Drake POV
Nang makaalis na kami doon sa lugar na iyon inuwi ko si ate sa tahanan ko na tanging ako at si kuya lang ang nakakaalam.
Tatlo ang kwarto dito at sinadya ko talaga na tatlo para sa aming magkakapatid. Inilagay ko siya sa kama ng magiging kwarto niya. Hanggang ngayon mainit parin siya kaya hindi pa pwede tanggalin ang special na tela na nakabalot sa kanya.
Pumunta ako sa bintana at hinawi ang kurtina para pumasok ang araw sa loob ng kwarto. Biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito si Kuya Damon. Tinanggal niya ang cloak niya at bigla itong nawala. Ang cloak niya ay special at meron din ako nun.
Lumapit siya kay ate at hinaplos niya ang buhok nito.
"Kuya Damon mabuti andito kana. Si ate.." Sabi ko pero pinutol niya ang sasabihin ko.
"I know. After one hour her body temperature will be back to normal." Sabi niya at tumingin sa akin.
"Magpapakita ka ba sa kanya ngayon kuya Damon?" Tanong ko.
"No. This is not the right time." Sabi niya at hinalikan sa noo si ate.
Tumayo na siya at sinuot ulit ang cloak niya.
"Her majikas are starting to awake. Don't let them go near her. I don't want to see our sister crying because of them." Saad niya at biglang nawala.
Tinignan ko muna si ate bago lumabas sa kwarto niya. Kailangan kong i-monitor ang mga galaw ng mga traydor.
Nicole Dark POV
"Astrea." Tawag ng isang magandang boses ng babae.
"Astrea." Tawag niyo ulit.
Hindi ko alam kung sino ang tinutukoy nito na Astrea.
"Astrea...anak ko." Tawag ulit ng babae na nasa bandang likod ko kaya humarap ako.
Nakita ko ang isang babae na nasa middle 40s at nagulat ako dahil mag kamukha kami na parang ako ang young version niya.
"Astrea...Anak ko." Sabi nito ulit kaya napatingin ako sa paligid ko wala namang tao kaya tumingin ulit ako sa harap at tinignan siya. Tinuro ko ang sarili ko pero inulit niya lang ang sinabi niya kanina.
"Astrea... Anak ko... Mag-iingat ka... Kayo ng mga kapatid mo." Sabi nito at unti-unting nawala sa paningin ko. Bigla nalang akong napabangon sa hinihigaan ko at habol-habol ang hininga ko.
Napansin ko na hindi ito ang kwarto ko. Naalala ko yung panaginip na parang totoo. Sino ba ang babaeng yun? Totoo kaya siya? Sino si Astrea na anak daw niya? At bakit magkamukha kami?
Bigla kong naalala ang nangyaring pagsabog kanina. Nang makita ko ang lalaking nakared cloak bigla nalang akong napasigaw dahil para akong sinunog dahil sa init na pinapadama ng tattoo ko kaya iyong damit na suot ko ay unti-unting nasusunog at bigla nalang ako nawalan ng malay.
Napatingin ako sa nakabalot sa akin isang tela na masasabi ko na napakalambot. Biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito si Drake.
"Gising kana pala ate. May mga damit pambabae diyan sa closet ate kaya pwede kanang maligo." Sabi niya at lumabas na.
Kumuha ako ng damit sa closet. Isang black na long sleeve na may turtle neck at isang black jeans. Mabuti nalang at may underwear kaya black din ang pinili ko. Pagkatapos ay pumunta na ako sa banyo at naligo.
Pagkatapos kong maligo at magbihis lumabas ako ng kwarto at bumaba tapos ay hinanap ko ang kusina. Nagtagumpay naman ako at nakita ko si Drake na naghahanda ng pagkain.
"Oh, andyan ka na pala ate. Tatawagan na sana kita pagkatapos ko dito." Sabi niya kaya nginitian ko siya. Umupo na ako at nagsimula na maglagay ng kanin at ulam sa plato ko.
"Ilang oras ba ako tulog?" Tanong ko sa kanya. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako sanay na may kappatid ako. Parang kailan lang napadpad ako dito at malalaman ko na may kapatid ako. Totoo ba talaga na kapatid ko siya? Magpa DNA test kaya kami kapag nakalabas ako dito sa mundo nila?
"Tatlong oras lang ate atsaka dumalaw dito kanina si kuya para tignan ang kalagayan mo tapos umalis na siya." Sabi niya kaya sumimangot tuloy ang aking mukha.
"Bakit hindi niya ako hinintay na magising at ng makilala ko na rin si kuya." Sabi ko at sumubo ng pagkain.
"Busy kasi siya ate pero 'wag kang mag-alala malapit mo na siyang makilala." Sabi niya at kumain din.
"Alam mo Drake ang weird ng panaginip ko. Baka nahawa na ako sa pagkaweird mo kasi kakambal kita?" Pag-oopen ko sa kanya. Halata din sa tono ng pananalita ko ang walang kasiguraduhan ng banggitin ko ang kambal.
"Grabe ka naman sa akin ate. So ano yung napanaginipan mo ate?" Tanong niya.
"Kasi may nakita akong babae na nasa 40s sa panaginip ko at tinatawag niya akong 'Astrea Anak' tapos mag-iingat daw ako at ng mga kapatid ko. Ewan ko ba para kasing totoo." Sabi ko at sumubo ulit, siya naman ay nabilaukan kaya binigyan ko agad siya ng tubig.
"Oh, napano ka?" Tanong ko sa kanya.
"Ah. Wala ate." Sabi niya pero hindi ako naniniwala.
"Ano nga." Tanong ko ulit at sinamaan ko siya ng tingin.
"Kasi...kasi nagpakita si ina sayo. Noong ikinuwento mo siya sigurado ko na si ina iyon. Tanging si ina, ama at kami ni kuya lang ang nakakaalam sa tunay mong pangalan." Sabi niya na nagpakunot ng noo ko.
"Kung ganun hindi Nicole Dark ang pangalan ko?" Tanong ko at tumango siya.
"Ikaw si Astrea...Astrea Cassandra Ong." Sabi niya.
"Hindi Drake ang totoo ko pangalan ate at malalaman mo lang din sa tamang panahon." Sabi niya kaya napa tsk ako. May nalalaman pa na tamang panahon. Pwede naman niya sabihin sa akin ngayon.
Nagstay kami dito sa bahay niya at nag kwento lang siya simula ng pagkabata niya at ni kuya at kung paano nila nalaman na may nawawala silang kakambal. Sinabi at ipinakita niya sa akin ang majika niya. Na amaze nga ako noong una kasi may tatlong majika siya. Sinabi din niya kung bakit naging ganun ang reaction ng body temperature ko. Bigla kong naalala ang mundo ng tao. Ang layunin ko kung bakit ako pumasok sa paaralan na iyon dahil gusto kong bumalik sa pinagmulan ko na hindi pala talaga ang pinagmulan ko pero kahit nalaman ko parin na hindi ako taga mundo ng tao babalik parin ako doon kasi may mahal ako sa buhay na naiwan doon. Si mommy at daddy kamusta na kaya sila? Si Gelo at ang mga bata sa orphanage okay lang kaya sila doon? Namimiss ko na sila. At kumusta na kaya ang Gworld? Namimiss ko na ang makipagpatayan. Iyong mga dugo na masarap sa paningin at---.
Hindi natapos ang pag-iisip ko ng may unan ang nag landing sa mukha ko kaya sinamaan ko ang bunso ko kapatid.
"Anong problema mo?" Tanong ko at sinamaan siya. Kita niya nag-iisip ako eh.
"Ang bad mo mag-isip ate eh. Una namimiss mo yung naiwan mo doon tapos napunta sa p*****n at dugo na masarap sa paningin. Yack talaga ate." Sabi niya at with action pa talaga. Minsan napagkakamalan ko na babae o bakla itong kakambal ko. Sana nga ay may babae akong kakambal.
"Paanong sasabihin ko sayo na meron pa tayong isang kambal na babae ate?" Sabi niya kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"'Huwag mo ngang basahin ang nasa utak ko." Sabi ko.
"Aralin mo kasi kung paano isarado yang utak mo ate kasi masyadong open pero kung tutuusin tanging kaming mga kapatid mo lang ang nakakabasa sa isip mo." Sabi niya. Hindi ko nalang siya pinansin at gumagabi na kaya napagdesisyonan namin na umuwi na sa Academy. Tinawag ko ang tatlong chipmunks kasi namimiss ko na sila.
"Master!!! We miss you so much." Sabay na sabi nilang tatlo at sinunggaban ako ng yakap.
"Namiss ko din kayo. Pwed--." Hindi natapos ang sasabihin ko ng sumingit ang weirdo kong kakambal.
"WOW! Chipmunks. Why so cuteeeeee." Sabi nito na naka weirdong look. Kaya bago pa niya kunin ang mga chipmunks ko ay tumakbo na ako palabas at sinabi ko sa mga chipmunks na magteleport na kami sa dorm ko na sinunod naman nila. Nakita ko si Drake sa may pinto.
"Una na ako sayo." Sabi ko at napapikit. Pagbukas ng mata ko ay nasa loob na ako ng kwarto ko ng dorm ko. Napabuntong hininga ako dahil sa mga nangyari ngayon araw na ito. Hindi ko alam pero parang nanghihinayang ako dahil hindi natuloy ang paligsahan kanina. Baka pagalitan kami bukas ni prof. Jaie dahil sa bigla namin pag-alis doon. Grabe na din ang hirap namin sa pag-iinsayo pero hindi lang natuloy. At isa pa ang hinayupak na ulap na iyon. Alam ko naman na may hidden agenda iyon pero hinayaan ko lang para makita ang reaksiyon ni Levi. Talking about Levi, napangiti nalang ako dahil sa naging reaksiyon niya. Totoo nga na may gusto sa akin si Levi? Hay iwan ko ba sa sarili ko. Napahikab na lang ako sa pag-iisip.
Natulog agad ako pagkatapos kong maglinis ng katawan. Natulog na rin ang mga chipmunks sa sarili nilang kama na sila mismo ang may gawa. Hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa akin sa susunod pa na araw na dadaan sa buhay ko.
To be continue...