibigan,at paiimbistigahan na sila.Ano pa bang gusto mong bata ka? Natulungan ka na lahat lahat.Sumunod ka saakin sa taas"
Sa tono ng pagsasalita ni ama mukhang hindi sya naniniwala sa sinabe ko.Mukha ngang nabilog na ni Clayton ang ulo ng nya.
Sumunod ako sa taas,dumiretsyo kami ni Ama sa kanya Opisina katabi ng kanyang silid.Nang maka pasok na kami sa loob kinuha ni Ama ang isang envelope,kinuha nya ang papel sa loob nito at ibinigay saakin.
Binasa ko ang mga nakasulat doon at wala akong naintindihan,binigyan ko lamang si Ama ng matanong na mata kasya nya kinuha sakin ang papel.Sa akin kasing pagkakaintindi,mukhang sa negosyo ang nilalaman ng papel na iyun.
"Hindi mo maintindihan hindi ba?" Tanong sakin ni Ama "bago ka kase mag dada,sisiguraduhin mo kasi na alam mo na ang buong katotohanan" kumunot lang ang noo ko sa sinabe nya "May malaki kaming negosyo ng ama ni Clayton,at para mas paboran pa tayo at makipag tulungan sa atin ang pamilya nila.Kinakailangan pakisamahan mo ng maayos ang batang sutil at sakim nayun."
Nag pintig sa inis ang tenga ko,ano? Kaya nyang kalimutan ang ginawa ng hayup na Clayton nayun saakin para lamang sa negosyo? Ganito naba kamukhang pera si Ama,"Ang ibig sabihin nyo ho ba,hindi nyo ko pinaniniwalaan tungkol sa sinabe ko kay Clayton?" Tanong ko,wala syang ibinigay na sagot at tumahimik lamang sya.Napa iling na lamang ako sa sobrang pag kainis."E,wala naman po pala sa inyo kung mapa hamak ako.Si Clayton po ang may plano nun ama,muntik napo akong mapahamak ng dahil sa kanya"
"Si Clayton ang tumulong sayo at nag hatid rito,hindi mo man paniwalaan ay nag alala kaagad ako ng sobra.Kaya kinasuhan ko na ang mga kaibigan nya upang mapakulong na ang mga ito.Dapat nga mag pasalamat ka kay Clayton at tinulungan kapa nya"
"Pero si Clayton po ang may pakana nun ama,kung hindi nyo lang alam napakaling bully ng sutil nayun sa Academy namin.Kaya nya yung gawin para lang makagante saakin" paliwanag ko.
"Ngunit wala kang ebidensya. Wag kang mag kakausa ng mga taong hindi mo naman lubos nakilala" sagot ni Ama,sa tingin ko wala na akong magagawa dahil mas pinapaniwalaan na nya si Clayton ngayon.
Kaya umiling nalang ako "Si Clayton na po talaga ang pinaniniwalaan nyo,hindi ba.Kailan nyo pa ba ako pinakinggan."pagkasabi ko nun ay umalis ako sa silid nayun na dala ang sobrang sama ng loob.
Pakiramdam ko naniniwala si Ama saakin ngunit hindi nya magawa yun.Marahil ay dahil sa negosyo,ayaw nyang masira ang relasyon namin sa pamilya ni Clayton.Isa pa,bakit ko sya kinakailangang pakisamahan?Ayun ang bagay na hindi mangyayare,hindi ko pakikisamahan ang isang taong muntik ng sumira ng pagkatao ko.
Pag kababa ko sa sala ay nanduduon parin si Clayton,tumayo sya at lumapit saakin "ang mga taong kagaya mo ay mabilis lang mabili ang loob ng mga taong may pangangailangan.Maswerte ka Clayton dahil hindi ako pinaniwalaan ni Ama sa suspetsya ko sayo.Pwede mong itago yang sungay mo sa ibang tao ngunit hindi saakin"Diretsyo kong saad sa kanya.
Napailing sya at napatawa ng mahina "sabi ko na na nga bang katulad lang din ng iba ang tingin mo sakin.Kung hindi sakim,minsan sutil"
Ayun naman talaga ang katotohanan,dahil ayun ang ugaling pinapakita nya "hindi mo ako mabobola sayo Clayton,alam ko ang ginawa nyo sa istudyanteng lady boy kung kayat nag draf sya sa paaralan natin.Ginahasa nyo sya sa locker room dahil natipuhan nyo sya.Ang masama lang mangyayare rin sana sakin ang bagay nayun dahil isa rin ako sa natipuhan ninyo"
Lumapit sya ng kaunti saakin at bumulong sa tenga ko "ako lang ang may tipo sayo my lady boy" nagulat at nag sitaasan ang mga balahibo ko sa katawan dahil sa sinabe nya.Mukhang umiiral nanaman ang kanyang pag kamanyakis at dito pa mismo sa tahanan namin."At alam mo ba? Nakaisang round pa kami ng lady boy naiyun dahil nagustuhan nya.Sumisigaw sya sa sobrang sarap"
Duktong pa nya,naningkit ang mata ko sa narinig ko.May halong yabang ang sinabe nya kaya mas lalo pa akong naasar.
Itinulak ko sya ng bahagya,"wala kadin kaseng kapal ng mukha Clayton e no' hindi ako kagaya ng ibang tipo mo na bibigay sa mga hirit mo.Kung mas narapan sya sa ginawa mo,sigurado mandidire ako sayo" ngumisi sya.
"Wag ka ng mag pakipot pa Aiden,alam nating dalawa na bakla ka at malakas ang iyong atraksyon sa mga kagaya ko.Wag na nating pahirapan ang sarili natin sa isat isa." Hindi ko na napigilan ang sarili ko't nasampal ko sya ng biglaan,napa ka kapal ng mukha nya.
Tumawa lang ito at kalaunay lumabas na ng bahay,naiwan akong pinaprases ang lahat ng sinabe nya.Papano nya nalamang bakla ang nararamdaman ko at may atraksyon ako para sa kanya.
Oo noon,noon yun.Noong hindi ko pa nalalaman ang totoo nyang pag uugali,maitsura si Clayton ngunit hindi sya ang tipo ng taong gugustuhin mo.Malakas ang atraksyon ko sa kanya marahil gwapo ito,ngunit sa katulad kong bakla,hindi lang ang mga ganyang bagay ang tinitignan ko,kundi ang paguugali din ng pagkatao.Marahil ngang alam nya ang totoo,sisimulan kong kalimutan ang nararamdaman ko sa kanya.At nagtagumpay ako dahil matagal ng wala iyun.
Hindi sya ang taong nararapat sakin.
****---
Mabilis lamang lumipas ang tatlong araw,napatunayan kong magaling nga magtago ng sikreto ang Campus namin dahil wala man lang nakaalam ng pangyayare sa loob ng locker room.Ayoko nang banggitin pa ito dahil naaasiwa ako sa mga taong gumawa saakin ng kahalayan naiyun.
Sa loob ng tatlong araw ay nanatili lamang ako sa aking silid,laging nakahiga at paminsay minsay umiiyak nalamang ng biglaan.Nanatili kase sa pusot isip ko ang mga nangyare,hindi ko din matanggap na pinawalang bahala ni Ama ang kasalanan ni Clayton gayoy naniniwaka naman sya sa mga sinasabi ko.Ganyan talaga ang nagagawa ng Negosyo,itatago at isasantabi mo ang lahat ng bagay wag lamang mawala ang iyong pera.
Para akong nag luluksa sa sakit ng dibdib na aking nararamdaman,at ang tangi ko lamang kadamay ay ang mga pinta ko na sinabit sa paligid ng aking silid at ang human painting ko na nakalagay sa upuan sa harap ng aking kama.
Napabangon lamang ako ngayong umaga dahil kinausap nanaman ako ni Nana,at dahil sya lamang ang tao na nag papagaan ng aking dibdib ay sinunod ko sya upang kumain ng umagahan.Ayoko mang makita si Ama at makasabay sa hapag kainan ay wala naakong nagawa pa.
Matagal ding namayani ang katahimikan sa buong kusina,parang nag sama ang tubig at langis sa iisang baso ngunit hindi ito mapaghalo."mabuti naman at napabangon ka ni Nana sa higaan,tatlong araw kana kase nakahilata doon e" Basag ni Ama sa katahimikan.
Sa totoo lang hindi ko alam kung papaano sya kakausapin,ngayon kase parang may nahimigan akong pag aalala sa boses nya.
"Oo nga ho e,sayang yung tatlong araw na hindi ko pinasok." Walang ganang sagot ko sa kanya,nakatutok lamang ako sa pag kain upang hindi tumama ang paningin namin sa isat isa.
"Alam kong hindi maganda ang pinag samahan nyo sa isat isa ni Clayton,Aiden.Pero sana maintindihan mo na kung kakasuhan pa natin ang batang iyun ay magsasayang lamang tayo ng oras." Sa pag kakataon nato nakuha ni Ama ang atensyon ko,alam kong sinusubukan nyang mag paliwanag saakin."Mayaman ang pamilya ng mga Gryestoke iho,at isa pa ay nakapag usap na kami sa negosyo.Malaking pagbabago ang pwedeng mangyare kung kakalabanin natin ang pamilya nila"
Huminga na lamang ako ng malalim bago mag salita.
"Wala na ho sakin yun ama,sa loob po ng tatlong araw na pamamalagi ko sa aking silid.Kahit papano po ay nagaaral akong mag patawad at tumawid sa bagong araw,tanggap ko naman ho'ng hindi nyo ako kayang pag bigyan." Tatayo na sana ako sa aking upuan.Walang kwenta ang paguusap nami ni Ama,hindi nya mapapagaan ang loob ko sa sinasabe nya.Hanggat may komunikasyon kami sa mga Greystoke na iyun,hinding hindi ko sya maiintindihan.
"Ano bang pwede kong gawin upang mapagaan ang loob mo" bago man sa pandinig ko,gusto ni ama na makabawi saakin.Pero hindi ko ba alam kung magiging masaya ako sa pagbawi nyang gagawin.
"Wala ho Ama,sige na ho at mag hahanda na ako papuntang klase"
"Pupunta kami sa Allustrea Island" natigilan ako,Allustra Island?
"Oo sa Allustrea,sa kagubatan ng isla kung saan nawala ang anak ng mag asawang Greystoke nais kong sumama ka roon"
AN:Allustrea Islad is the Island were the Greystoke Family was died because of the storm.